Chapter 5: Information

3.8K 82 1
                                    

Sunhee's POV

*Riiiiinnnnnngggggggg Riiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnngggggggg*

Recess na! Hay salamat! Makakaganti na rin ako diyan kay Mr. Masama. Akala niya talo na ako? Hindi! Hinding-hinde! Sa susunod hindi niya na ako mapaparusahan dahil matatakot na yan sakin pagka ginawa ko na yung pagganti ko.
Mas malala na toh!

Muahahahahaha!

Lumabas ako ng classroom habang iniisip kung anong pagaganti na gagawin ko kay Mr. Masama.

Hmm.... think... think.... think..... Ano kaya?.......... Aha!

Alam ko na! Hehehe! Lagot ka saking lalaki ka! Makakaganti na rin ako.
Just Wait! Muahahahaha!

Zen's POV (teacher)

Umalis na yung mga estudyante sa loob ng classroom para kumain sa cafeteria. Ako nalang natitira dito. Kahit si Ms. TroubleMaker, umalis na rin ng classroom.

Ha! Kung gaganti siya, paparusahan ko siya. Mas malalala. Sana naman natutunan niyang mali yung mga ginagawa niya sa guro. Tsk tsk. Pero alam kong hindi magpapatalo yun. Kaya kailangan ko humanda sa mga plano niya.

Pagkatapos ko grade-an yung mga ginawa nilang performance task, dahan-dahan akong lumabas ng pinto para tignan kung may mga traps. Baka madulas pa ako o kung ano pa mangyari sakin.
Pagtingin ko, wala naman kahit ano para madulas ako, mabasa ako, etc.

Lumabas na lang ako ng classroom, tinitignan paligid ko.

Buti nalang, walang pang nangyayari sakin. Baka naman hindi na siya gaganti because she learned her lesson? Sana nga.

Nakapunta ako sa principal's office ng maayos. Pagbukas ko ng pinto, may kinakausap yung principal, yung anak niyang si Jane.
Sa Class 309 rin siya, estudyante ko rin yan. Umupo nalang muna ako sa upuan diyan. Hinihintay ko lang yung pagtapos ng ng usap nila.
Narealize ko palang napapagalitan pala si Jane, hindi ko alam kung bakit pero nakinig nalang ako onti sa usapan nila.

"Listen to me. I'm you're mother. I know what is best for you. You are not allowed to have a boyfriend because you need to focus on you're studies. You can have a boyfriend when you graduate college. Do we agree?"
"But-"
"I said do we agree?"
"*sighs* Yes, mom."
"Good. You can go now."

Umalis na si Jane sa office. Ako na yung kasunod. Tatanungin ko kase kung ano pa yung alam niya kay Ms. TroubleMaker. Para naman mapatino ko siya.
Si Principal lang nakakaalam kung ano pinagagagawa nyun. Kase magkaaway yung dalawa eh.

"Yes, what do you need Mr. Gueveras?" Tanong sakin ng Principal.
"May mga alam pa ba po kayo tungkol dun kay Ms. TroubleMaker?"
"Ano gusto mo alamin?"
"Pano siya naging ganun?" Hindi muna nagsalita yung Principal ng saglit, may iniisip pa kase.
"....... Pano siya naging ganun? Hindi ko alam sakanya. Sabihin ko nalang yung mga alam ko."
"Sige po. Gusto ko po siya mapatino. Para naman malaman niya na mali itong mga ginagawa niya."
"Kung mapapatino mo yung babaeng yun, malaki yung ipapambayad ko sayo."

Pwede na rin. Para mabilan ko ng gamot yung parents kong may sakit.

"Okay." Sagot ko.
"Mga information lang na alam ko tungkol sakanya ang ibibigay ko sayo." Tumango na lang ako.
"Ok...so.." sinimulan niya.
"....Nung una niyang pagpasok dito, mabait yan. Sobrang bait na mas gusto niya pang masugatan huwag lang yung kaklase niya. Pagdadaan ako sa section niya sa uwian, kahit hindi siya cleaners, tinutulungan niya parin teacher niya maglinis ng classroom. Mabait siya sa mga teachers niya dati. Tinuturi nga namin yang 'Beautiful on the outside and beautiful in the inside'. Dahil sa ganda ng kanyang mukha at ganda ng kanyang ugali."
Tumigil siya sa kwento niya at hinintay ko ulit siya magsalita.
"Bigla nalang nung isang araw, pumasok siya dito sa school, nakayuko lang siya. Hindi maayos buhok niya at nakatip yung mga buhok niya sa mukha niya habang nakaupo.
Napapansin ko nung pumasok siya, may mga pasa rin siya. Para bang binugbog siya.
Tinanong ko sakanya kung ano nangyari, pero umiling lang siya. Ayaw niyang sabihin, hindi ko nalang pinansin problema niya baka lumalala eh."

"Pano siya naging isang troublemaker?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko rin alam, pagpasok niya ulit ng school, nang-aaway na siya ng mga kaklase niya. Nakikipagsuntukan sa lalaki, nakikipag sampalan sa babae at nakikipagsagutan sa mga guro. Hindi na siya yung batang babae na dating kilala ko. Malaki ang pinagbago niya.
Kahit ma-principal pa siya, wala parin siyang tigil."

Tumahimik siya ng saglit lang. Nawala yung katahimikan nung nagsalita ulit siya.

"Yun lang yung mga alam ko. Wala ng iba."
"O sige po, thank you."

Lalabas na sana ako ng pinigilan ako ng prinicipal.

"Papasok ka na ba sa classroom?" Tanong niya. Tumango na lang ako.
"Pwede ba ako sumama? Gusto ko ulit makita si Sunhee eh. Tignan ko kung nagbago siya kahit kaunti. Kahit naman imposibleng mangyari yun."
"Ay pwede naman mo."

Sabay kami pumuntang classroom.

*Riiiiiiiiiinnnngggggggg riiiiiiiiinnnnnnnnnggggggg*

Tamang-tama yung pagbalik namin. Nagring na yung bell, pumasok na yung mga estudyante sa classroom at umupo.
Nung wala ng estudyante sa hallways, ang pinauna ko munang papasukin ay yung principal.
Binuksan niya yung pinto ng classroom at pumasok, pero nagulat ako ng sumigaw siya.

"AAAHH!" Nagtahimikan yung mga estudyante. Tumingin ako sa principal at nakitang punong-puno siya ng flour. Biglang umingay yung klase at tinawanan nila yung principal.

"Stop laughing! This isn't funny!" Sigaw ng principal. Tumahimik ulit yung klase at tumingin ako kay Sunhee. Pinipigilan yung tawa. Bigla nalang siya nagsalita sa klase.

"Yang flour na yan, para yan kay Mr. Gueveras! Hindi para sayo yan! Sorry not sorry!" Sabi ni Sunhee. Nakikita kong nangigigil yung principal sa galit.

Buti nalang may dumaan ng janitor at pinalinis ng Principal yung kalat.

"Akala ko nagbago ka na! Hindi naman pala!" Sabay alis ng principal sa classroom. Inirapan lang ito ni Sunhee. Parang walang pakialam.
Lininis ng janitor yung flour na natapon sa lapag habang pumasok ako ng classroom. Nung tapos na yung janitor, agad naman umalis at sinarado yung pinto.

"Good Afternoon, Mr. Gueveras." Bati ng klase sakin,except kay Sunhee. Ano ba nangyari sa batang ito?

Nagstart na ako ng lesson.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon