Sunhee's POV
"Ang kasunod na ituturo ko sa iyo, mahal na prinsesa ay ang pagiging magalang sa mga tao sa iyong paligid." Sabi sa akin ni Janine. Syempre, nagface palm naman ako.
"Bakit? Sa tingin mo ba di ako magalang?" Tanong ko sa kanya na walang expression ang mukha.
"Opo. Kaya po binilin ito nang nanay mo para maturuan kitang gumalang. And the best part is..... Lalabas tayo nang Mansion!" Woah really??
"OMG! YES SIGE! GAWIN NA NATIN ANG LESSON NA YUN! YEEEESSSSS!" Hinila ko naman ang braso ni Janine papunta sa labas nang gates.
Di na kase ako nakakalabas ng bahay eh. Kase marami sa akin pinapagawa si Ma-I mean! Mother.... pfft.
Pagkalabas namin ng gate, agad ko naman sininghap ang malinis na hangin. Ang sarap sa pakiramdam.
Tsaka nga pala. Nagtataka siguro kayo kung bakit fresh ang hangin? Kase nakatira kami sa parang meadows. Yung may maraming mga bulaklak at maganda talaga siya. May village dun sa pinakadulo eh. Kaya sumasakay ng kotse pagpunta dun dahil malayu-layo ng onti.
Share ko lang.
Hindi na rin ako pumupunta sa school. Hinome-schooled na ako ni Mother.
Kainis! Namimiss ko na tuloy yung Malaya National University.
Namiss ko awayin yung principal.
Namiss kong maging 'Ms. Troublemaker'.
Namiss ko si Zen.....
"Mahal na Prinsesa!!! Okay ka lang ba po?!?!? Kanina pa po kita kinakausap, nakatulala ka po diyan. Malalim yata ang iniisip mo." Nawala ako sa pag-iisip ng biglang nagsalita si Janine.
"Okay lang ako. Oo, malalim yung iniisip ko. But don't worry about it. Sige sakay na tayo sa kotse."
Sumakay kaming kotse. Ako lang mag-isa sa likod habang si Janine ay nasa harap, katabi yung driver.
Alam mo kung bakit? Kase crush niya yung driver. Gwapo raw sabi niya.
Saan banda?
Tinignan ko si Janine at nakita kong kinikilig siya. Hindi ko naman maiwasang tumawa, kaya napatingin sa akin yung driver.
"Miss, bakit po?" Tanong sa akin ng driver. Actually for your infromation, yung driver at si Janine. Bagay.
Tsaka bata-bata pa naman ng driver ko eh. Parang kasing-edad niya lang si Zen. 21 years old.
Si Janine, mukhang 60. De charot. Alam kong 20 na siya kase halata naman sa itsura niya.
Ako naman, 17 years old palang. Pero magiging 18 this year.
Umiling ako sa driver habang pinipigilan ang tawa ko. Tumingin ako kay Janine at nakita kong tumingin siya sa akin, malaki ang mata at umiiling-iling.
"Ah.... Kase kinikilig lang ako. May pinapanood kase ako eh." Sagot ko sa driver.
Tumango siya sinimulan niyang i-start ang kotse. Umandar at nagbiyahe ng tahimik. Habang si Janine, kinikilig pa diyan. Nakooo!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nandito na tayo..." Narinig kong sinabi ng driver. Kaya inayos ko na ang mga gamit ko at bumaba. Ayun rin yung ginawa ni Janine.Pero binuksan niya ulit yung pinto ng kotse dahil may sasabihin pa ito kay Kuya Driver.
"Ehe.... Selemet telege kya.... ehehe.... tabi ulit eke seye mamaya, kya. Bye, cute." Pabebeng pagpaalam ni Janine habang sinara na yung pinto at nag back to normal ulit siya.
Naglakad kami papunta sa.... coffee shop?? Ano naman gagawin namin dito? Tsaka ayoko mag-kape. Gising na gising pa ako eh.
"Janine, ano gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Saglit lang. Bili muna ako ng starbucks. Nauuhaw ako eh." Maarte niyang sinabi.
"Pwede ka naman magtubig diba?"
"Ayoko. Gusto ko kase may flavor yung iinumin ko eh."Natawa ako sa huling sinabi niya at nagpaiwan lang ako dito sa labas ng Starbucks. Ayoko sumama, masyadong maraming tao sa loob eh.
Habang nakatayo lang ako dito, may bumangga sa akin kaya ako nabagsak sa sahig. Sino ba kase tong taong toh!?
Naka-itim siya na jacket at nakatalikod sa akin. Agad naman ako bumangon sa sahig.
"Hoy! Ano ka ba?! Hindi ka nalang ba magso-sorry?" Sabi ko sa kanya. Pero hindi niya paren ako kinakausap. Nakatalikod lang siya dyan. Nakatigil.
"Hoy! Kinakausap kita! Binge!" Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang humarap sa akin. Nanlaki naman yung mga mata ko nung nakita siya.
Z-Zen??........
"Sorry po, Miss. Kailangan ko po kase magmadali eh." Narinig ko na ang boses niya muli.
"Zen..... si Sunhee toh. Natatandaan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya habang linapitan siya at hinawakan ng mahigpit kamay niya. Tinitignan lang niya ako as in para siyang nagtataka."Sunhee?" Sabi niya. Tumango naman ako.
"Oo, ako toh! Zen! Namiss kita!!!" Pagkatapos ko sabihin yun, agad ko naman siya niyakap. Nagtaka naman ako nung hindi niya ako yinakap pabalik. Kaya inalis ko na yung yakap ko."Zen? Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Paano mo nalaman pangalan ko? Di kita kilala, ma'm."
Aray.
Ang saket.
Di niya ako natandaan?
"A-ahh... so hinde?" Sabi ko sa kanya na parang pinipigilan ko yung luha ko tumulo. Lalo ako nasaktan nung umiling siya. Hindi niya talaga ako matandaan.
Nagjo-joke lang ba toh?
"Zen, nagbibiro ka ba? Sabihin mo na natandaan mo ako..." once again, umiling siya sa tanong ko.
Kinalimutan niya ako.
"Ah... Sige alis na ako." Aalis na sana ako sa harapan niya ng bigla kong naramdaman ang mahigpit niyang hawak sa braso ko.
"Teka lang. I just wanted to ask you something. You seemed familiar. Have we met??" Tanong niya. Umiling ako.
"No, we haven't." Sabi ko sa kanya with a fake smile. Tinanggal ko yung braso ko sa hawak niya at pumasok ng coffee shop. Wala ng masyadong tao at nakita ko si Janine. Nakaupo lang sa isang table. Umiinom ng coffee milkshake at nagseselfie.
Wait lang! Akala ko ba, maglelesson kami!??
Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan ng table niya.
"Janine, akala ko ba tuturuan mo ako maging magalang?" Sabi ko sa kanya. Tinigilan niya ang pagselfie at tumingin sa akin.
"Gusto mo ba maglesson?" Tanong niya sa akin.
"Ayoko. Ang boring eh.""Edi hindi. Hindi naman ako yung taong namimilit eh. Kung ayaw, edi ayaw. Simple as that." Wew! Geleng nemen!
"Punta muna ako sa park para magpahangin. Pagnandito ka kase sa tabi ko, nasisinghot ko polusyon eh." Nung sinabi ko yun, tumakbo na ako paalis ng shop kase kita ko naging masama nung tingin niya sa akin.
With my maid goals!
Pumunta ako sa pinakamalapit ng park at umupo sa bench. Naglagay ako ng earphones at nagmusic.
Habang pa-chill chill lang ako dito, may naramdaman akong may tumabi sa akin. Hindi ko nalang balak tignan kase ako yung taong walang pakelam sa paligiran ko if there's music.
Pero naramdaman ko na tinanggalan ako ng earphones. Kaya tinignan ko yung taong humila nyun. Siya.
"Sunhee, ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Zen.
"Yun nga dapat tatanungin ko eh." Sagot ko sa kanya."May hinihintay ka ba?" Tanong niya ulit.
Oo, hinihintay ko na mahalin mo ako muli.
"Wala. Ikaw, sino ba yung hinhintay mo?"
"Girlfriend ko."
Ouch.
"Ay may 'girlfriend' ka na pala."
"Bakit? Di ba halata?""Hindi. Kase mukha kang lalaking 'single forever'."
"Aray. Sakit mo naman magsalita."
"Gusto mo pa?"
"Ayo-" naputol ang pagsasalita niya nung may lumapit sa amin.
"Bro, sino to-Sunhee??!!!" Nung narinig ko pangalan ko. Tinignan ko kung sino-This can't be happening.
"Adrian!?"
BINABASA MO ANG
[✔️]Teaching Ms. Troublemaker A Lesson
RomantizmSi Sunhee Gonzales, isang estudyante na nag-aaral sa Malaya National High. 17 years old. From Class 309. Kinikilala siya dun bilang Ms. TroubleMaker, dahil she always causes trouble. Palagi siya sumasagot at pinagtritripan niya palagi yung mga guro...