Chapter 21: It is what it is
XYRIELLE
Pagkagising ko ay sobrang bigat ng katawan ko. Sobrang NAPAGOD ako kahapon. Bwiset. Narinig ko ang pagkalam ng tyan ko. Gutom na ako. Hayyyy. Wala naman atang araw na di ako nagugutom....
Tumayo ako mula sa kama at nag-unat ng onti bago pumasok sa cr at naghilamos at nagtoothbrush. Ayoko namang bumaba na amoy bulok yung hininga ko! Nagpalit ako ng damit dahil sobrang nipis ng suot kong pantulog. Nagpalit ako sa maroon na crop top at shorts. Naglagay lang ako ng powder at lip tint. Di ko nga alam kung bakit ganito ps suot ko, eh di ko naman alam kung may plano ako umalis.
Bumaba ako at nakaamoy ng mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. PANCAKES!!!!!!
Kumaripas ako ng takbo sa kusina at nakitang nagluluto si Clyde. Nawala ang ngiti ko. Naramdaman nya ata ako dumating dahil humarap siya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ano nanamang problema niya?
Xyrielle- Goodmorning. Ikaw pala ang nagluluto.
Hindi niya man lang ako pinansin kahit isang tango, wala. Umupo ako sa may counter table at nag-isip isip. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Kahapon, kagabi, hayyyy!! Ayoko ng maalala iyon!! Nakakairita.
Natapos si Clyde sa pagluluto at ang rami niyang ginawang pancakes. Halos twenty five pieces ang niluto niya.
Xyrielle- Bakit ang rami naman neto? Tawagin ko na ba yung iba?
Hindi niya ako uli pinansin at linagpasan nalang ako at umakyat. Ang bastos niya ah! Nagtatanong ako tapos nilagpasan lang!? Mukha ba akong hangin dito?
Binalewala ko na iyon at kumuha ng platito at tinidor. Kumuha ako ng dalawang pirasong pancake at nilagyan ito ng matamis na sauce. Umupo ako ulit sa upuan at nilapag ang pagkain ko sa mesa. Nagsimula akong kumain hanggang sa maubos ko ito.
Ang hilig talaga ako sa pancake. Naisip ko na pumunta sa meditation river kaya pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako agad. Nabunggo ako ng malakas ni Clyde pero di man lang siya humingi ng tawad.
ANG KAPAL NG MUKHA NIYA!
Pinabayaan ko nalang siya at dumeretso sa kwarto ko. Inayos ko ang dadalhin ko; dalawang libro, cellphone at wallet. 7:29am palang at ang ganda ng umaga. Parang feeling ko na tama lang tong araw na to para lumabas ako. Inayos ko ang sarili ko at bumaba na rin agad dala-dala ang gamit ko. Walang tao sa baba kaya di na ako nagpaalam at lumabas na rin. Nilagay ko ang earphone ko sa tenga ko at nagplay ang Someone Like You ni Adele.
Naglakad lang ako ng tahimik at feel na feel ang hangin na dumadapo sa balat ko. Ang ganda ganda talaga ng umaga ko. Hindi ko alam kung bakit ang saya ko at sana magtuloy tuloy to ngayong araw. Sana walang mang-inis.
Nakarating ako sa meditation river at walang tao doon. Umupo ako sa harap ng river at sumadal sa puno. Ang ganda tignan ng view. Binuklat ko ang libro ko at nagbasa.
"Eat desserts if you're stressed."
Napalingon ako sa kanan ko at natagpuan si Liam na nakaupo rin. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
Xyrielle- Anong ginagawa mo dito?
Liam- I followed you. Nacurious ako kung saan ka pupunta eh kaya sumunod ako.
Xyrielle- Stalker!
Liam- Pogi namang Stalker.
Sabi niya sabay kindat. Ang hangin naman!
Xyrielle- Huwaw naman! Ang hangin mo Liam! Ano nga ginagawa mo dito?
Liam- Sinundan nga lang kita. Mag-usap usap nalang tayo.
BINABASA MO ANG
My Step Brothers and I
Fanfiction🔞 (UNDER EDITING!) Ako si Xyrielle Dominguez, soon to be Xyrielle Dominguez-Laxamana. Di ako ikakasal! Magkakaroon lang ako ng bagong pamilya. Step family, should I say. Simula noong mamatay si Daddy, naghanap na si Mommy ng papalit sakanya. And gu...