Sunhee's POV
"Sunhee, please go out with me." Sabi sa akin ni Adrian. Namumula ako dito sa harapan niya at hindi ko alam yung gagawin. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hinde. Marami kase akong gagawin eh.
"Uh... Di ko alam... Adrian eh. Marami kase tayong mga homeworks at... uhmm...baka hindi nanaman ako makagawa." Sabi ko sa kanya. Pagtingin ko sa mga mata niya, nakita ko agad yung disappointment. Kaya na-guilty rin ako.
"Bakit parang nagiging matino ka na? Hindi ka na yung Sunhee na dating kilala ko. Yung hindi gumagawa ng homework, hindi nakikinig sa guro, pero bakit nagbago ka na? O yan lang talaga yung totoo mong ugali na lumalabas? Nasaan na si Ms. Troublemaker?"
Nagulat ako sa mga tanong niya. Di ko naman alam na parang nagbago na ako ah. At tsaka, di ko naman alam na tumino na rin ako.
"Adrian-"
"It's fine Sunhee. Even if you did change, I'll always love you for who you are. Because you are my everything." Ngumiti siya sa akin at kinilig naman ako sa mga sinabi niya. Nung ngumiti ako pabalik sa kanya, yinakap niya ako.
Nagtagal ang yakap namin ng isang minuto dahil may humila sa akin palayo kay Adrian. Naramdaman ko yung pag-akbay na dapat tatanggalin ko sana ng pinigilan ako,
"Zen, ano ba-"
"Adrian, I told you. Never touch what's mine or you're dead." Sabi ni Zen na nakatingin kay Adrian ng masama. Sinamaan rin ni Adrian yung tingin niya kay Zen kaya sila nagkaroon ng 'glare battle'.
"Wala pa naman kayo ni Sunhee eh. Ay mali, hindi magiging kayo ni Sunhee kase ako yung unang makakakuha sa kanya." Laban naman ni Adrian kay Zen.
"Hindi yun mangyayari. Magiging kami ni Sunhee. Tignan mo sa future, nasa akin na yan." Sabi ni Zen habang nakangisi.
Nainis ako sa away nilang dalawa kaya ipinaglayo ko sila.
"Ano ba kayong dalawa?! Di ba kayo titigil. Puro kayo ganyan. Halika na nga pumunta na tayo sa date natin."
Nung sinabi ko yun, nalito sila sa huli kong sinabi.
"Date natin Sunhee, or date niyo ni.... ehem..... Adrian??" Tanong ni Zen.
"Date namin ni Adrian."
Nung sinagot ko yung tanong niya, bigla naman niya akong hinila sa braso at linapit sa kanya.
"Sama ako, sa tingin mo ba papayagan ko kayong dalawa makipagdate pag walang ako? Syempre hinde, because I am part of Sunhee's life."
Nagkungwaring umubo naman si Adrian at kinabahan naman ako dun.
"Fine, you can come. But you'll regret it. Kase mamaya mararamdaman mo ang pagiging third wheel..."
"Hmph, parang ikaw yung makakaramdam nyun. Hindi ako."
Inirapan ko nalang yung dalawa at na una nang umalis. Sumunod naman sila at tumabi naman sa akin habang naglalakad. Sa kaliwa ko, si Adrian. Sa kanan ko si Zen.
Kahit hindi ako nakatingin sa kanila, nararamdaman ko paren ang kanilang masasamang tingin sa isa't-isa.
Boy... this is going to be a tough day..... wish me luck.
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
Любовные романыSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...
![[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson](https://img.wattpad.com/cover/151577230-64-k857399.jpg)