Chapter 36 : Educational Field Trip (Day 2)

72 3 0
                                    

Clarisse's POV

Goodbye Virgin Hostel

 6: 22 PM

Graveh! Sumasakit ang obaryo ko sa mga kakaibang inaasta ni Lucas simula kaninang umaga hanggang matapos ang ginagawa namin. Ang sarap rin nitong ulo ko na iuntog sa pader dahil rin sa mga kakaibang nararamdaman ko ngayon. 

I lazily drop myself in the comfy bed and released a deep breath because of exhaustion. Then, i recalled a few moments happened a while ago...

Hindi maganda ang tulog ko dito, mga bandang ala-una na ng madaling umaga ako natulog. Si Lucas kasi...nakaboxer shorts lang kagabi at ang pinakamasama dun, ginawa pa niya akong unan. 

Kapag umiiwas ako, lumalapit siya sa 'kin, hindi ko gaanong makita ang mukha niya dahil nakatagilid ako kapag natutulog basta ang alam ko,  tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ko na nasa leeg ko at isiniksik niya doon ang kanyang ulo. Yinakap niya rin ako mula sa aking likuran.

If you imagine that kind of position i'm into last night, you can say that we are like a teen couple cuddling. Hindi ko na naalala ang kasunod na nangyari, nakatulog na kasi ako.

When Ma'am Faye is busy discussing us about business management and stuff relevant to the course we use to take, hindi ko maiiwasan na tingnan si Lucas na nasa likuran ko. 

Kapag nagtatama ang paningin namin, kumakawala sa kaniyang mga labi ang isang ngiti. Iniirapan ko na lang siya pero kapag nakatalikod na 'ko sa kanya, parang may sariling isip ang mga labi ko at ngumiti. 

Habang nasa business training naman kami, hindi ko maiiwasan na mairita sa mga babae na mukhang mga pokpok na paminsan-minsan lumalapit kay Lucas...at siya naman na malandi, nagpapalandi. 

Pagsapit ng tanghali, don ko siya pinagsabihan ng maraming salita pero ginantihan lang ako ng kumag na ito ng ngisi. Sinabihan niya rin ako kung nagseselos ba ako pero walang lumalabas sa dila ko. 

Ugh! Sumasakit talaga ang bangs ko! Boyset na Lucas na'yon!

Bumukas ang pinto ng kuwarto na tinutuluyan namin at linuwa don si Irish. "Hi Best," bati niya sa 'kin.

"Hi Irish." Ani ko at binigyan siya ng ngiti.

"Grabe, nakakapagod pa la maging isang businesswoman," reklamo niya. "Mawawalan na'ko ng oras sa mga boys ko." Dagdag niya.

Napailing-iling ako. "Kahit kailan talaga, loka loka talagang babae ka." Sabi ko.

"Hahaha, syempre" nagflip-hair siya. "Mana sa iyo eh" 

I chuckled. "Loko hahaha, hindi kita anak"

"Ay, siyangapala Best, nandoon ang iba natin kaklase sa may camping site choo choo, ikaw lang ang wala dun." Aniya. 

"Mmm. Sige." Sabay kaming dalawa ni Irish na pumunta sa may camping site na sinasabi niya kung saan nandoon ang iba namin kaklase. Sinabi rin ni irish sa 'kin na bukas ng umaga kami uuwi. Free time siguro namin ang natitirang oras ngayong gabi. 

_..._..._

Nang makarating kami ni Irish sa camping ground site na kanilang tinatambayan ngayon, sinalubong agad nila kami. 

"Hi, Clarisse!" masigglang bati ni Nathan.

"Ohh, Clarisse, buti naman nagpakita ka," Terrence.

"Oo nga, ikaw lang ang wala dito," si Kit.

Mapakla akong napangiti. "Pasensiya na kayo, pagod kasi ako." 

"Mmm. Ganun ba...sige magpahinga ka na lang, mas kailangan mo iyon." Suhestiyon ni Kit. 

Umiling ako. "Hindi na kailangan, nakapagpahinga naman ako sa kuwarto namin kahit sa maikling oras lang...ok naman ako." Sabi ko at binigyan ng ngiti.

Umupo ako sa tabi ni Terrence. Ayokong lumapit kina Cavill baka umandar na naman ang katukmolan ko lalo pa't nandiyan ang hari ng mga kumag na si Lucas. Psh.

Meron akong napansin, linibot ng aking mga mata ang buong lugar. Tama nga ang hinala ko. 

"Guys! Alam niyo ba kung nasaan si Nathan?" tanong ko sa kanila. 

Hindi nila sinagot ang tanong ko kaya't ibig sabihin, hindi nila alam kung nasaan siya. Siguro, may kinuha lang iyon. Napagisipan kong magpahangin muna. Nagpaalam ako kina Terrence at Irish sapagkat sila ang katabi ko. 

Naglakad ako papunta sa tabing-dagat. Whenever i get near at the sea, it made me swim my worries away. It helps me calm my mind. As i walk at the beach, i feel the cold wind that blows my hair and the murmuring sounds that they are more like whisper into my ears.

Sa kalagitnaan ng aking paglakad sa tabing-dagat. Meron akong nakitang isang bulto ng tao, nakaupo siya at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako rito at doon ko nakita kung sino siya...

"N-Nathan?" 

Tumingala siya kung saan nangaling ang aking boses at nagulat siya nang makita ako. Mukha ba'kong white lady sa paningin mo? "What are you doing here?" Tanong niya. 

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Nangunot ang noo nito tapos napailing-iling.  Biglang tumahimik ang buong lugar. Para na rin may sariling isip ang buong katawan ko at umupo ito sa tabi ni Nathan. 

Binasag ko ang katahimikan na namamagitan sa 'ming dalawa. "Ang ganda ng buwan." Sabi ko habang nakatingin sa langit.

"Mmm. Oo nga..." Tapos naramdaman kong tumingin siya sa 'kin. "Pero mas maganda ka pa rin kaysa sa buwan." Pahabol niyang biro. Pucha, nakuha pa nitong mokong na magpapula ng pisngi.

Tinampal ko siya ng mahina. "Loko." 

"Clarisse, may i ask you something..." 

"Ano 'yon?" 

Narinig kong bumuntong-hininga siya. "What is the real score between you and Lucas?"

"H-Ha? Magkaibigan lang kami." Pagkatapos kung sabihin iyon, hindi ko inaasahan ang sunod na katagang sinabi niya sa 'kin.

"Kung ganon, m-may pag-asa ba'ko s-sa'yo?"

Nangunot ang noo ko. "H-ha?"

"I'm asking you if i can win your heart?" He said.

I stiffened by his question. Parang napako ang puwit ko sa inuupuan nito. "Pls. Tell me Nathan, you're joking...right?"

Bumuntong hininga siya at tumingin sa'kin. "Mukha ba 'kong nagbibiro?"

Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko at tumingin sa'kin. "Clarisse...when i laid my eyes into you, i can feel my heart racing. Whenever i close my eyes to sleep, i can see you in my dreams. Whenever i open my eyes, my senses are craving for your presence. I started to keep asking myself...have i already fall from this woman?" 

"Sa maikling panahon na nakilala kita, nakuha mo agad ang puso't-isipan ko. Ngayon, tatanungin kita...sasahulin mo ba'ko?" 

I gulped by his question. Hindi ko iyon inaasahan. I didn't even have the guts to say anthing but he's waiting for my answer. What should i do?  What should i do


To be continued...



++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share. ++

---

Lil_Kylie 

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon