Chapter 15: It's so hard to hide

2.6K 66 2
                                    

Zen's POV

Ughhhh! Nagugutom na ako. Yung tiyan ko kumukulo na. Gusto ko na kumain. Ba't ko pa kase iniwan yung mga binili ko!?? Amo ba yan?

Bigla kong narinig tumunog yung doorbell. Sino kaya yun?

Sunhee's POV

*Dinngg donngg*

Hinintay ko bumukas yung pinto. Wooh! Kinakabahan ako! Ewan ko lang kung bakit! Teka, maayos ba buhok ko? Ay bwiset, ba't ko pa tinatanong yun?

Ilang segundo, bumukas yung pinto. Nanlaki yung mga mata ni Zen nung nakita niya ako sa harapan niya. Sasarado na niya sana yung pinto na bigla kong hinarang yung paa ko. Kaya narinig ko siyang nagbuntong hininga at binuksan nalang yung pinto. Wala namang siyang choice eh. Stubborn ako.

"What do you want?" Tanong niya na may pagkatamlay sa boses. Pinakita ko sa kanya yung plastic na hawak ko at kitang-kita sa mukha niya na lalo siyang nalilito. Kaya pumasok nalang ako sa loob at dumiretso sa kusina.

"Uh, what are you doing here? It's late." Hindi nalang ako umimik at kumuha nalang ako ng plato na nakalagay sa kitchen cabinet. Linagay ko toh sa mesa.

Nararamdaman ko parin ang pagtitig sakin ni Zen kaya tumingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami.

"You need to eat. Here, I brought you food. Aren't you going to say 'thank you'?" Sabi ko sa kanya at linagay yung ulam sa plato niya. Sinandukan ko na rin siya ng kanin para kompleto.

Umupo siya sa upuan at nagsimula na siyang kumain. Habang ako naman, kumuha ako ng baso at linagyan ko ng tubig. Linagay ko yun sa harapan niya.

"Salamat." Natigilan ako sa sinabi niya. Ay waw! Marunong naman pala siya magpasalamat eh.

Umupo ako sa tapat niya. At linagay ko nalang yung isang braso ko sa mesa habang nakapatong yung baba ko. Tinitigan ko lang siya. Pero ba't ayaw niya tumingin sa akin?

Iniiwasan niya pa nga tumingin eh. Parang wala lang ako dito. Pero ligtas siya kase nagpasalamat siya.

"Is it good?" Tanong ko sa kanya. Tumango nalang siya habang hindi nakatingin sa akin.

Tumayo akong sa kinauupuan ko at naglakad papuntang sala. I swear narinig kong may binulong siya. Hindi ko maintindihan dahil sa hina ng kanyang boses.

Zen's POV

"Sarap ng luto mo Sunhee." Pabulong kong sinabi.

Grabe, wife material pala siya eh. Kaya lalo akong naiinlove sa kanya.

Oo, admit ko na. May gusto na ako sa kanya.

Pero di ko alam kung kailan ko sasabihin yung mga nararamdaman ko. Ang hirap sabihin eh.

Pero mas lalong mahirap itago.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon