Chapter 35: Things that Happened

2K 50 7
                                    

Sunhee's POV

"Kuya, dito nalang po." Sabi ko sa taxi driver at tumigil yung sasakyan. Bumaba ako at binayaran ko yung driver.

Pumila ako dun sa sakayan ng bus, papuntang...... somewhere I guess? Basta makatakas lang ako diyan sa ina na yan.
Buti nalang, maiksi yung pila kaya nakasakay ako agad.

Aalis na ako sa hometown ko. Kung saan nandito yung mga alaala ko at kung saan ko nakita ang taong mahal ko.

Cringe.

Pagkapasok ko ng bus, umupo ako sa pinakadulo at pinakahuling upuan. Kung saan may isang lalaki na hindi ko makita ang mukha, dahil nakatakip ito ng sumbrero niya.

Umupo ako at nagsuot ng headphones para mag-music. Nararamdaman ko yung paggalaw ng lalaking nasa tabi ko pero hinayaan ko nalang.

Hininaan ko yung volume ng tugtog para malaman ko kung bababa na kami o hinde.

May naramdaman akong kumalabit sa balikat ko at tumingin ako. Yung lalaking tabi ko ay si.... Adrian! Nanlaki yung mga mata ko.

"Hi Sunhee."
"ADRIAN!" Nagulat siya sa bigla kong pagyakap. Maraming tumingin sa amin pero wala akong pake.

"Namiss mo pala ako?" Sabi niya habang tumatawa. Inalis ko yung yakap at nginitian siya.

"Malamang! Namiss kita! Alam ko na nagkita tayo noon pero namiss pa rin kita!" Sabi ko sa kanya. Tumango siya.

"I miss you too." Aww~ It's so very touching nemen.

"So, kamusta ka na? At bakit ka aalis?"
"Yun nga dapat itatanong ko sayo eh."

Tumahimik kami dahil mag-iisip ng sasabihin. It turns out, si Adrian yung unang nagsalita.

"Sunhee. May sasabihin akong importante sayo." Sabi ni Adrian na seryoso yung tono ng boses niya.
"Ano yun?"

"It's about Zen." Bumilis naman yung tibok ng puso ko nung narinig ko yung pangalang yun,

"What about him?" Tanong ko.

"Sabihin ko sayo ang lahat ng nangyari noong 2 years ago. Simula nung umalis ka na sa MNH, may nangyari kay Zen. Nadisgrasya siya di ko alam kung bakit... basta ganun. Kaya pumunta ako agad sa ospital simula nung sinabi ng pulis sa school, wala kaseng pakealam yung principal pero marami sa mga kaklase natin nag-iyakan."
Oh no! Atleast okay naman siya diba?

Huminga siya ng malalim at hinintay ko siya magsalita.

"Pagkadating ko sa ospital, pumasok ako sa room niya. Tinanong ko muna pala sa nurse kung anong room niya bago ko nalaman. At pagkadating ko sa room niya, natutulog siya kaya natulog rin ako. Skip na yun! Next ay yung pagkagising ko, gising rin siya at kinausap ko siya. Kilala niya pa ako syempre pero nagulat nalang ako nung tinanong ko sa kanya kung ano nangyari sayo. The bad news is, hindi ka na kilala ni Zen. Hindi niya na matandaan pangalan mo, Sunhee."

Napatigil naman ako sa mga sinabi niya. Ako? Di matandaan ni Zen?

I-imposible yan!!

"Sabihin mong hindi totoo yan! Sabihin mo!" Sabi ko kay Adrian na may pagkagalit sa boses. Nakita kong nanginginig siya sa takot. Kaya pinakalma ko sarili ko.

"Totoo, Sunhee. Di ko nga alam kung bakit di ka niya matandaan pero ako natatandaan pa niya."

Kaya pala nung nagmeet kami ni Zen, hindi niya ako makilala. I tried to stay positive. TRIED.

Pinigilan ko yung luha kong tumulo kase ang pinaka ayoko sa lahat ay yung kalimutan ka ng taong mahal mo.

"Ibang topic naman... kalimutan na muna natin yan." Sabi ko changing the topic. Ayoko lang kase umiyak because that is the sign of my weakness. Tsaka maraming tao dito sa bus. Buti nalang lahat sila'y tulog.

"O sige. Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Adrian.
"I don't know. Tatakas ako sa mga magulang ko kase nung umalis ako dun sa MNH, kinidnap nila ako. Akala ko naman, ibebenta nila ako. Pero ang ginawa nila ay gawin akong 'prinsesa' Saan ba tong bus na ito papunta?"
"Sa **********. At may tanong ako, may nangyari ba sa inyo ng parents mo kaya kayo nagkaganyan?"Sabi ni Adrian. Tumango naman ako.
"Oo. But it's a long story that I don't have time to tell it."
"It's okay, I won't force you to. Besides, mahaba pa naman yung oras para sabihin mo sa akin yung mga problema mo na gusto mo na ilabas eh."

Huminga ako ng malalim at kwinento ko sa kanya yung buhay ko. Yung binebenta ako nung magulang ko. Wala silang pakealam sa akin. Puro lang sila pera. Palagi rin nila ako ina-abuse. Yung papaluin ng sobrang lakas at sasapakin, tatadyakin. Yung ganun.

Pinagkakatiwalaan ko naman si Adrian eh. At tsaka, gusto ko rin naman ilabas ang lahat eh.

Pagkatapos ko naman sabihin lahat yun, yinakap ako ni Adrian. Kailangan ko talaga toh.

Bakit si Adrian ang hindi ko pa nagustuhan? Eh, mabait naman siya, gwapo pa at pinagkakatiwalaan pa? Bakit ko ba siyang itinuturing kaibigan?

Naiinis talaga ako sa sarili ko.

"Sunhee, ang dami mo palang pinagdadaanan. Don't worry, nandito ako para sayo. Saan ka na titira niyan?"
"Di ko alam, maghahanap nalang ako ng apartment."

Umalis siya sa yakap at tumingin sa akin.

"Tumira ka nalang sa bahay ko. Tutal, gusto ko naman may kasama eh." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Teka? Akala ko ba kasama niya si Zen?
"Eh paano si Zen?"
"Nakatira na siya sa fiancée niya."

Huh? Fiancée?

"Fiancée?" Tanong ko na nanlaki yung mata.
"Sunhee. Alam kong masakit pero oo. May fiancée na si Zen. Di ko alam kung paano sila nagkakilala."

Ang sakit. Sabi niya may girlfriend na siya. Ngayon, papakasalan niya na.

"Ang bilis naman. Pero kailangan ko nalang siya kalimutan para walang pumasok na sakit sa kalooban ko." Ayoko talaga ng ganito eh. Nung nagmeet kami ni Zen, masakit yung hindi niya na ako maalala. Pero mas masakit yung may girlfriend na siya na dapat niyang papakasalan.

Alam kong binibiro ko si Zen nung nagmeet kami pero sa totoo lang, tuwang-tuwa ako nung nakita ko siya.

Pero this is the time. Kakalimutan ko na talaga siya. Aalisin ko na siya sa isip ko.

Ang hirap...

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon