Chapter 5 : Question & Answer

387 5 0
                                    

Clarrise's POV

6:12 AM

🌞

I opened my eyes and the sun is lightening up my face of bright daylight.

Umupo ako at sinandal ang katawan ko sa headboard ng kama ko at---

"Sh*t" i cussed.

Bakit ako nagmura? Hulaan niyo?

Syempre magmumura ako dahil masaklt ang ulo ko dahil marami ang nainom ko at idagdag pa na may hangover ako. God! pakiramdam ko napunta ang ulo ko sa mga paa ko.

Ha?!Ansabeh?!Hahaha LOL

R.I.P sa di na ka gets...

'Buwa na ga it hahaha.'

Shit talaga, hindi na akoiinom ng marami, mabuti pa si Lucas mataas ang tolerance sa kanya ng my drinks. Sa susunod, cocktails na lang or root beers ang iinumin ko if ever pumunta naman ako sa bistro o anywhere na mayroong drinks.

*door creaks*

Pumasok si Kuya Andrei sa kuwarto ko."Good morning, baby girl," tawag ni kuya Andrei.

"Kumain ka na," tapos inalagay niya sa side table ang dala niyang tray with my favorite breakfast made from my brother---- bacon, egg, milk and sandwich.

"K-Kuya"

"Mmm"

"Anong nangyari sa akin kagabi?
Paano ako nakapunta dito?" tanong ko.

"Long story, Clarisse" matipid na sagot niya.

"Sige na, ikuwento mo na baka anong kalokohan ang nagawa ko kagabi?" pangungulit ko at nakanguso pa'ko.

Mukhang hindi na ako matiis ni kuya. Naupo siya sa higaan ko at sinimulan na niya i-kuwento sa akin ang nangyari kagabi...

0_0

OMG! sinukaan ko ang polo ni Lucas?! My god! Nakakahiya, Clarrise ang tanga tanga mo.

"Yeah so that's it, i carried you in bridal style and deposited you in your bed. Then,mom change your clothes and you are already fast asleep, " paliwanag ni Kuya

"OMG kuya nakakahiya--- Sh*t"
hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko kaya. Masakit talaga ang ulo ko.

"Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ni kuya.

"Kuya, ang sakit talaga ng ulo ko..."

"Masyado ka kasing maraming nainom, teka ipagtitimpla kita ng tsaa para mawala ang hangover mo" lumabas si kuya sa kuwarto ko.

"Sh*t" nagmumura ako ngayon dahil sa nagawa ko kagabi kay Lucas...yung muntikan ko na siyang mahalikan sa lips.

Clarrise ang tanga tanga mo

Hindi nagtagal bumalik si kuya at may dalang tsaa "Oh, eto inumin mo para mawala ng konti ang hangover mo"

Kinuha ko ang tasa at ininom ang tsaa na ginawa niya. Parang nabawasan ang masamang pakiramdam ko.

"Better?"

"Mmm" i hummed as a reply.

"It would be better kung hindi ka muna pumasok ngayon, you should take a rest, ok?"

"Kuya, ok lang ako i can manage at may pasok pa a---"

"Ako ang bahala sa'yo, I will just tell to your prof that you are sick or whatsoever"

Ang caring talaga ng kuya ko. "Sige na nga, magpapahinga muna ko at thank you sa tsaa and everything." binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti.

"You're welcome," ginantihan niya rin ako ng ngiti.

Lumabas na si kuya Andrei at kami lang dito ni Mama sa bahay samantalang si Papa natrabaho at during weekends lang ang pahinga niya kaya kaunti lang ang panahon na makakasama namin siya.

Ok lang naiintindihan ko naman ang sitwasyon ni Papa dahil para rin ito sa ikakabuti namin na magkakapatid at kontento na ako sa binibigay na atensyon ni Papa at Mama sa amin.

Nang wala na ang dalawang kapatid ko at si Papa, bumaba na ako at pumunta sa kusina at umupo sa island counter.

Nakita ko na bumukas ang kitchen door at linuwa iyon si Mama na galing sa labas.

"Wala kang pasok?" tanong ni Mama.

"Meron po"

"Bakit hindi ka pumasok?"

"Hindi kasi po ako pinapapasok ni Kuya sa school dahil po sa nangyari kagabi"

Bumuntong-hininga si Mama. "Anak, sa susunod wag mong damihan ang paginom, Diyos kong bata ka, baka ano pang masamang nangyari sa yo, buti na lang sinamahan ka ni Lucas kagabi at ininhatid ka pauwi sa bahay ng ligtas." sermon niya

Oo nga, mabuti pa si Lucas rinerespeto niya ako kahit playboy yon pero pagdating sa kin alagang-alaga niya ako.

"Mamayang gabi, tawagin mo siya anak at dito na siya kumain at ipagluluto ko ang paborito niyang putahe."

"Opo. Ma"

"Anak may tanong pa ko at kailangan sagutin mo ako ng tama ha?"

"O-Opo. Ma,"

"Sino ba si Lucas sa buhay mo anak?"

Meron munang dumaan na anghel bago ko binasag ang katahimikan na namamagitan sa amin ni Mama

"Ma, magkaiban lang po kami."

"Talaga?" nang-aasar ang boses ni Mama

"Opo"

"Bakit lagi na lang kayong magkasama? Ha?" panibagong tanong ulit ni Mama.

Hindi talaga ako papatigilin ni Mama
Kung magtanong akala mo interview ng personal na buhay ng artista.

"Kasi po, close siya sa'kin at konti lang at siya ang malapit sa puso ko"

"Ahhh, ganun ba" tingin ko parang hindi kontento si Mama sa sagot ko, kailangan pa talagang bonggahin. Para maintindihan ni Mama ang ibig kong sabihin......

"Ma, Lucas is one of the most important people who is better than the man i will marry in the future."

"At isa pa ma, We are more than friends but less than lovers" dagdag ko.

Yeah, totoo ang mga sinabi ko kay mama at parang nanatiling tahimik si Mama sa explanation ko kanina. Siguro nawindang siya sa additional answer ko sa kaniyang Q & A.

Ewan... tumulong na lang ako sa mga gawaing bahay at nagbasa ng mga libro sa kuwarto ko.

++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share ++

---

Lil_Kylie 

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon