⋆ C H A P T E R 2 0 ⋆

4K 56 12
                                    

Chapter 20: Games


XYRIELLE

Pagkatapos ng lahat ng nangyare, mas lalong tumindi ang galit ko kay Clyde at sa sarili ko. Bakit ba palagi nalang akong sumasabay kay Clyde?! Bakit ba hinahayaan ko siyang gawin ito sakin?! Oo, ginusto ko din naman. Sinubukan ko naman pigilan sarili ko! Bakit di ko matanggihan?

Sa kasalukuyan, hindi ko siya pinansin hanggang sa dumating na uli sila Kyro. Kanina pa ako andito sa sala at nakatulala lang sa kung saan.

Kyro- Xy! Tara, laro na tayo?

Xyrielle- Okay.

Kyro- Doon tayo sa kwarto ko ah. Tawagin ko narin si Kuya Clyde.

Xyrielle- Sige.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagdownload ng mobile legends. Ngayon ko lang talaga to nalaman. Parang dati puro online games lang sa google nilalaro ko sa comp shop ah.

Dumeretso na ako sa kwarto ni Kyro at nadatnan si Clyde at Kyro na nakaupo sa kama.

Kyro- Xy, dito ka.

Tinapik niya ang space sa gilid niya at malayo ito kay Clyde. Umupo ako doon at nagpanatag.

Xyrielle- Nagdodownload palang yung akin eh. Saglit lang to.

Kyro- Sige lang. Ako na gagawa ng account mo para mabilis.

Xyrielle- Uhhh... Sige.

Binigay ko kay Kyro ang cellphone ko pagkatapos maginstall ng Mobile Legends.

Naghintay ako ng ilang minuto bago ibigay ni Kyro ang cellphone ko sakin.

Kyro- Clyde, iadd mo na kami.

Nagsimula ang match kaya napunta ako sa pick ng characters.

Xyrielle- Ano na? Hindi ko kasi alam itong larong to eh! Ano bang gagawin?

Kyro- Halika dito.

Nilapit ako ni Kyro sa gitna ng kandungan niya at nilagay ang dalawa niyang kamay sa cellphone ko. Nakapalibot ang braso niya sakin at hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kaba.

Kyro- Tuturuan kita, ok?

Tumango lang ako ng mabagal.

Clyde- Bakit kailangan ganyan pa ang posisyon niyo?

Kyro- Mas matuturuan ko siya ng maayos kapag ganito kesa sa sabihan ko lang siya ng sabihan sa kung ano ang gagawin. Let's start. Ganito lang yan, baby Xy. Ito ang control button. Ganyan lang yan oh. Parang GTA lang, icocontrol kung saan mo gusto pumunta. Nakikita mo tong tatlong button sa gilid? Ayan ang level ng power button. Hindi naman level talaga. Itong nasa baba, ito ang first power, malakas rin to pati ang second power at ang third. Pampalakas lang yan. Tapos itong nasa taas naman may tatlo o dalawang button rin dyan na lalabas. Kailangan ng pera dyan. Ito yun oh. Yan. Tapos, itong mga tower na yan, sayo yan pero yung ibang kulay na yan, yan yung sa kalaban mo. Ayun ang dapat mong patumbahin. Tapos pati yung mga kalaban, papatayin mo. Malamang. Tapos, yung pinakamalaking tower na yun, tawag doon ay base, kailangan niyong patumbahin yun para victory kayo. Basta dapat kasama mo yung mga kateam mo. Syempre, wag kang magpapakamatay masyado para gold o silver makuha mo, pwede din namang MVP.

Xyrielle- Ahhh okay. Medyo gets ko na. Pwede mo na akong bitawan.

Kyro- I'll see if you can do it na. Go.

Nagsimula ang laro, ang piniling character ni Kyro para sa akin ay yung Layla.

Clyde- Di siya makakapaglaro ng maayos kung nakakapit ka sakanya, Kyro.

My Step Brothers and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon