Chapter 27: 30 Minutes
XYRIELLE
Naghihintay ako ngayon dito sa Starbucks para kay Clyde. Ang tagal kasi nung mokong na yon! Sabi niya mag-uusap daw kami pero anong oras na, wala pa rin siya! Mag-iisang oras na akong nakaupo dito at nag-iintay! Baka paalisin na nha ako kasi wala naman akong inorder. Wala pa naman akong dalang pera! Ano bang pinaggagawa niya at ang tagal niya?!
Waiter- Ma'am, may oorderin na po ba kayo?
Xyrielle- Saglit lang po ah.
Waiter- Bawal po kasing tumambay dito.
Xyrielle- May iniintay lang ako, kuya. After ten minutes lang kuya.
Waiter- Babalik po ako ma'am ah.
Xyrielle- Sige.
Ang tagal!!!
Dinukot ko ang cellphone ko sa dala kong maliit na bag. Dinial ko si Clyde pero wala namang sumagot. Letse. Asan na yon?!
Xyrielle- Clyde, sumagot ka naman.
Nakakaletse na to ah. Bahala na nga siya sa buhay niya. Kung ayaw niyang sumipot edi wag. Tumayo ako galing sa upuan ko at lumabas ng starbucks. Naghintay naman ako kaya wag niyang sabihin na hindi ako nagpunta. Kasalanan niyo to!
In-off ko ang cellphone ko at naglakad ako pauwi kela Luna kasi malapit lang naman bahay nila dito.
Habang naglalakad ako, may napansin akong lalaki na nakasandal sa isang Aston Martin. The same car as Clyde's. Napansin ko ang isang lalaking may kasamang babae na kalandian niya. Di ko mamukaan yung mukha nung lalaki dahil nakaharang yung buhok nung babae. Hindi ko alam ba't ganyan ang suot ni Ate Girl pero sobrang ikli non. Halos wala na siyang saplot! Ang aga aga ganyan na kaagad ang suot niya?
Inirapan ko nalang sila at maglalakad na paalis pero nung inurong nung babae ang ulo niya, nakilala ko kaagad ang lalaking nilalandi niya. Aba'y putangina. Sinugod ko sila roon at hinila ang buhok ng babae.
Xyrielle- Umagang-umaga nilalandi mo ang lalaking to?! Ano ha?! Pokpok ka ba?!
Ate Girl- A-aaray!! Ano ba?!
Tinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig. Medyo nagasgasan pa nga yung tuhod niya at ang hita niya.
Ate girl- Baliw ka ba?! Sino ka ba?!
Xyrielle- Letse! Ikaw tong baliw! Tignan mo nga yang suot mo! Sa tingin mo nasa bar ka?! Nilalandi mo pa kuya ko!
Humarap ako kay Clyde at sinampal siya. Ano akala niya?! Hindi ko siya pagsasabihan?! Talagang inuna niya pa ang paglandi sa babaeng to kesa sakin ha! Nakakabastos!
BINABASA MO ANG
My Step Brothers and I
Hayran Kurgu🔞 (UNDER EDITING!) Ako si Xyrielle Dominguez, soon to be Xyrielle Dominguez-Laxamana. Di ako ikakasal! Magkakaroon lang ako ng bagong pamilya. Step family, should I say. Simula noong mamatay si Daddy, naghanap na si Mommy ng papalit sakanya. And gu...