Chapter 24: Guests
XYRIELLE
Nagising ako ulit ng humupa ang kaliwang gilid ng kama ko. Pagbukas ko ng mata ko bumungad si Nate na nakaupo na sa tabi ko.
Nate- I'm sorry to wake you up, Xy. Hindi ka ba nagugutom? It's 5pm already. Hindi ka namin ginising kanina dahil sabi ni Clyde na may lagnat ka daw.
Xyrielle- Hindi ako gutom.
Nate- Okay ka na ba? Do you want anything? Masakit ba pakiramdam mo?
Xyrielle- Nope. Wala akong kailangan. Bababa nalang ako mamaya para sa dinner.
Nate- May bisita sila Dad na kaofficemate nila mamaya para sa dinner. Mom said to wear anything formal.
Xyrielle- Ba't kailangan formal pa?
Nate- I don't know. They told us you'll be meeting someone important.
Xyrielle- Hmm, okay.
Nate- Lalabas na ako. Guests will arrive at 7:30pm and dinner is at 8pm. Dapat 7:30pm nasa baba ka na.
Nginitian niya ako bago siya lumabas ng kwarto. Hay! Ang arte naman kailangan formal pa! Pahihirapan pa ako magbihis eh. Siguraduhin lang nila na maayos tong pagbibihisan ko kundi lalayas talaga ako sa pamamahay na to! Sa sobrang tamad, ayoko nalang umattend ng dinner. Kaso may importanteng tao akong mamemeet, sino naman kaya yon? Argh!
Bumangon ako kahit ayoko talaga. Shet. Ang sakit pa ng ulo ko! Hindi man lang kasi ako uminom ng gamot kanina! Kinuha ko muna ang medicine kit ko at naghanap ng paracetamol. Wala pa akong tubig. Ghad! Bababa pa ako para kumuha ng tubig. Ayoko namang magpautos!
Kahit labag sa kalooban ko na maglakad, bumaba pa rin ako para kumuha ng tubig. Naabutan ko si Nate, Kyro at Liam na nasa sala at naglalaro. Sila Mommy at Dad siguro nasa opisina pa. 5pm pa lang naman eh.
Kyro- Uy! Bumaba ka na pala, Xy. Okay ka na ba?
Xyrielle- Oo. Kukuha lang ako ng tubig.
Liam- Gusto mo ako na kumuha?
Xyrielle- Wag na. Ako nalang.
Liam- Okay. Uminom ka na ba ng gamot?
Xyrielle- Iinom pa lang.
Nate- Okay. You should get ready too.
Xyrielle- Pagkatapos ko naman uminom ng gamot, mag-aayos na ako.
Nate- Okay.
Dumeretso ako sa kusina at andoon si Ate Jocelyn na nagluluto kasama ang ibang maids. Ang rami atang niluluto?
Xyrielle- Hi Ate. Kamusta po?
Jocelyn- Okay naman po. Ikaw? Okay ka na ba, hija?
Xyrielle- Opo. Kukuha lang po ako ng tubig.
Jocelyn- Sige, hija.
Kumuha ako ng malamig na tubig na pitsel sa ref at isang baso bago sinalinan ito ng tubig.
Pagkatapos kong kumuha ng tubig inakyat ko na ito papunta sa kwarto. Uminom na ako agad ng gamot at pumunta na ng cr para maligo. Nagheater ako para di malamig ang tubig kasi sobrang lamig ng tubig dahil tag-ulan na ang panahon ngayon.
Pagkatapos maligo, agad akong dumeretso sa walk-in-closet ko at naghanap ng formal dress. Nako! Mukhang wala ata akong formal dress. Bihira lang naman ako bumilo ng mga pang formal eh. Hinalungkay ko ang mga drawer at ang mga nakasabit hanggang sa may nahanap akong maroon na off-shouldered dress na ang haba ay hanggang tuhod. Simple pero pwede na to. Atleast may susuotin ako. Nagbihis na ako at umupo sa vanity para gawin ang makeup.
BINABASA MO ANG
My Step Brothers and I
Fanfiction🔞 (UNDER EDITING!) Ako si Xyrielle Dominguez, soon to be Xyrielle Dominguez-Laxamana. Di ako ikakasal! Magkakaroon lang ako ng bagong pamilya. Step family, should I say. Simula noong mamatay si Daddy, naghanap na si Mommy ng papalit sakanya. And gu...