Sunhee's POV
Nandito na kami sa dapat naming pupuntahan. Pumunta kami sa...... lake?
Si Adrian nagturo na dito kami pupunta. Pero bakit may weird vibes ako dito? Parang nay nararamdaman akong may mga nanonood sa amin. Nakakatakot.
Pero pag nakita mo yung scenery, ang ganda. Pa-gabi na rin kaya hinihintay ko rin yung sunset para mas maganda yung scenery ng lake. Ang peaceful pa ng lugar na toh at type ko yun. Ang fresh pa ng hangin! Ang sarap tumambay dito at makinig ka lang sa music. Wooh! Ganda sa pakiramdam!
Sigurado akong magugustuhan ko tong date namin ni Adrian. Ay mali! Nandito rin si Zen, so siguro.... friends' date? Ewan ko.
Basta ganun.
Nakita ko na may mga nakahandang pagkain sa malaking blanket. Ang ganda! Parang magna-night picnic kami.
"Upo na tayo, Sunhee. Pinaghandaan kong lahat ng ito para sayo." Sabi ni Adrian habang nakangiti sa akin. Tinignan ko si Zen at nakita kong masama ang tingin niya kay Adrian.
"Pfffftt! Ano toh? Ang panget naman ng setup mo. Tsaka akala ko naman amusement park yung pupuntahan natin. Wow." Lait niya kay Adrian.
"Atleast may ginawang hardwork para kay Sunhee. Ikaw naman, magaling ka lang manlait!"
"Bakit ba? Ang boring eh."
"Boring nga kase nandito ka. Dapat nga kaming dalawa ni Sunhee nandito. Para magmukhang romantic. Hindi yung may third wheel pa, ikaw."
"Siguradong aantukin lang si Sunhee sa date mo. Tsaka, hindi ako yun third wheel noh! Ikaw! Lamee~"
"Lunatic."
"Ano sabi mo-""Tama na nga yan!" Pinatigil ko sila. Ayoko naman kase yung puro away eh. Lalo na sa harapan ko. Inaasahan kong masaya toh pero nakakabad trip lang.
Umupo silang dalawa sa blanket at may awkward silence. Kaya habang may awkward silence, kumuha nalang ako ng isang pirasong cookie at kumain niyon.
Ginawa rin nila yung mga ginagawa ko habang may awkward silence paren.Palubog na yung araw at excited ko na makita yung magandang view.
Nawala yung katahimikan nung nagsalita si Adrian.
"Ah.... Sunhee... gusto mo ba maglakad tayo habang lumulubong yung araw? Mas ma-eenjoy mo yung view."
"Sige."As soon na tumayo na kami,bigla na rin tumayo si Zen.
"Sama ako." Sabi niya. Kita ko naman yung galit sa mga mata ni Adrian at nakakatakot na yung aura niya. Pero alam niya na wala naman siyang magagawa. Kahit ilang pilit na kay Sen, stubborn pa rin so wala talaga siyang magagawa kundi sumama si Zen.
Naglakad kaming tatlo sa grass na may mga bulaklak na magaganda.
Lumulubog na yung araw kaya kinuha ko agad yung phone ko na nasa bulsa ko at pinicturan iyon. Buti nalang magaling ako sa mga ganito, yung taga-picture.
Pinicturan ko at tinignan ko naman. Grabe ang ganda talaga. Para talaga yung mga nakikita mo sa paintings.
"Ang ganda noh?" Sabi ko sa kanilang dalawa na nakatingin sa sunset. Tumango naman sila.
"Pero mas maganda ka." Nung sinabi yun ni Zen, namula naman ako. Nakita kong napangisi siya. Siguro natuwa siya nung kinilig ako.
So relaxing.... Si Zen kaya? Magdedate rin ba kami? Aba ewan ko.
I-enjoy ko nalang tong peaceful time ko.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomanceSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...