Chapter 1: Meeting Our New Adviser

7.3K 146 21
                                    

Teka lang, gusto niyo ba malaman kung sino ako?
Kahit ayaw o gusto niyo, kailangan niyo parin ako makilala kase bida ako sa storyang ito.
Ehem ehem.....

Ako nga pala si Sunhee Gonzales. 17 years old. Isang estudyante na nag-aaral dito sa Malaya National High. From Class 309.
Mukha ba akong mabait? Yes.
Kase yung unang paglipat ko dito sa MNH, akala nila mabait ako. Dahil mukhang inosente mukha ko. Parang hindi makakagawa ng masama.

Pero mali kayo. Mali talaga kayo.
Isa ako sa mga troublemakers sa school. Yes, Isa akong troublemaker.
Ilang beses na ako na papunta sa Principal's Office pero wala pa rin magawa yung principal.
Ilang beses na rin nagpapalit yung adviser ng section namin kase hindi na raw nila matiis.

Oh diba? Masasabi nyo pa ba na mabait ako? Hindi na!

Parents ko? I don't care. Wala akong pakialam dun. Ako lang mag-isa nakatira sa apartment ko. Wala ng iba.

Hoy! Di porket TroubleMaker ako sa school, mababa na grades ko.
Ako nga yung pinakamatalino dun sa section namin eh. Ako nga yung may pinakamataas na grades. Not to brag, but it's a fact.
Natalo ko nga yung ibang section at yung mga mas mataas sa grade ko eh.

Kahit hindi na ako makinig sa guro, alam ko na yan. Kase gifted ako ng ganito.
Ewan ko ba kung gifted yung kakulitan ko eh. Pero sabi ng mga ibang kaklase ko, gift raw yun. Pero sabi naman ng principal ko, sumpa raw yun. Luh.

Tsaka nga pala, lahat ng mga kaklase ko, kaibigan ko. Yes, gusto nila ako.

Tuwang-tuwa sila nung napaalis ko sa classroom yung dati naming pinakamasungit na teacher eh. Nagparty-party pa nga kami noon eh. Haha! Good times, good times.

Tapos na yung pagpapakilala ko ha? Sige, proceed na tayo sa story.

**********************************************************************************

"CLASS 309!!!!!! TUMAHIMIK KAYO!!!!"

Bwiset naman tong si Principal eh. Kanina pa sigaw ng sigaw di naman ume-epekto sa kanila.

Maya-maya, umupo na yung mga kaklase ko at tumahimik na. Magiccc!

Pumunta yung principal sa harap ng classroom namin. Tinignan niya kami isa-isa.
Nung tumingin siya sakin, tinarayan niya ako. Tinarayan ko na lang rin siya.

Pffft! Akala mo naman kaganda-ganda. Mukha naman matandang bakulaw sa harapan.

"Thank you. Thank you for the cooperation." Tss, ngayon lang yan. Akala mo.

"Class 309, I'm going to announce that you will have a new adviser. Sana naman magpakabait kayo. Sana naman na hindi niyo siya paalisin gaya ng mga dating adviser na umalis na dito sa school natin. Lalong-lalo ka na Ms. Gonzales."
Nung tinawag niya apilido ko, Inirapan ko nalang siya.

"I would like to introduce to you, your new adviser. Mr. Gueveras."

Wala akong pakialam kung sino yan. Aalis rin yan dito sa school namin. Tignan mo lang. Mga piling special.

Pumasok yung bago naming guro. Marami sa mga kaklase ko ang nagulat at maraming nagsasabi ng 'gwapo' raw yung bago naming teacher.
Oo, admit ko na gwapo nga siya. Pero wala akong pakialam diyan. Mas gwapo pa si Taehyung diyan eh. Pffft!

Ngumiti siya at marami sa mga kaklase ko nahimatay sa kanya. Akala mo naman mga prinsesa na pinatay eh. Mga lalaki naman dito sa klase namin, mga nakanganga. Tulo pa laway. Yakkk!

Tinignan ko yung guro. Parang ang bata-bata niya pa. Kakatapos lang niya siguro ng college. Nakasalamin siya at nakasuot ng black na polo. Ang ayos ng buhok niya.

Kaso para sakin, walang kwenta rin yan. Kase nag-iisip na ako kung paano ko pagtitripan yan. Hindi pa naman niya kilala si Ms. TroubleMaker eh.

"Good morning class, ako nga pala po si Zen Gueveras, ang bago niyong teacher. I hope we could get along really well."

Umalis na yung principal at sinarado yung pinto ng classroom namin. Naiwan kaming lahat with this new adviser. Silence occupies the room. Awkward.

"You can ask questions about me." Nung sinabi yun ng 'guro', marami sa mga kaklase ko nagtaas ng kamay. Hindi na ako nagtaas kase para saan pa?
Pinili niya yung babaeng nakaupo sa harapan.

"Sir, are you single?" Tanong niya. Tumango naman si Sir.
"Yes, I am." Nung sinabi nila yun, maraming nasatisfied. Tumawa naman ng mahina yung teacher. Para naman mawala yung hiya niya sa katawan. Pero that's not gonna work. Sorry, not sorry.

May sinabi akong katatawanan.

"Halata naman na single ka eh. Malamang, sinong babae ang gusto makipagdate sayo? Wala, kasi alam kong forever alone ka."

Marami sa mga boys nagpalakpakan, marami naman sa mga babae nagtawanan. Kita kong napahiya ko yung guro pero ngumiti pa rin siya. Nagtaka ako. Ba't ganun? Diba dapat mahihiya siya? Ba't parang wala lang sa kanya?

Nagulat ako sa next na sinabi niya.

"Tinatanong ba kita?"

Marami sa mga kaklase namin nag-'OHHHHHH'. Admit ko ha? Napahiya ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpapatalo.

"Sinasagot?" Pagkatapos ko yun sabihin, marami sa mga kaklase ko nagtawanan. Hindi nalang ako kinausap ng guro at nag proceed na yung mga kaklase ko na magtanong tungkol sa kanya. Lesson ba natin yan? Yung malaman kung sino siya? Ano siya? Special?
.
.
.
.
.
.
*Riiiiiiiiiinnngggggggggg riiiiiiiiiiiiiinnnnngggggggggggggggggg*

Recess na! Hay salamat. Wala namang kwenta yung nangyari sa klase namin.

Hinihintay ko lumabas lahat ng mga estudyante hanggang sa ako naman matira dito.

Nung lahat na ng mga estudyante, nakalabas na, lalabas na sana ako ng tawagin ako ng Bwiset na kapre na toh.

"Ms. Gonzales, may I talk to you for a minute?" Tanong niya.
"No." At yun, lumabas na ako ng classroom na tawag siya ng tawag sa pangalan ko.

Papunta na ako sa cafeteria ng may naramdaman akong humila ng braso ko.
Agad ko naman pinikit ang mga mata ko hintayin na mahulog ako pero bakit hindi pa ako tumatama sa semento?
Nararamdaman kong nakasandal ako sa isang dibdib kaya dinilat ko ang mga mata ko.

Tumingala ako at nakita ko mukha ni Sir. Agad ko naman siyang tinulak.

"Ano ba ginagawa mo!?! Bakit mo ba ako hinila!?!? Nasisiraan ka na ba?" Tanong ko habang inaayos ang sarili ko. Tumawa lang siya ng mahina.

"Sabi ko, gusto kita makausap. Binge?"
"Hinde. Pero ikaw, tanga."
"Pfft Rude, nagmumura sa harapan ng guro! Anyways, kailangan mo kong tulungan dito sa paghahatid ng paper works papunta dun sa faculty room." Ano ako? Maid niya?
"Nope. Hindi ako papayag."
"Gusto mo maparusahan kita?"
"Hindi mo magagawa yun. Kasi hindi mo alam kung ano gagawin ko sayo."
"Ano?"
"You'll see."
Napangisi ako at umalis sa harapan niya. Pumunta na akong cafeteria para kumain.

Ba't hindi siya natatakot sa mga plano ko? Alam naman niyang hindi niya ako mapapatino.

Kakaibang adviser siya ah.

Zen's POV (Teacher)

Kakaiba talaga tong estudyanteng toh.

Just you wait, mapapatino rin kita.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon