Chapter 11: New Sis

3K 65 3
                                    

Zen's POV

Kakatapos ko lang magcheck ng mga test na ginawa kanina ng mga students. Tagal kong nagchecheck, hindi ko na tuloy napanood yung game kanina. Lumabas na ako ng office ko at naglakad palabas ng school gate.

Habang naglalakad ako, may nakita akong babaeng tumatakbo, narecognize ko siya. Walang iba kundi si Sunhee.

Hindi ko alam kung bakit siya tumatakbo kaya sinundan ko nalang siya. Bakit ko siya sinusundan? Hindi ko alam. Parang gusto ko lang siya sundan at para ligtas siya?

Nakita kong tumigil siya at humihinga siya ng malalim dahil sa pagod.

Pinanood ko yung susunod na nangyari.

Sunhee's POV

Hay! Kapagod tumakbo! Buti nalang umalis ako sa harapan ni Adrian. Ayoko malaman niya yung top secret ko.
Habang nakatigil lang ako, nararamdaman kong may nakatingin sakin pero inalis ko nalang yung feeling na yun.

May narinig akong umiiyak. Huh? Sino yun?

Tumalikod ako at nakita kong may isang batang babae, umiiyak habang yakap niya yung tuhod niya. Nandun siya sa sulok. Nakakaawa talaga yung itsura niya kaya lumapit ako sa kanya. Mukha siyang seven or maybe eight years old.

"Hi. Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya, pero nginitian ko nalang siya para hindi matakot. And it worked, tumahanan na siya ng onti.

"Ano pangalan mo?"
"P-pangalan k-ko? Ah... S-Samantha po."
"Nice to meet you Samantha. Pangalan ko ay Sunhee. Bakit ka umiiyak?"
"K-kasi, hindi ako mahal nila mommy at ni daddy." Nung narinig ko yung salitang 'mommy at daddy' gusto ko na makapatay ngayon. Pero pilit kong pinipigilan yung galit ko.
Umupo ako sa tabi niya at yinakap siya. Yinakap niya rin ako ng pabalik at naging masaya naman siya.

"Ate Sunhee, pwede ikaw nalang po maging mommy ko?" Tanong niya habang pinupunasan niya yung mga luha niya. Pinipilit niyang ngumiti.
"Hm.... Sige. Pero more like sisters nalang tayo. Kase bata pa ako ok?" Sabi ko. Nasusuka talaga ako pag naririnig ko yung word na Mommy and Daddy.
"Okay!" Napatalon siya sa saya at yinakap ako. Habang yinakap niya ako, napatingin siya sa likod ko. Para siyang nagtataka. Kaya tinignan ko na rin, nakita ko si Zen nakatayo diyan. Nagkatitigan rin kami, pero inalis ko agad tingin ko sa kanya.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"A-ah! Wala lang. S-sige alis na ako."
"Teka lang!" Napatigil siya at tumingin ulit sakin. Tinaas niya yung dalawa niyang kilay. Meaning nyun ay 'ano?'

"A-ah umm... Wala. Hindi ko alam sasabihin ko. Sige umalis ka na. Hindi ka naman importante eh."

Zen's POV

Ouch! Sakit nyun ah! Oo salita lang niya yun pero masakit talaga siya magsalita. Ewan ko ba. Hayaan ko na lang. Para sa kanya, compliment yun.

Sunhee's POV

Inuwi ko siya dito sa bahay. Pagkatapos, linock ko yung pinto para walang makapasok na alien, chanak, aswang, impakta at kung anu-ano pa diyan.

"Samantha, manood ka muna ng tv. Ayan oh. Pepper the piglet." Sabi ko at linipat dun sa channel na kung ano man yun. Nakatingin lang siya sa akin na parang nagtataka.
"Ate. Hindi ako nanonood nyun. Tsaka, hindi yun Pepper the Piglet. Peppa Pig yun." Sabi niya at tumungo naman ako. Binigay ko nalang sa kanya yung remote kase, siya yung manonood.
Aba! Malay ko ba na hindi pala siya nanonood ng ganun! Di ko naman alam ah.

Iniwan ko sa living room mag-isa si Samantha. Pumunta akong kusina para magluto. Lulutuin ko nalang ngayon ay fried chicken.

Binuksan ko yung cabinet kung saan nakalagay yung mga ingredients ng pagkain. Pero pagbukas ko, walang laman. Omg! Ba't ganun!? Kailangan ko bumili para makakain si Samantha. Kaya niya ba mag-isa? Aba! Malay ko!

Pumunta ako pabalik sa sala. Nakita ko si Samantha nanonood ng 'Snow White with Red Hair' yung paborito kong anime noong bata pa ako.

Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya. Tumingin naman siya sakin.

"Samantha, kaya mo ba mag-isa?" Tanong ko sa kanya.
"Opo. As long as nakalock lang yung pinto at mga bintana." Sabi niya at tumango ako.
"Pupunta ako sa grocery store. Dito ka lang. Pag may kumatok, huwag mo agad bubuksan yung pinto, kungwari walang tao dito sa bahay. Kung ayaw tumigil ng katok, pumunta ka sa terrace ko at kumuha ka ng bato, ibato mo yung bato sa ulo niya hanggang sa dumugo at mamatay. Ganun ha?"
O bakit? Ano problema sa mga sinabi ko? Nakanganga lang siya dyan na pa shock yung mukha niya. Pero tumango na lang siya at binalik niya yung tingin sa tv.

Pumunta ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Sinuot ko nalang ay oversized white t-shirt, ripped jeans at jacket ko. Malamig sa labas ngayon. Kaya ito sinuot ko.

Kinuha ko yung maliit kong bag. Na may lamang pera at kinuha yung susi ng bahay. Sinarado ko yung pinto at linock yun para walang taong makapasok.

Nagtawag ako ng taxi para ihatid ako dun sa grocery store. Malayo eh.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon