3 years later...
Sunhee's POV
"Ate! Ang ganda mo! Sana ako nalang kinasal para mahaba gown ko! Gaganda pa ako nyan!" Sabi ni Samantha habang nakanguso. Di ko mapigilang tumawa.
"Samantha, maganda ka na nga kahit hindi ka nakasuot ng mahabang gown." Pagkatapos ko sabihin yun, bumalik ang kanyang ngiti sa pisngi at tumango.
"Oo nga ate noh? Ako pa!"
"Ep ep ep ep! Umalis na ka na muna dito sa dressing room. Pumunta ka na dun!" Saway naman ni Tita Clara.
Natawa naman ako nung lumabas si Samntha ng nakasimangot at nakanguso.
Sinarado niya yung pintuan ng dressing room ng padabog. Aish! This kid.
Kaming dalawa nalang ni Tita Clara ang nandito sa dressing room, inaayos niya ang buhok ko. She's really good at makeovers! Ang ganda ng itsura ko!
"Lumalaki ka na, Sunhee. Sana bumait-bait ka naman ah."
"Haha opo tita!"
Bumukas ang pinto kaya naman kami na patingin ni tita sa direksyon na iyon. There stood a boy or a girl? I mean a transgender or should I call it gay?. Kasing age ako, ang kapal ng makeup niya sa mukha at grabe yung porma niya.
"Tita! Aalis na po tayo!" Sabi niya.
Dahil mahaba dress ko, tinulungan ako ni Tita magbuhat hanggang makarating kami sa kotse.
This is the moment I've been waiting for.
-
-
-
"Nandito na raw tayo tita!" Sabi sa ng bakla.
Agad naman akong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa pintuan ng simbahan. Nakasarado ito pero alam kong marami ng tao ang nasa loob.
Lumapit sa akin si Tita Clara at yung bakla, may ibinigay sila sa aking papel.
"Gurl, basahin mo yan ngayon. Sige alis na kame. Oh and by the way! My name is Nicole." Sabi ng bakla at umalis na sila sa tabi ko. Dadaanan siguro sila sa back door ng simbahan.
Narinig ko na ang pagtugtog ng musika sa loob at dun na bumukas ang pinto.
Maraming nakatingin sa akin, nagagandahan syempre. Ako pa!
May mga taong di ko kilala, siguro kapamilya ni Tita Clara at yung iba naman, kapamilya ni Zen.
Kita ko rin ang mga kaklase ko, Class 309. The best of the best section in the Malaya National High. Kita kong kumakaway sa akin ang mga dati kong kaklase, nginitian ko naman sila.
Tumingin ako sa harap at kita ko ang magiging husband ko. Walang iba kundi si Zen Gueveras. Ang aking teacher noon, na magiging husband ko ngayon.
Naglakad ako sa red carpet, everyone looked at me. Kahit siya.
I can't help but smile. Ang saya ko ngayong araw na ito. At hinding-hindi ko ito kakalimutan.
Kita ko ang pagtuwa at pagmamahal sa mga mata ni Zen nung naka-punta na ako sa harapan.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at linapit niya ang mukha niya sa tenga ko.
"You look beautiful, as always. Mahal ko." Kinilig naman ako sa sinabi niya.
Nagstart ang ceremony.
:
:
:
:
:
:
Nagsimula ng magsalita si Zen.
"Uh... hehe... di ko alam kung paano iistart speech ko-"
"WEHH! EH KUNG MAKASABI KA NGA NG MGA SWEET THINGS KAY ATE, TODO YAN SA KILIG EH!" Napapikit ako sa hiya nung isinigaw yun ni Samantha. Narinig ko naman ang pang-aasar ng mga kaklase ko.
"Ayiieeee! Magkikiss na yan!"
"Tama na speech Father! Diretsong halik na dapat yan!"
"Coupleeee!"
Natawa naman ako sa mga sinasabi nila. Si Zen naman, ang sama ng tingin sa kanila. Cuteee!
"May sasabihin pa po ako kahit nasabi ko na ito. As I said, I can't promise anything right now, but I'll do anything just to be with you always. Because you are my true happiness and my true love. You are mine and I am yours."Pagkatapos sabihin yun ni Zen, maraming nagsihiyawan. Maraming nagsitilian at lalong dumami ang pangangasar ng mga kaklase ko dati.
Kahit yung pare, natatawa rin sa mga kalokohan nila eh.
And now, It's my turn to talk.
"Zen, I promise to stay by your side and I'll love you always! I promise to never break this promise. Love you Zen!"
Once again, patuloy yung pang-aasar ng mga kaklase ko.
Her comes the big finale.
"You may now kiss the bride!"
Itinanggal ni Zen ang belo ko at nung hindi na iyon nakaharang sa mukha ko, linapit niya ng mukha niya at agad akong hinalikan. Pinikit ko ang aking mga mata at inenjoy itong masayang moment na ito.
Naririnig ko ang paghiyawan ng mga Class 309. Ingay nila grabee
He let go of me and our foreheads touched.
"You are now officially mine, Mrs. Gueveras. Sa akin ka na lang dapat titingin, hindi na sa ibang lalaki. Kase, akin ka lang. Kung sakaling may iba ang lalapit sayo, hindi ako maghehestitate na agawin ka."
"Yes, I'm officially yours, Zen."
~*§+§*~
Adrian's POV
Naglog-off na ako sa facebook account ko.
Pinanonood ko kase yung kasal nila Zen at Sunhee. Yes, naka-live yung kasal.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, walang kasama. Mag-isa lang, habang si Mama naman ang nasa baba, may inaasikaso.
After all these years, lahat ng pagsasama namin, lahat ng tawanan namin, na miss ko na.
Sana naman natatandaan parin nila ako.
Well.... I'm happy for this two.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
Любовные романыSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...
![[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson](https://img.wattpad.com/cover/151577230-64-k857399.jpg)