Sunhee's POV
Nandito ako sa cafeteria. Kumakain. Kasama ko yung mga kaklase ko. Nakaupo rin sila sa table ko.
Nag-iisip na ako kung pano pagtripan itong bago naming adviser.Hmm...... Alam ko na! Maglalagay akong pekeng ipis sa laptop niya at pagbukas niya, matatakot siya.
Nope nope nope! Masyadong common. Malay mo, hindi siya takot sa ipis.Hmmmm............ Ano kaya? Aha! Alam ko na! Maglalagay ako ng pekeng ahas sa baon niya. Nope nope, hindi magandang plano yun.
What to do? What to do?
AYUUUNNN! ALAM KO NA KUNG ANO GAGAWIN KO HEHE!
Just wait Mr. Gueveras, Just wait. MUAHAHAHAHAHA!
Zen's POV (Teacher)
Nag-aayos ako ng documents sa desk ko. Wala ng mga estudyante dito sa classroom kase nasa cafeteria na sila.
Pagkatapos ko mag-ayos ng gamit ko, lumabas ako ng classroom para kumain rin.Hindi ko akalaing paglabas ko ng doorway, nadulas ako. Maraming mga estudyante na naawa sakin pero di ako tinulungan. Marami naman sakanila pinipigilan yung pagtawa.
"Aray! Sakit ng likod ko." Hindi ako makabangon dahil sa sakit ng likod ko.
Napansin ko yung labasan ng pintuan ng classroom namin ay may mga tapon.
Inamoy ko yung mga kamay ko at......... Cooking oil ba toh?
Tumingin ako sa paligid ko para makita kung sino gumawa nito. Bigla kong nakitang may isang babae nasa malayo, nagtatago sa isang pader. Pinipigilan niya tawa niya.Bigla siyang lumabas at-SUNHEE!?!
Oo nga naman. Si Ms. Troublemaker ang gagawa nito sakin.
Tumingin siya sakin at binelatan ako. At umalis na.
Lagot ka sakin mamayang babae ka.
Bumangon ako. Yung damit ko ang dulas at ang baho ko na. Parang ipiprito na ako.
May nakita akong Janitor na dumadaan na may hawak na mop, kaya agad ko naman siyang tinawag."Kuya, pakilinis na lang toh." Agad naman niya akong tinignan at agad na pinunas yung sahig.
Pumunta ako sa Boy's shower room ng school. Buti nalang may dala akong extrang uniform para makapagpalit.
Lagot yung estudyante nyun sakin.
Pumunta ako sa isa sa mga cubicle dun sa loob. Walang mga taong naliligo kaya okay na toh sakin. Ako lang mag-isa dito sa loob.
Nagsimula na akong naligo.
.
.
.
.
.
.
Ayan, tapos na ako. May hairdryer dito sa shower room kaya ginamit ko yun para patuyuin buhok ko. Nagpabango na rin ako para magmukhang fresh.
Lininis ko yung salamin ko dahil nabasa rin toh.
Pagkatapos kong linisin, sinuot ko.My my, Ang gwapo ko talaga.
*Riiiinnngggggggg Riiiiiinnnngggggg*
Just in time. Magsisimula na yung klase. Alam ko na kung ano yung gagawin dun sa babaeng yun.
Muahahahahaha!
Sunhee's POV
Hahahahaha! Ang galing ko talaga!
Yung plano ko kanina gumana. Siguro malapit na yan umalis ng school.
MUAHAHAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
Roman d'amourSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...