Chapter 6: Staying at Mr. Masama's Home

3.7K 72 0
                                    

Sunhee's POV

Nakakainis! Bakit dun pa sa kay Mrs. Piglet yung flour. Dapat kay Mr. Masama yun mapunta, hindi sa kanya. Pero okay na yun, tutal, kaaway ko naman yung principal eh.

Pumasok si Mr. Masama sa classroom kase kanina yung habang naglelesson siya, pinapatawag siya sa Principal. Hindi ko alam kung bakit pero wala na akong pake dun.

Nung bumalik dito si Mr. Masama, tumingin siya sakin at ngumisi. Ano nanaman plano neto? Naiinis na ko sa kanya.
Lumapit siya sa desk ko at linapit yung mukha niya sa mukha ko. Ano ba problema neto at anong ibig sabihin ng paglapit niya ng mukha sakin?

Bumulong siya sa tenga ko...... "Sabi ng Principal, kailangan mo raw ng parusa sa mga ginawa mo sa kanya kanina. Parusa mo ay maglilinis ka ng classroom gaya ng ginawa mo kahapon at tutulungan mo ako magcheck ng mga seatworks at homeworks ng mga kaklase mo."
Ilinayo niya yung mukha niya sa tenga ko at naka-smirk pa rin siya. Nagulat ako sa mga sinabi niya. No no no! Heto nanaman yung bwiset na parusa na yan!
"Hala! Ayoko! Gusto ko umuwi agad!" Sabi ko sa kanya. Nakatingin saaming dalawa yung mga kaklase namin, para lang silang nanonood ng eksena.
"Sorry Ms. Troublemaker, Can't help ya." Pumunta nalang ulit siya sa harap ng klase at tinuloy yung lesson.

Urrghhhh! Bwiset talaga!
.
.
.
.
.
.
.
*Riiiiiiinnnnngggggggg riiiiiiinnnnnnggggggggg*

"Okay, class dismissed." Sabi ni Sir. Ako, nakaupo lang dito, nakababa yung ulo. Nararamdaman kong umaalis na yung mga kaklase ko.
Maya-maya, narinig ko ulit yung pagsara ng pinto at paglock neto.

"Oh ano? Babangon ka na ba diyan? Bilisan mo at maglinis ka na." Narinig kong sabi niya sa harapan ko.
Bumangon ako at hindi tumingin sa kanya. Kumuha ako ng walis sa closet at nagwalis ulit ako ng classroom.
Parang kahapon lang, pawis na pawis ako sa kakalinis, pero itong bwiset na taong toh, walang ginawa kundi mangkomento at manglait.

"Faster! Bagal mo naman maglinis! Bilisan mo magwalis!
"Bagal mo!"
"Heto pa oh!"
"You miss the spot!"
"Burara!"

Bwiset talaga toh! Hindi niya alam na mahirap yung mga ginagawa ko tapos siya, pa-chill chill lang diyan at nanglalait pa. Gusto ko na siyang sapakin. Pwede naman eh. Pag tumaas na lalo yung galit ka.
-
Ay sa wakas! Nakatapos na rin. Maayos na yung classroom. Malinis na.
Napaupo ako sa upuan nagpahinga. Pawis na pawis na ako ngayon. Hindi ako makabangon sa pagod.
Bigla ako may narinig na pumapalakpak. Walang iba kundi si Mr. Masama.

"Very good! Pero hindi ka pa tapos. Magchecheck pa tayo!" Urrrrgggghhhhhhh! Nakakaasar na siya. Naiinis na ako.

Pinilit kong tumayo at sinundan ko si Sir palabas ng classroom. 3:55 pm na pala. Uwian kase namin 3:00 pm eh.

Pumunta kami ni Sir sa room niya, para bagang office niya toh. Kase nakasulat sa taas ng pinto ay Mr. Gueveras' Office.
Pumasok kami sa loob at linagay ko agad yung bag ko sa upuan. Umupo na rin ako.
Hay sarap magpalamig! Ang lamig dito sa office niya! Salamat Lord!

"Hoy, hindi tayo pupunta dito para magrelax. Magchecheck tayo."
"Ugh!" Pilit kong itago yung inis ko.

May mga linabas siyang papel ng mga estudyante at nagstart kami mag check.
.
.
.
"Aaannddd..... Tapos na!" Sabi ko habang linapag yung red ballpen sa gilid. Uminat ako at inayos ang sarili ko. Tapos na kami magcheck. Linigpit na ni Sir yung mga papel at linagay sa desk nya.
"Pwede ka nang umuwi." Sabi ni sir kaya tuwang-tuwa na ako ngayon. Agad ko naman kinuha bag ko. Pagbukas ko ng pinto ng office niya, bigla akong nagulat yung nakarinig ako ng malakas na kidlat. Naramdaman ko ring nagulat ang kumag na'to kaya agad naman akong hindi lumabas ng office niya.

"Uulan yata." Sabi niya habang nakatingin sa madilim na ulap.

"Well obviously, Halata naman diba?"
Sa totoo lang, hindi ako takot sa mga kidlat pero nagugulat ako. Mas gusto ko panga umulan eh para hindi mainit.

"May payong ka bang dala?" Sabi ni Sir habang nakatingin sa akin. Umiling lang ako. Hindi kase ako nagdadala ng payong eh. Stupid me!
"Gusto mo ba hatid kita sa bahay mo?" Tanong niya. "Sige, pwede naman." Pagod rin naman ako eh.

Agad kami lumabas sa office niya at linock niya toh. Lumabas kami ng gate ng school at pumunta sa parking lot.
Woah! Di ko alam na may kotse siya. Astig!

Nararamdaman ko na yung mga tubig na pumapatak sa ulo ko.
"Sakay ka na. Baka mabasa ka." Sabi niya kaya agad ko naman binuksan yung pinto ng passenger seat sa unahan at pumasok sa kotse. Pumasok na rin siya ng kotse at umupo dun sa driver's seat.
"Saan ka nakatira?" Tanong niya.
"Sa ******************* Street." Sagot ko.
"Ang layo naman. Don't worry,Hahatid na kita sa bahay niyo." Hindi nalang ako umimik at tumingin nalang sa bintana.

Napansin ko na paunti-unti na pumipikit yung mata ko. Hinyaan ko nalang at di ko alam na nakatulog na pala ako.

Zen's POV

Habang nagdridrive ako, tumingin ako kay Sunhee. Nakita kong tulog siya. Siguro pagod na pagod siya.
Nung naging red yung ilaw ng traffic light tinigil ko yung kotse ko. Heto pinaka-ayaw ko eh. Traffic.
May parada kase ngayon diyan eh sa kalsada. Hindi ko alam kung anong klaseng parada, pero hayaan mo na.

Tinignan ko nalang si Sunhee matulog. Yung mukha niya, mukhang inosente. Lalo na pagnatutulog. Mukha siyang anghel na nahulog sa langit. Pero pag gising, ang sama ng ugali.
Natandaan ko yung sinabi ng Principal na mabait raw siya dati. Ano ba dahilan ng pagbago niya?
Sa kaka-admire ko ng mukha niya, hindi ko napansing naka-green na pala yung traffic lights. Marami ng bumubusina na kotse sa likod ko kaya agad kaming umandar.
-
Maya-maya, nakarating na kami sa street niya. Hindi ko alam kung saan bahay niya dyan pero pinasok ko nalang yung kotse ko sa loob ng street na yun.
Walang masyadong tao. Tahimik lang. Parang abandon na tong street na toh. Nakakatakot.

Tinigil ko yung kotse ko sa gilid at ginising si Sunhee.

"Sunhee, gising na muna. Dito nalang ba kita ibababa?" Ginalaw-galaw ko yung katawan niya ng dahan-dahan para gumising. Gumalaw naman yung braso niya at dinilat mata niya. Gumising siya.
"Nandito na ba tayo?" Tanong niya habang kinukusot mata niya.
"Oo. Hindi ko alam kung saan kita ibababa kaya dito nalang ako pumarada muna." Sabi ko sa kanya. Tumango nalang siya. Bababa na sana siya ng kotse niya na bigla kong hinawakan braso niya. Tumingin siya sakin at nagkatinginan kami sa isa't-isa ng matagal. Hindi ko lang matanggal yung pagtingin sa kanya. Para akong na-hypnotize sa mga mata niya.

Nawala yung moment na yun nung bigla na lang siya nagsalita.

"Bakit?" Tanong niya, binitawan ko braso niya at kinuha ko yung bag ko sa payong.
"Umuulan, hatid kita. Baka mabasa ka. Hintayin mo ako."

Lumabas ako ng kotse ng nakapayong at pumunta sa kabilang side ng kotse kung saan nakaupo si Sunhee. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinayungan ko siya paglabas niya. Agad naman niya sinarado yung pinto ng kotse at pinayungan ko lang siya hanggang sa makapunta kami sa bahay niya. Oh baka, apartment? Di ko alam.
Hinintay ko lang siya makapasok sa apartment niya.

Sunhee's POV

Nasaan na yun!? Saan na yung susi ng bahay ko!?! Baka naiwan ko dun sa school. Patay tayo diyan. I looked at him with a panic expression. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya so he raise his eyebrows.

"Bakit?" Tanong niya sakin. Inalis ko tingin ko sa kanya at tumingin sa baba. Paano na yan?
"Nalimutan ko yung susi ko sa school. Pwede ba muna tayo bumalik dun?" Tanong kong nahihiya. Nararamdaman kong nakatitig siya sa akin kaya lalo akong nahihiya.

"Sarado na yung school. Bukas mo nalang balikan. Gusto mo, sa bahay ko muna ikaw mag-stay." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Sa bahay niya? Mag-stay? Dun muna ako?

"Huwag na, alam kong bawal yun eh. Hihintayin ko nalang dumating yung owner ng apartment na toh, hanggang mamayang 11:00, para buksan yung tong pinto." Umiling lang siya sa sinabi ko.
"Hanggang 11:00 pm? Ganun ka ba kagaling maghintay? Sige desisyon mo yan. Bahala ka, baka kung ano pa mangyari sayo. Dun ka nalang muna sa bahay ko mag-stayg."
Wala na akong choice. Ayoko may mangyari sa akin na masama. Baka may mga tambay na dumating at kung anu-ano yung gagawin sakin. Kaya pumayag nalang ako

"Fine."

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon