Chapter 3: Clyde & Xyrielle
XYRIELLE
Ang sarap mamuhay maging mayaman pero ako nabuhay ako bilang mahirap. Di naman gaano kahirap pero mahirap kami makabili ng pagkain o kung ano pang kailangan para mamuhay. Ako at si Daddy lang rin yung nagtatrabaho noon. Pero, kahit papaano, masaya kami at kompleto. Di kami nag aaway noon. Wala kaming tampuhan o ano pa. Kaya mahal na mahal ko si Mommy at Daddy dahil ang sweet nila sa isa't isa at sweet rin sila sakin. Gusto ko nalang bumalik sa dati, lalo na noong huling sama-sama namin sa bagong picnic area rito. Doon ang last place na napuntahan namin bago mamatay si Daddy. Ang lungkot noh? Kaya, every week pupunta ako doon at magpapahangin o kaya mag-iisip isip lang.
Nate- Hey.
Xyrielle- Kuya Nate! Upo ka oh.
Nate- Thanks.
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa langit. Ang raming stars. Oh, did I mention na doon sa picnic area na pinuntahan namin noon ay may sariling Star gazing mountain? Ang ganda humiga doon at pagmasdan ang magagandang bituin. Actually, di siya mountain, para siya bukid pero wala ng puno puro damo lang. Ang lamig kaya sa taas nung bundok na yun. Patag siya so di yun mountain. Hay ewan ba! Basta yun na yon.
Nate- I'm sorry for Clyde's attitude again. Ganun lang talaga yun. Dapat masanay ka. Pero, di naman talaga siya ganun magalit. Pag magkakilala na kayo di siya tumitingin sa taong kausap niya habang nagagalit siya. Tapos pag di niya kilala, nakatingin lang siya doon sa taong kausap niya. Pinagtataka ko nga kung bakit di lang siya nakatingin sayo eh. Nagkakilala na ba kayo noon?
Xyrielle- Hindi pa ata. Familiar lang ang mukha niya sakin.
Nate- Diba may amnesia ka?
Xyrielle- Yep.
Nate- May naaalala ka ba from the past?
Xyrielle- Wala pa. I just remembered my name, age, and my family.
Nate- Ah... It must have been hard for you.
Xyrielle- Sakto lang. Nasanay na din naman ako.
Nate- May chance ba daw na bumalik yung mga memories mo?
Xyrielle- Complicated daw sabi ng doctor ko. 2 years na halos na kaming naghihintay para sa result eh. Kaso wala pa rin.
Nate- Uhm... Eh, may boyfriend ka na?
Xyrielle- Wala pa noh.
Nate- Maganda ka naman ah. Bakit wala kang boyfriend?
Linyahan ng mga lalaking malalandi yan ah! Bakit nga ba wala akong boyfriend? Di ko din alam eh. Di ako interesadong pumasok sa isang relasyon.
Xyrielle- Di pa ako handa.
Nate- Nabroken-hearted ka na ba?
Xyrielle- Ayun! Oo. Sabi ni Mommy na may lalaki daw na niloko ako... Di niya sinabi ang pangalan niya eh. Pero C daw ang first letter nung pangalan nung lalake. I don't know the full story yet but I know na matagal na kaming magkasama. Mga tatlong taon rin halos.
Nate- Wow! Sino kaya yun? Upakan ko yun pag nakilala ko siya.
Xyrielle- Sana nga makilala ko na din siya.
Malamig na ang hangin kaya napaisip ako na pumasok na. Inaantok na den kasi ako.
Xyrielle- Kuya Nate, pasok na ako ah.
BINABASA MO ANG
My Step Brothers and I
Fanfic🔞 (UNDER EDITING!) Ako si Xyrielle Dominguez, soon to be Xyrielle Dominguez-Laxamana. Di ako ikakasal! Magkakaroon lang ako ng bagong pamilya. Step family, should I say. Simula noong mamatay si Daddy, naghanap na si Mommy ng papalit sakanya. And gu...