Sunhee's POV
Pagkatapos ng 'date',hinatid ako ng dalawang lalaki sa apartment ko. Syempre, as usual, nagtalo pa sila kung sino maghahatid sa akin pag-uwi. Ang cute nila mag-away, kaso lang, kailangan ko rin pigilan kase nakakatakot sila pag-galit. Gusto ko, happy happy lang. Diba, mas maganda pa yun?
Nandito na ako sa kwarto ko, nakahiga sa kama, iniisip kung ano ang mangyayaring kababalaghan bukas.
Habang nakahiga lang ako, bigla akong may narinig na tunog sa aking phone.
Tinignan ko at nakita ko yung pangalan ni Adrian. Agad ko naman binuksan yung notification na yun.
From: Adrian❤️
Goodnight, babe. Sana yung lalaking yun, hindi makisali sa buhay natin.
Buhay namin? Ano daw? Wala naman ring kame ah.
To: Adrian❤️
Walang tayo. At tsaka, di ko naman alam kung magiging sayo ba ako o kay Zen.
Natawa ako sa text ko kase alam ko yung reaksyon ni Adrian ngayon ay priceless. Ayoko saktan yung feelings ng tao, pero paano pag reality? Syempre, palaging masakit ang katotohanan.
Wala naman talagang kami eh.
Bitter ko ba masyado?
Maya-maya, may narinig akong tunog sa phone ko. Imbis na pangalan ni Adrian makita ko, ang nakita ko naman ay yung pangalan ni Mr. Masama.
From: Mr. Masama
I love you, forever.
Shet. Kinilig ako dun ah. Bumangon ako ng kama at tinignan ko sarili ko sa salamin at nakita kong pula na yung pisngi ko.
Ba't ganun?
Apat na words lang yun, pero kinilig na agad ako.
May narinig ulit akong tunog at tinignan ko yung reply ni Adrian.
From: Adrian❤️
Goodnight, babe.
Psshh! Maka-babe, akala mo kami na.
May napansin pala ako dun sa dalawa. Kay Zen at kay Adrian. Malaki ang kanilang pagkakaiba.
Si Adrian, hardworking. Ginagawa niya lahat para lang mapasaya niya ako. Samantalang si Zen, kakaiba kase siya eh. Words lang niya, nagustuhan ko na agad at kinilig agad ako.
Di ko alam kung sino pipiliin ko. Kase pag pinili ko si Zen, alam kong illegal yun dahil isa siyang guro at baka mawalan pa siya ng trabaho.
Kapag si Adrian pinili ko, Oo, komportable ako pagkasama siya pero di ako sure na gusto ko siya as a lover. Kase para sa akin, tingin ko sa kanya ay brother hindi lover.
Hala! Pag sinabi ko yun kay Adrian, baka masaktan yun. Syempre, sino bang taong hindi masasaktan kapag sila'y frinendzone, brinotherzone at sineenzone mo? Kung mayroon man, edi very good.
The next day......
Adrian's POV
Naglakad ako papunta sa school. Malapit lang kase yung bahay namin sa paaralan ko.
Habang naglalakad ako, may naramdaman akong umakbay sa akin. Tumingin ako at nakita ko ang bulok na mukha ni Rose Jinelle Seraspi.
I hate this girl.
Tinaggal ko yung braso niyang nakapatong sa aking balikat at binilisan ang paglalakad. Kita kong nagtataka siya, pero hinayaan ko nalang siya.
I don't want to deal with that girl.
Tinulin ko ang aking paglalakad upang hindi ako maabutan ng babaeng may bulok na mukha na humahabol sa akin.
Pagkatdating ko sa aking paaralan, agad naman ako pumunta sa silid-aralan at umupo sa aking desk. Wala pang mga estudyanteng pumapasok kase maaga ako nakapunta dito. Ang kasama ko lang dito ay si Sir-or should I call it, Zen.
Nag-aayos siya ng papel. Pero nawala yung tingin niya sa mga ginagawa niya nung narinig niya akong pumasok sa klasroom. Nagkatitigan naman kaming masama, pero inalis ko na rin yung tingin ko sa kanya. Kahit naman alisin ko yung tingin ko sa kanya, nararamdaman ko paren ang masama niyang titig sa likod ko.
Tahimik ang klasroom nang bigla siyang nagsalita.
"Did I ruin you and Sunhee's date?" Tanong niya. Tumango ako.
"Yes." Sagot ko.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang ngumingisi at tumawa ng mahina. Baliw.
"Buti nga." Nung sinabi niya yun, agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko at hinawakan ang collar ni Zen. Kita kong walang ekspresyon yung mukha nito pero tinitigan ko paren siya ng masama.
"Pinaghirapan ko ang lahat na nyun para sa taong mahal ko, kay Sunhee. Pero anong ginawa mo? Pampanira ka lang ng moment namin. Zen, tandaan mo toh ha? Teacher ka! Illegal ang magkaroon ng student and teacher relationship. Pwedeng-pwede kang mawalan ng trabaho at makulong dahil sa mga pinagagagawa mo!" Sabi ko sa kanya. Nainis ako nung ngumingisi niya.
"Who cares if I'm a teacher? Who cares if I lose my job? Who cares if these kind of relationship is illegal? And who cares if I end up in prison? As long as napapasaya ko si Sunhee, masaya na ako dun. Kahit masaya siya na makulong ako, sige! Magpapakulong ako para sa kanya. Magsasakripisyo ako para sa kanya. Ganun ako, baliw na baliw ako kay Sunhee."
Mas lalo akong nainis sa mga sinabi niya. Sasapakin ko na siya sana nang narinig ko bumukas yung pinto. There stood the principal, with a shocked expression.
Oh no, I'm doomed.
"Mr. Vicencio! What kind of nonsense is this?! Did you know that you aren't allowed to hurt your teachers!?!? It's a sign of disrespect!" Galit na sinabi sa akin ng principal. Binitawan ko si Zen at tumingin sa baba. Nakakatakot yung principal magalit, pramis.
"Sorry miss. Misunderstanding-"
"Misunderstanding??!!! Huwag mo akong gawing tanga Mr. Vicencio, nakita ko yung nakita ko." Sabi sa akin ng principal.
Narinig kong bumukas yung pinto at nakita ko ang dyosa ng buhay ko. Sunhee!
Nakita kong nanlaki mga mata habang nakatingin sa amin. Teka, narinig niya ba yung usapan?
"Nako! Adrian! Girlfriend mo na pala tong bruha na toh ha!?!? Yikes, bakit mo pinili tong mangkukulam-I mean, yung principal." Sabi ni Sunhee na alam kong pinaparinig niya sa Principal. Humarap sa kanya yung principal na may galit na ekspresyon.
"Among sabi mo, Ms. Troublemaker??" Tanong niya na nakatitig ng masama kay Sunhee. Tinignan lang namin ni Zen yung dalawa.
"Wala. Period. Okay goodbye. Alis ka na dito sa classroom, bumalik ka na dun sa kulungan-I mean, office mo, bye toots!! " lait ni Sunhee sa Principal.
Nakita kong nanginginig yung principal sa galit kaya agad naman lumabas ito at sinarado yung pinto ng padabog. Kaya tumahimik bigla yung kapaligiran. Tinignan ko si Sunhee at nakita kong pinipiglian niya tumawa. Napangiti ako nung nakita ko yung ngiti niya.
Her smile is life....
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomansaSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...
![[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson](https://img.wattpad.com/cover/151577230-64-k857399.jpg)