Sunhee's POV
Heto ako ngayon. Nasa kotse ni Mr. Masama, papunta sa bahay niya. Tahimik lang kami dito sa loob. Walang nagsasalita. Nawala yung katahimikan nung nagsalita siya.
"Hindi ba magagalit yung parents mo na magsta-stay sa bahay ng teacher mo?" Nung tinanong niya yun. Naramdaman ko agad yung galit na umaangat sa katawan ko, pero pilit ko tong tinatago.
"Hindi sila magagalit. Wala naman silang pake eh." Pilit kong hindi tumulo yung luha ko sa mga mata ko. Pero hindi ko mapigilan. Naramdaman kong tumitingin sakin si Sir tuwing titigil yung kotse. Kaya agad ko naman pinunasan yung mga luha sa mukha ko.
"S-Sunhee, okay ka lang ba?" Sabi niya at hinarap niya ako sa kanya. Hinawakan niya yung mukha ko habang pinupunasan yung mga luha ko. Nagkatitigan kami sa mata. Buti nalang traffic, kung hindi, baka magalit yung mga kotse sa likod namin.Yung mga mata niya. Ang ganda. Ngayon ko lang napansin. Nakikita ko yung pagkaawa at pagkalungkot sa mga mata niya.
Hindi ko napansing papalapit ng palit mukha niya sa mukha ko hanggang sa-*Beep beeeeeppppp beep beeep beeep*
Nagulat kami sa busina ng kotse sa likod namin. Kaya agad namin linayo yung mga mukha namin sa isa't-isa. At pinatuloy na lang niya yung pagdrive.
I swear, nakita kong namumula siya. Hindi lang naman siya yung namumula eh. Kahit ako rin pero tinago ko nalang yun.Omg! What just happen!
Habang pinapatuloy niya yung pagbiyahe, nararamdaman kong tumitingin sakin si Sir, o baka imahinasyon ko lang.
nung naramdaman kong tumingin siya sakin, tinignan ko siya at bigla niyang inalis yung tingin niya sakin.Weird.
.
.
.
Tumigil na yung kotse at lumabas ako ng kotse. Lumabas na rin sa kotse si Sir at tinignan ko naman bahay niya.Woah! This is epic! Ang ganda ng bahay niya. Hindi masyadong maliit, hindi masyadong malaki. Tama lang.
Naglakad kami papunta sa bahay niya. Ina-admire ko lang bahay niya ng bigla akong may narinig na tumatawa sa tabi ko. Tinugnan ko si Sir, tumatawa siya ng mahina.
"Ang cute mo." Nung sinabi niya yun, agad naman niya tinakpan bibig niya at kinuha ng susi ng bahay niya. Ako naman dito namumula. Bakit niya naman sinabi yun? Ako? Cute?Binuksan niya yung pinto at hinubad niya sapatos niya. Hinubad ko na rin yung akin para hindi madumihan yung floor ng bahay niya. Linagay ko sapatos ko dun sa tabi ng sa kanya. Sinundan ko siya sa loob ng bahay and-Woah!
Ang ganda ng loob! Ang linis! Ang bango! Ang komportable! Ang-
"Done admiring my house?" Narinig kong tanong niya. Tumingin ako sa kanya at tumango.
"Follow me." Nagtaka naman ako.
"Saan?"
"Sa kwarto ko."
Na-shock naman ako sa sinabi niya. Nakita naman niya reaction ko at natawa."Relax, wala akong gagawin sayo. Dun ka kase matutulog sa kwarto ko. Bibigyan kita ng damit pangpalit. Understood?"
Agad naman akong sumagot. "Yes Mr. Masama!"
He chuckled. "May binigay ka na palang nickname sakin. At ang pangit naman."
"Good. Kase mas bagay yung mga panget sayo."
"Ouch naman. Masama ba ako?"
"Oo, pinapalinis mo ako ng classroom eh."
"Parusa kase yun. Tsaka huwag mo akong tawaging Sir or Mr. Masama pag nasa labas ng school. Call me Zen."
"Okay."Ngumiti na lang siya at umakyat kami ng bahay niya. Buhat buhat ko pa tong bag ko, hindi ko alam kung saan ko lalagay, maybe sa kwarto na lang.
Nung naka pasok na kami sa kwarto, napa-woah ulit ako. Ang ganda. Ang laki. Ang ayos. Ang bango. Amoy Zen-Wait what?
Linagay ko yung bag ko sa isang upuan at umupo ako sa kamay niya. Ay ang sarap humiga.
"Heto yung mga susuotin mo, sabihin mo lang sakin kung hindi sayo kasya. Papalitan ko." Kinuha ko yung mga damit na hawak niya at papunta na sana ako sa CR ng kwarto niya at bigla siyang nagsalita.
"Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Yung pinaka sweet kong ngiti. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun pero hinayaan ko lang.
"Thank you, Zen." At dun na ako pumasok ng CR at sinara yung pinto. Linock.
He's not as bad as I thought.
Zen's POV
First time ko lang siya makitang ngumiti ng dahil sakin. Nung iniisip ko yung pag ngiti niya, hindi ko na pansin na nakangiti ako dito sa loob ng kwarto na parang ewan.
She's not as bad as I thought.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...