⋆ C H A P T E R 1 ⋆

14.6K 136 11
                                    

Chapter 1: Moving In



XYRIELLE

I'm Xyrielle Dominguez, soon to be Xyrielle Dominguez-Laxamana. Di ako ikakasal! Magkakaroon lang ako ng bagong pamilya. Step family, should I say. Simula noong mamatay si Daddy, naghanap na si Mommy ng papalit sakanya. And guess what? Gusto niya mayaman. Di naman kami mahirap noon, pero gusto talaga ni Mommy na yumaman. Not gonna lie, pero gusto ko rin. Di ako gold digger ah! Dream ko lang naman yun. Sino ba naman ang taong ayaw yumaman?

Ilang beses na nagkaboyfriend si Mommy noong mamatay si Daddy. Palagi siyang nasa labas, nagbabar tapos inuuwi yung lalake. Ilang beses ko na siyang pinagbilinan, kaso waley epek ren. Matigas ulo ni Mommy, syempre nagmana naman ako sakanya.

Sana sa magiging bago kong pamilya, magka-kapatid ako. Gusto ko lalake dahil masarap daw magkaroon ng lalakeng kapatid... Nakakainggit lang den yung iba pag may kuya. Ewan ba, pero feeling ko masaya yun. Sana talaga MERON.

Mommy- Xyrielle, padala nga yung bag ko doon sa van! Ang sakit na ng kamay ko eh!

Xyrielle- Ang bilis naman ata sumakit ng kamay mo ah. Kakabuhat mo lang nung mga unan atsaka yung box na laman na puro papel, masakit na agad kamay mo?

Sensitive masyado tong si Mommy eh. Ayaw na ayaw niyang pinagbububat siya, kala mo may katulong eh, bwiset. Mabuti nag-mana ako kay Daddy sa pagiging masipag. Kaya ako ganun makapag-salita kay Mommy dahil close naman kami niyan. Parang bespren ko yan. Sa totoo lang, noon si Mommy at Daddy lang ang mga kaibigan ko. Wala akong naging kaibigan noon... Loner is layp noh! Meron naman akong kaibigan pero iisa lang talaga.

Mommy- Anak ng tokwa naman Xyrielle! Tulungan mo nalang ako!

Xyrielle- Hay nako. Mommy, oo nga pala. May pumuntang lalake dito kanina. Wala ka dahil nagluluto ka nun. Lalake siyang nasa mid 40's siguro. Kilala ka niya eh. Sabi niya kapatid daw siya ni Daddy. Ronan daw pangalan. May kapatid ba si Daddy na ganun ang pangalan?

Mommy- Wala. Ay nako. Wala yun. Buhatin mo nalang yung ibang box!

Xyrielle- Oo na!

Binuhat ko na yung mga ibang box at inilagay sa likod ng van na pinadala ng new Daddy ko. Ang bait niya talaga eh noh? Tinulungan niya talaga kami dito. Note the sarcasm nga pala. Dalawa lang kami ni Mommy na nagbubuhat ng box dito ah. Kanina pa nga ako buhat ng buhat ng mga box. Ang rami kasi naming gamit. Ibebenta daw lahat yun ni Mommy. Tapos yung bahay, ibebenta rin ata. Aber, ewan ko nalang. Benta niya na din sarili niya noh? Charot.

Mommy- Naayos mo na ba lahat?

Reklamador din minsan to si Mommy eh. Wala na nga siyang naitulong, ako na nga tong buhat ng buhat sa mga boxes.

Xyrielle- Yes. Di mo na nga ako tinulungan eh! Ako nalang ang nag-ayos ng nag-ayos dito. Ang alikabok ko na nga eh!

Mommy- Sorry. Sumakit balakang ko eh. Sa mansion ka na maligo dahil pinutulan tayo ng tubig ngayon.

Xyrielle- Ano?! Pupunta ako doon ng madungis ang itsura ko?! Tapos, ang baho ko pa oh! Amoy araw ako tapos para akong basang sisiw dahil sa pawis.

Mommy- Ok lang yan! Atleast, mag aayos ka parin sa mansion!

Ayoko ngang magmukhang pabaya at isipin pa nila na di ako marunong mag-ayos ng sarili. Gusto ko maayos ang first impression ko sa bago kong pamilya.

Nagmumukha akong katulong ni Mommy pag ganito itsura ko.

Xyrielle- Taong grasa ba ako?!

My Step Brothers and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon