⋆ C H A P T E R 4 ⋆

5.6K 80 9
                                    

Chapter 4: Date?



XYRIELLE

Nakarating kami agad ni Kuya Clyde sa starbucks. Kakain lang naman daw kami at syempre ililibre niya ako! Masaya na ako doon ah. Kahapon ko lang nakilala si kuya tapos ililibre agad ako. Ang bait talaga niya noh? Pero, parang kilala niya talaga ako ng buong buo. Ang bait bigla ng pakikitungo niya sa akin eh.

Clyde- What do you want?

Xyrielle- Kung ano oorderin mo. Wala naman akong alam sa mga ganito eh. Unang beses ko palang makapunta dito eh. 

Totoo yun. Ngayon lang talaga ako nakapunta dito kase mahirap nga lang kami diba? Wala rin akong time para gumastos ng pera noon dahil mas kailangan naming pagkain na makakain araw araw. 

Clyde- Uhm... Are you drinking coffee?

Xyrielle- Nope. Pero, di naman siguro masama kung tikman ko, diba?

Clyde- Sayang naman kung di mo uubisin, diba?

Xyrielle- Oo nga naman. Pero, syempre uubusin ko. Sayang naman kung hindi. 

Clyde- You really have change...

Ang weird niya. Kanina din sa kotse, sinasabi niya na ang dami daw nagbago sa akin. Feeling ko talaga magkakilala na kami eh.

Xyrielle- Ano? 

Clyde- Sabi ko, oorder na ako. Ako na bahala sa pagkain mo ah.

Xyrielle- Okay. Hihintayin nalang kita dito.

Clyde- Wag kang lalayo ah.

Xyrielle- Okay. 

LIAM

Excited ako ngayon dahil gusto ko sanang imbitahin si Xyrielle sa mall dahil may sale ngayon. Bibilan ko siya ng maraming damit!! Wish ko kasi talaga na magkaroon ng babaeng kapatid simula noong bata pa ako. Ang lucky ko nga at maganda ang naging kapatid ko. Di lang maganda. Mabait pa. Nakakatuwa talaga. 

Bumaba ako agad at nakita ko si Nate na nanonood ng TV. 

Nate- Oy! Liam!!

Liam- Ano?!

Nate- Wala si Clyde at si Princess.

Liam- ANO?!?!

Nate- Are you deaf!?

Liam- Eh, nasan si Clyde at Princess?!

Nate- Idk. Uy, Kyro!!

Napansin ko si Kyro na pababa ng hagdan. Tignan mo nga naman talaga oh. Halatang bagong gising ang gago. Singkit na singkit yung mata niya. Akala mo nakasardo yan eh. Sana mahulog siya sa hagdan.

Kyro- Mmm... Kelan nga ba ulit...  yung prom natin~?

Anong pinagsasabi neto? HAHAHAHA. Nananaginip pa ata to eh!

Nate- Gumising ka nga!! Nanaginip ka nanaman eh!

Kyro- Hmm? 

Liam- By the way, did you know that Clyde and Xyrielle are both not here?

Kyro- Ha?

Nate- Ugh!! Kahit kelan ka talaga!! 

Kyro- Wala si Baby ko?

Nate- Anong baby mo?!

Kyro- Si Xyrielle.

Liam- Baby natin! Hindi lang sayo!!

Napatahimik kami ng dumating si Mommy.

Mommy- Hinahanap niyo ba sila Clyde at Xyrielle?

Kyro- Wala daw po sila?

Mommy- Hinatid ni Clyde si Xyrielle sa picnic area. Mukhang kumain din sila ng breakfast sa labas.

Nate- Ahhh... Kanina pa po ba sila umalis?

Mommy- Oo. Baka nasa Starbucks pa sila.

Liam- Luh! Ang daya naman nila! Di tayo sinama!

Kyro- Oo nga eh.

Mommy- Tulog pa ata kayo kanina eh. Ang aga kasing gumising nung dalawa.

Nate- Ok po. Saan po ba yung picnic area na pinuntahan nila?

Mommy- Sa may Beverly condominium yun. Likod lang nun. Katabi nung picnic area ay maliit na milk tea cafe. 

Nate- Salamat po.

Ano nanaman ba ginagawa nun ni Clyde?! Pati ba naman kapatid namin, dinidiskartehan niya! Eh teka, baka naman kung anong gawin niya kay Xyrielle! Mapahamak pa siya eh.

XYRIELLE

WAHHHHHHHH. Nakakamiss pumunta dito sa picnic area! Walang tao ngayon ah... Swerte ako ngayon!

Xyrielle- Dito nalang ako. Pwede mo na akong iwan.

Clyde- No. I'll stay. I don't want to leave you again...

Xyrielle- Ay sus! Anong again?! Hay ewan. Ikaw bahala. Wala ka namang gagawin dito eh.

Clyde- Anong wala? Tititigan nalang kita magdamag.

Xyrielle- Baka naman matunaw ako.

Clyde- Doon tayo sa lilim. 

Hinila niya ako doon sa ilalim ng mapayat na puno na may lilim. Kung makahila naman to parang babaliin braso ko! Umupo kami sa damo habang sumandal sa puno. Hmm..... Ang sarap ng simoy ng hangin. Anlasa, Xyrielle?

Parang manamis-namis! Joke!!

Clyde- I like it here.

Xyrielle- Maraming turista ang pumupunta dito dahil maganda ang view atsaka tahimik rin. Sa gabi daw may mga fireflies na lumalabas. Di ko pa naeexperience yun. Sana one time maexperience ko na yun.

Clyde- Let's go back here later?

Xyrielle- Sige! Sama natin sila kuya, mommy at daddy! Para whole family tayo!

Clyde- Oh... Yeah, I guess. 

Xyrielle- Marami na sigurong tao mamayang gabi. Sana wala.

Clyde- Magdasal ka.

Xyrielle- Sige ba. 

Clyde- Nag-aaral ka parin ba?

Xyrielle- Di na. Mahirap nga lang kami. Di ako makapag-aral ng tuloy tuloy. Pero, matalino ako ah!

Clyde-  Minsan pala natatandaan mo parin yung mga kalokohan na sinsabi mo noon.

Xyrielle- Naguguluhan na ako sayo! 

Clyde- Bakit? Anong ginawa ko?

Xyrielle- Magkakilala na ba tayo noon?!

Clyde- No? Yes? Maybe? 

Xyrielle- Hay nako! Pinapasakit mo lang ulo ko eh!

Clyde- Hmm, I really had fun today. I'll consider this as our DATE.

My Step Brothers and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon