Sunhee's POV
"Mamaya sabay tayong lunch." Sabi ni Adrian. Tumango nalang ako. Wala ako sa mood ngayon eh. Inaantok ako. Kulang yung tulog ko.
Si Samantha naman ay nandun lang sa bahay. Ako nandito sa school.
Si Adrian nag-uusap kami dito sa loob ng classroom kase bored kami eh. Wala pa si Mr. Masama. Hindi naman siya palaging late eh. O sadyang na late lang siya dahil sa masarap kong ulam na linuto ko kagabi para sa kanya.
"Bakit ba late si Mr. Masa-I mean, Sir Gueveras?" Tanong ko kay Adrian.
"Pagkarinig ko mayroong bagong estudyante na papasok dito sa MNH."Hmm..... Bagong estudyante? Sino kaya yun? Lalaki ba siya? Or maybe babae? Baka Bakla! Ay gusto ko panaman makipagkaibigan sa bakla! Masaya yun kase nakakatawa yung jokes nila eh.
Maya-maya, nagring yung bell at maraming estudyanteng nagtakbuhan papunta sa loob ng classroom. Parang Stampede eh. Umupo na lahat sila sa kinauupuan nila. Pati na rin si Adrian. Bumalik na rin siya sa upuan niya.
Pumasok si Mr. Masama sa classroom at lahat kami ay bumati sa kanya. Except ako. As usual.
"Good morning Sir Gueveras!" Sabi ng mga kaklase ko. Umupo na lahat sila at kita kong tuwang-tuwa si Sir. Nakangiti kase siya eh. Tapos nung nagtama yung mga mata namin, lalo siyang napangiti. Ano nangyayari dito?
He cleared his throat at nagsalita siya.
"Good morning, 309. May New Student po tayong makikilala. Sana po maging mabait kayo sa kanya."
Nung sinabi niya yung huling pangungusap, marami samin ay parang nag 'tsk'. Kasama na rin ako dun. Nako! Kailan pa kami naging mabait sa bagong estudyante? Well, oo isang beses. Kung pinapakopya niya kami ng homeworks niya at pagmatalino siya. Ganun!
Ilan beses kami nahuhuli nung ginagawa namin yun dati eh. Pero wala parin kaming pake.
Pag masama naman yung mga New Student sa amin, pinagtitripan nalang namin. As in, magpaprank. Hanggang sa gusto niya na umalis sa school na toh. Pero yung ibang transferees linilipat nalang sa ibang section kaya minsan nagkikita-kits pa kami.
Bumukas yung pinto ng classroom namin at pumasok yung transfer student. May mga napa-'Woah!' sa mga kaklase ko. Pero unti lang naman. Parang dalawa lamg yung nag-woah. Halos kaming lahat nakatingin sa kanya ng walang emosyion.
Maganda siya. Maputi. Buhok niya kumikintab. Ang ganda pa ng kilay at mga mata niya. No makeup. Just natural face. Parang nasa kanya na talaga ang lahat eh.
Tumingin ako kay Sir at nakita kong nakatingin lang siya dun sa bagong student. As in, stare talaga! Nagagandahan ba siya sa kanya?
Pumunta yung new student sa harap at nagpakilala.
"Hi, I'm Rose Jinelle Seraspi. I'm from Canada but I moved here in the Philippines a week ago. I'm also very rich. I have a lot of money because my dad is an owner of a company in Canada. I'm not actually that good at speaking Filipino but I will try my best!"
Walang umimik. Walang gumalaw. Lahat kami ay nakatingin lang sa kanya na parang walang buhay. Kasama na ako dun. Kase piling ko, mayabang tong babaeng toh. Pero I won't assume. Sinasabi ko lang yung nakikita ko at naririnig so....
Pero bakit ganun? Pamilyar siya?
"Uhm.... Please take a sit beside Adrian."
Tumingin ako kay Adrian at kita ko yung pagkadiri niya sa mukha niya. Ayaw niya yata na magkatabi silang dalawa ni Rose eh.
Nung umupo si Rose, kinausap naman niya si Adrian. Pero kahit kausap-usapin niyan si Adrian, hindi paren umiimik.
"Heyy~ What's your name, pretty boy?"
"........" hindi nagsalita si Adrian. Hindi rin siya tumitingin kay Rose. Yes! Gawin mo lang yan Adrian! Proud ako sayo! Huwag na huwag mong papansinin yang babaeng yan! Halatang playgirl eh.Parang baliw si Rose. Salita ng salita. Kinakausap si Adrian eh hindi na nga siya pinapansin. Hindi talaga siya gumigive up?
Bumalik yung tingin ko sa harap. Pagtingin ko, nakita ko si Mr. Masama, nakatitig sa akin. Ilang segundo na bigla nalang niyang inalis yung tingin at nagproceed maglesson.
Habang naglelesson, tinignan ko yung kalagayan ni Adrian. Nakita ko sa mukha niya na inis na inis na siya sa kakakausap sa kanya ni Rose. Pero hindi paren toh umiimik.
Nakita ako ni Rose na nakatingin kay Adrian. Nung tumingin siya sakin, naging masama yung pagtitig niya sa akin. Kaya sinamaan ko na rin yung tingin ko sa kanya.
Ha! Akala niya magpapatalo si Sunhee Gonzales, also known as Ms. Troublemaker? Hindi! Hindi ako magpapatalo!
Kung yung titig lang nakakapatay, edi sana patay na yang babaeng yan dahil sa titig ko.
Siya yunb unang inalis ang pagtitig sa akin at tumingin na lang siya sa harap. Kaya ayun na rin yung ginawa ko. Nakita kong huminga ng malalim si Adrian at ngumiti sa akin. Sign niya na nagpapasalamat siya.
Tumingin ako kay Rose at nakita ko na hindi na niya dinadaldal si Adrian. Hay sa wakas! Naka relax na rin siya.
Nakatingin na lang si Rose sa board. Well, not board. More like, nakatitig lang siya kay Mr. Masama!!
Nakita ko si Mr. Masama na nakatingin rin kay Rose. Pag nagkakatitigan yung dalawa, ngumingiti sila sa isa't-isa.
Bakit nararamdaman ko yung galit? Nagseselos ba ako?
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomansaSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...