Chapter 36: Invitation

1.9K 46 1
                                    

Adrian's POV

Nandito na kami!

Gigisingin ko si Sunhee kanina pang nakasandal sa balikat ko. Hinintay ko bumaba yung ibang mga pasahero. Habang may time pa, tinignan ko mukha ni Sunhee at ang cute niya pagnatutulog

Hindi ko na napansin na kanina pa ako nakatitig sa mukha niya, kaya ginising ko nalang siya.

"Sunhee~ gising na. Nandito na tayo." I said while shaking her shiulders gently. Nagising naman siya at kinusot-kusot ang mata.

"Adrian? Nandito na ba?" Tanong niya habang umiinat. Tumango naman ako.

May sasabihin na sana ako na may bigla akong narinig na busina sa loob ng bus. Nabigla naman kami sa malakas na tunog na yun.

"Hoy! Kayong dalawa! Bilisan niyo nga diyan! May pupuntahan pa ako!" Sigaw sa amin ng driver. Dun naman kaming dalawa ni Sunhee kumilos. Kinuha ko yung mga bag namin at bumaba ng bus.

Pagkababa namin ng bus, agad sumara ang pinto ng bus at umalis.

Nagtawag na ako ng taxi para makauwi agad. Kailangan magpahinga ni Sunhee.

Sunhee's POV

Inaantok parin ako.

Tinignan ko nalang si Adrian diyan, habang nagtatawag ng taxi.

Maya-maya, nakita kong may taxi na sa harapan namin at agad naman kami ni Adrian sumakay.
Umupo kami sa loob ng taxi ng tahimik habang nagbiyabiyahe patungo sa bahay ni Adrian.

Narinig kong tumunog bigla ang phone ni Adrian kaya niya agad itong isinagot. Tumingin nalang ako sa bintana para di ako makinig sa pag-uusap nila. Pero hindi ko parin mapigilang makinig.

"Hello." Narinig kong sabi ni Adrian.
"Adrian... pupunta ka ba?" Narinig kong tanong nung pamilyar na boses na kausap niya.
"Di ko pa alam. May kailangan pa akong alagaan."
"Ano ba yun?"
"Kaibigan ko."
"Ano pangalan?"
"Sunhee."

Patuloy ko lang pinapakinggan ang kanilang pag-uusap.

"Sunhee? As in, yung babaeng nakilala lang natin sa park?" Tanong nung boses na nasa phone ni Adrian.
Narinig ko naman na nagbuntong-hininga si Adrian.

"Oo, siya." Sagot niya.
"Sama mo nalang kaya siya. Tutal kailangan mo naman ng kasama eh. Hindi ko hahayaang nandun ka sa party na wala kang kasama. Yung parang loner ka lang."
"Oo na. Oo na. Kung papayag siya, sige sama ko na. Kung hindi siya papayag, hindi ako pupunta."

"Sige pare."
"Geh."

Dun ko na natapos ang kanilang pag-usap. Sino ba yung kausap niya?

Di ko masyadong natindihan yung pinag-usapan nila so...... huwag na ako makisali. Paano kung hindi ko kilala yung iba dun.

"Sunhee, gusto mo mamaya sama ka saakin?" Tanong ni Adrian.
"Saan ba?"
"May party kase akong pupuntahan mamaya. Gusto mo ba sumama? Kung ayaw mo, hindi narin ako pupunta."

"Ay hinde! Sasama ako. Sasama lang ako para sa handa o sa pagkain."

"Tss, ikaw talaga..... ako rin eh. Ginagawa ko yun. Ang boring kase minsan sa mga parties." Tumango-tango naman ako.
"Oo. Kaya ang ginagawa nalang ay kumain."
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ate, Kuya. Nandito na po tayo."
"Salamat."

Pagkalabas ko ng taxi habang bitbit ang aking gamit, tinugnan ko ang bahay na tinitirahan ni Adrian. Simple lang siya pero maganda siya. Ang cozy niyang tignan.

"Tara na. Pasok na tayo." Yaya sa akin ni Adrian. Sinundan ko naman siya hanggang sa tumigil kami sa harap ng pinto.

Hinintay ko lang siya buksan ang nakalock niyang pinto. Ilang segundo, bumukas na ito. Sabay naman kaming dalawa pumasok.

Syempre, hinubad muna namin yung mga sapatos namin at ilinagay dun sa..... ewan ko kung ano tawag dun. Basta lalagyanan ng sapatos.

Pagkapasok ko, tinulungan ako ni Adrian ilagay ang bag sa...... 2nd floor?

Pag-akyat namin ng hagdan, binuksan niya yung pintuang may kulay puti. Pagbukas niya, isa itong bedroom na magiging kwarto ko ata?

"Dito ka matutulog. Heto kwarto mo. Kung kailangan mo ako, nandyan lang ako sa tapat. Magkatapat naman yung kwarto natin eh. Gusto mo tulungan na kitang mag-impake?"
"Ay huwag na! Kaya ko na toh. Gagawin ko yung akin, gagawin mo yung sayo. Tuldok."

"O sige. Tawagin mo ako pagkailangan mo ako."
"Opo." Nung sumagot na ako, umalis na si Adrian sa kwarto ko. At dun na ako nagsimulang magimpake.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos ko magimpake, humiga ako ng kama at nagpahinga. Kailangan ko na magready para dun sa party mamaya. Ano ba susuotin ko?

Tinignan ko yung cabinet ko at nahirapan ako pumili ng damit dahil halos lahat yan, nasuot ko na eh. Ayoko paulit-ulit.

Bumangon ako ng kama at kinuha ang bath towel at pumuntang CR dito sa kwarto. Nagsimula na akong maligo.

Excited na ako sa party mamaya! Maaalis na rin sa isip ko si Zen! Makaka-move on na ako.

Yey! Pero heto ba ang gusto ko? O maghihintay pa akong makita siya? Pfft! Come on, Sunhee. Huwag ka na maging tanga! Possible na ayaw na niya sayo.

Wala naman kasing forever.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon