Clarisse's POV
Kapagkuwan ay nasa van kaming magkaklase sa van ni Seth. Papunta kami ngayon sa bistro para magwalwal.
Bago kami pumunta don, linigpit naming lahat ng kailangan ligpitin. Hindi ko makakalimutan ang youth event. There are so many moments in those event that we can never put into words.
Kasama na don ang aksidenting nahalikan ko si Lucas. Ugh! Sumasakit ang bangs ko sa kakaisip. Hindi pa rin ako nakakagetover doon at pagkatapos nun, hindi kami nagpapansinan.
Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at sinimulan ang aking destinasyon papunta sa langit.
Lucas' POV
"Bro, i never see that coming," ani Seth na nakatuon ang kaniyang paningin sa daan.
Nangunot ang noo ko "Huh?"
"Nakita namin nina Terrence na naghalikan kayo sa may gymnasiu--"
"WHAT?!" napasigaw si Caleb.
Nagulat si Seth kay Caleb at marahas niyang napahinto ang sasakyan dahilan para madisturbo ang mga natutulog sa likod.
"Tss. Caleb," pinaningkitan ng mata ni Seth si Caleb.
"Sorry" nagbigay siya sa 'min ng peace sign. Narinig kong bumuntong-hininga si Seth at muling pinaandar ang van.
"Seth, how did you know?"
"Live stream, on Clarisse's phone."
Nagulat ako "What?!" Ngayon. Alam na ng madla, what the actual fvck?!
"Tch. Lower your voice, madidistorbo mo ang nasa likod." singhal ni Seth.
"It was just an accident." I said nonchalantly.
"But you enjoyed the moment," ani Caleb na nakataas ang sulok ng labi nito.
Hindi ko siya kinibo at mariin pinikit ang mga mata ko pero nang pinikit ko ang mga mata ko. Nagflashback sa isip ko ang nangyari kanina.
Bumangon ako at hindi makapaniwala sa pangyayari na iyon. Hinawakan ko ang labi ko. Her thin lips are so soft that i want to kiss it ag--
Nak'ng, i'm daydreaming about her lips. Bakit ang laki pa rin ng epekto sa'kin ng halik na iyon? It was only an accidental kiss.
Bumuntong-hininga ako at mariin na pinikit ang mga mata ko sa pangalawang pagkakataon. Mamaya, magpapakalasing ako para mawala itong mga kakaibang nararamdaman na bumabalot sa sistema ko ngayon.
Clarisse's POV
11:08 PM
Nagising ang diwa ko nang yugyugin ako ng mahina "Best, nasa bistro na tayo" ani Irish.
Nag-inat ako bago bumaba sa van. Akalain mo naman sabay pa kami ng mokong na lumabas. Nagtama ang paningin namin pero agad akong umiwas. Pumasok na lang ako sa bistro.
Nakita ko sina Jiselle at ang iba ko pang kaklase na sumimsim ng alak. Bakas sa kanilang mukha na masaya sila hindi dahil marami kaming nasungkit na mga parangal kundi matagal na rin silang hindi nakakamit ng kalayaan.
Palagi kasing nakatuon ang aming mga isip sa pag-aaral kaya bihira na lang kami magkakasama pero ngayon mukhang abot-langit ang mga ngiti nilang lahat dahil alam ko na magpapakalunod ngayon sila ng alak para ipagdiwang ang aming pinagsikapan.
"Hi Clarisse!" bati nilang lahat sa 'kin. Ginantihan ko sila ng ngiti at naupo medyo malayo sa kanilang puwesto.
Nakapako pa rin dito sa utak ko ang nangyari sa 'min ni Lucas. Hinawakan ko ang labi ko. His lips are so---OMG! Erase! Erase! Ang laki pa rin ng epekto sa'kin ng halik na iyon. Shemay! Kailangan ko burahin sa sistema ko ang pangyayari na iyon. It makes me crazy.
'I-untog mo sa pader ang ulo mo, effective iyon at magkaka-amnesia ka pa para wala ka nang maalala na kahit ano'.
Nak'ng! Puro kalokohan ang laman ng utak ko. Tss, hindi nag-iisip ng mas magandang ideya.
💡
Sinenyas ko ang isa sa mga bartender. "Kuya, isang vodka please,
"Right away, Ma'am." Hindi nagtagal, binigay na ng bartender ang aking inorder.
"Thank you" matipid na sabi ko. Tinanguan niya lang ako at pinagpatuloy ang kanyang pag-aasikaso sa mga customers.
Agad kong tinungga ang vodka. Parang nasusunog ang lalamunan ko nang maubos ko ng isang simsim lang. Hindi man ito pwede sa lagukan ko, pinilit ko pa rin ito na makisama.
Umorder na naman ako ng isa pa. Nang tinugga ko ito, parang masarap sa panlasa ngunit biglang uminit ang buong katawan ko.
'Parang gusto ko nang maghubad dito.'
Bahala na si Batman, sinenyas ko na naman ang bartender na ihanda niya ako ng isang bote ng vodka. Siguro bukas, mawawala na rin itong kakaibang nararamdaman ko.
Lucas' POV
12:43 AM
I don't have the mood to drink tonight. Hindi matutupad ang sinabi ko kanina. Kapag hindi ko iniisip masyado ang mga bagay na hindi naman big deal para sa'kin. Pinapabayaan ko na lang iyon at hindi mo na lang namamalayan na wala ng lumiligalig sa utak mo.
Ayoko rin uminom dahil delikado kung magmamaneho kang lasing, at dahil mabait akong tao, ako na lang ang maghahatid sa kanila pauwi.
Tiningnan ko ang oras at huminto sa paglalaro ng Mobile Legends. Nakita ko ang kabuuan nila. Sina Jiselle at ang tatlo kung kaibigan, knock-out na. Yung drayber ng sasakyan, mukhang lasing na rin dahil para siyang babae na namumula ang pisngi. Si Nathan buhay pa rin, mukhang lasing dahil panay tawa siya ng tawa ng walang dahilan. Tss, loko.
Parang may kulang dito. Teka, nasaan si Clarisse?! Linibot ko ang buong bar at nahagip ng mata ko si Clarisse. Knock-out na rin and fvck! Papatayin ako ng kapatid mo! isang bote ng vodka ang naubos nito.
Shit, Nagpatulong ako sa mga bouncers sa bar na dalhin ang iba kong kasama sa van. Salamat na lang, madali ang aking pabor dahil hindi na kaya ng kanilang mga sistema.
Binayaran ko na rin ang inorder nilang alak. "Keep the change." Tinanguan ako ng bartender at dinala ko si Clarisse na parang isang sako na bigas.
"Hoy*hik*mokong, ibaba mo*hik*ako," mukhang nagising ko siya. Mahina niyang sinusuntok ang likod ko. "Hoy, litse ka!" parang bata na nagtatatrantums si Clarisse.
Nakita ko na nakabantay ang tatlong bouncer sa van. Dahan-dahan kong dineposito si Clarisse na katatapos pa lang magwala at mahimbing na natutulog.
Pinasalamatan ko ang tumulong sa'kin at binigyan sila ng tip. "Maraming salamat," sambit nila na nakangiti. Tinanguan ko sila at ginantihan rin ng ngiti. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng aking pantalon at sinimulan ang makina ng van.
++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share.++
---Lil_Kylie
BINABASA MO ANG
Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019
Teen FictionWARNING: THIS IS THE WRITER'S FIRST STORY. I WROTE THIS WHEN I WAS 13, SO EXPECT MANY GRAMMATICAL ERRORS AND WHATSOEVER ERRORS! (Tres Maria's Series #1) Clarisse Jean De Guzman Started: September, 06. 2018 Finished: May, 2. 2019 Language : Tagalog...