Chapter 20: First Kiss!!?

2.8K 68 3
                                    

Zen's POV

Nasaan na ba si Sunh-AYUN!

Habang naglalakad ako, nakita ko si Sunhee, kaso lang buhat buhat siya ni Adrian. Lasing ni Lasing si Sunhee, nakatulog na. Pero ang main focus ko yung si Adrian.

Hawak hawak niya si SUNHEE!

Alam ko na tatanungin niyong 'Ano naman kung hawak niya si Sunhee?' I mean come on! Alam niyo naman rin na seselos rin ako!

Lumapit ako kay Adrian. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Tinignan ko muli si Sunhee at binalik ko ulit yung tingin ko kay Adrian.

"S-sir! Uhm.... Uuwi ko na po siya." Sabi ni Adrian habang palabas na ng pinto pero pinigilan ko siya.

"Huwag na. Ako nalang maghatid kay Sunhee. Sige, umalis ka na." Pinipilit ko siya.

"Sir, mapapagod po kayo. Ako nalang po."
"Hinde. Ako na!"
"Pero Sir-"
"AKO NA!"

Dun sa bigla kong pagsigaw, nagulat si Adrian kaya nanlaki ang mga mata neto. Buti nalang walang nakapansin sa amin kase ang lakas lakas ng tugtog dito sa bar.

Ibinigay niya sa akin si Sunhee na natutulog. Nung binuhat ko siya, hindi naman siya gaanong mabigat.

Lumabas ako ng bar na iniwan ko lang dun si Adrian na nakanganga. Nasa state in shock paren ata yun.

Pinasok ko si Sunhee sa kotse dun sa Passenger's Seat, at linagyan ko siya ng kumot incase na linalamigan siya. Itototodo ko kase yung aircon eh.

Sumakay na rin ako dun sa driver's seat, at ini-start ko na yung kotse. Tinignan ko muli si Sunhee, at nakita ko na nakatanggal na yung kumot na nakalagay sa kanya. Kitang kong pawis na pawis na siya kaya kumuha ako ng tissue at pinunasan agad yun.
Tinodo ko na rin yun aircon para di siya lalong mainitan.

Habang inaayos ko yung aircon, may naramdaman akong humawak sa isang balikat ko at nakita kong si Sunhee nakatingin sa akin, pero parang inaantok mga mata niya.
Ngumiti siya.

"Mr. Masama." Sabi niya. Inalis niya yung kamay niya sa balikat ko at nagkatitigan kami.

".... Ayoko umuwi ng bahay......" sabi niya. Agad naman ako nagtaka.
"Pero paano si Samantha. Kawawa naman yun." Sabi ko sa kanya. Nakita kong may mga luha na lumalabas sa mata niya kaya agad naman niya itong pinunasan. Gusto ko yakapin siya kaya ayun ginawa ko. Naramdaman ko na yumakap rin siya pabalik at dun na rin ako napangiti.

Inalis namin ang yakap at tinignan ko siya. Pinatuloy niya nalang magsalita.

"Si Samantha? Wala na siya. WALA NA! KINUHA NA SIYA NILA......" Nagulat ako sa pabigla niyang pagsigaw sa mukha ko. Sino nakakuha sa kaniya?

"Sinong 'nila'?" Tanong ko sa kanya.

"Sina Mommy at Daddy ang kumuha sa kanya. Hinahanap nila ako..." Lalong-lalo naman ako nalito kase umiyak siya nung sinabi niya yung Mommy at Daddy. Namimiss niya ba sila?? At ang hinahanap siya??

"Ikwento mo sa akin yung problema mo. Baka may maitulong ako. Kung hindi ka pa ready, huwag mo na pilitin sarili mo."

Umiling lang siya at ngumiti habang may mga tuyong luha sa pisngi niya.

"Hinde ikukwento ko na. Gusto ko na sabihin sa taong palagi ko pinagkakatiwalaan."

Na-touch ako sa mga sinasabi niya. May tiwala pala siya sa akin? Sana naman hindi ko sirain yun. Ay mali! Hindi ko sisirain yun!

Nagsalita na siya.

"Noong bata pa ako, hindi ako palagi pinapansin ng mga magulang ko. Sabi raw nila na 'isang lang akong mistake' sa pamilya namin. Palagi sila nagagalit sa akin. Ako palagi sinisisi. Hindi ko tuloy naranasan ang mahalin ako ng magulang ko. Kaya ang palaging nag-aalaga sa akin ay yung Yaya ko na pinapangalang, Dianne. Si Ate Dianne."

Huminga siya ng malalim at pinatuloy.

"...Pero biglang may nangyari. Noong isang araw, Kinder pa ako, pagka-uwi ko ng bahay, wala na si Ate Dianne. Kaya tinignan ko agad yung kwarto niya at wala na yung mga gamit niya kaya agad naman ako natakot. Hinanap hanap ko siya pero wala. Wala talaga siya. Iniwan niya na ako.

Hindi lang yun. Pagkadating nila Mommy at Daddy sa bahay. Ang laki ng mga ngiti nila habang nakatingin sa akin. May kasama rin silang lalaki na para siyang 18-19 years old. May hawak na brief case na alam kong puro pera laman nun."

Nagulat ako sa susunod na pangyayari.

Sunhee's POV

Flashback: 11 years ago....

"Ate Dianne! Nasaan ka!" Iyak ako ng iyak kase hindi mahap ang iisang taong may halaga sa akin.

Narinig kong bumukas yung pinto at nakita ko sila mommy at daddy na nakangisi sa akin. Alam ko na yung ngisi na yan. May mangyayaring masama sa akin. Napansin ko rin may kasama silang lalaki na parang 18 years old siya.

"Hello 'anak'. Alam mo naman na hindi ka karapat dapat dito sa pamilyang ito. Hindi ka rin namin kailangan. Kaya may gagawin nalang kami sayo." Sabi ni Mommy na mayroon nakakatakot na boses.

Agad naman hinili ni Daddy braso ko ng malakas at tinulak ako dun sa lalaking matangkad. Kaya agad naman akong lumayo sa kanya.

"Oh. Heto. $50,000. Sayo na yang halimaw na yan. She's your sex slave from now on. Have a great day!" Sabi ni Daddy at binuhat ako ng lalaki.

Sinubukan ko ng maging malikot para bitawan niya ako kaya ayun yung nangyari. Lumabas ako ng bahay at kinuha bike ko. Lumayas na ako dun sa bahay ko na may mga tumutulong luha sa pisngi ko.

End of the flashback...

Habang kinwento ko sa kanya yun, hindi ko na pansin na tumutulo luha ko. Pupunasan ko na agad ng biglang pinunanasan ni Zen yung mukha ko. Hinawakan niya pisngi ko at tumingin siya sa akin. Yung mata niya, ang ganda. I want to look at it all day.
Nagsalita siya.

"Ano naman nangyari kay Samantha?" Tanong niya. Nanlaki naman mata ko pero sinabi ko na rin.

"Si Samantha, isa siyang bata na ginagamit ng mga 'magulang ko'. Para mahanap ako."

Kita ko yung guilt sa mga mata niya.

Tinignan ko labi niya at nakita kong ang lapit lapit sa labi ko. Gusto ko ipagdikit labi namin kaya linapit lapit ko mukha ko.

Hindi ko alam yung mga ginagawa ko ngayon kase lasing pa ako. Pero alam kong magsisisi ako bukas.

Zen's POV

Nakita kong palapit ng aplapit mukha niya sa akin kaya yun na rin ang ginawa ko hanggang sa magdikit na yung labi namin.

First kiss ko toh... at hindi ako nagsisisi na si Sunhee ang kumuha neto.

 [✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon