3rd Person POV
2 years ago.....
Walang pakialam si Lucas sa mga tao na nakapaligid sa kanya. Mahilig siyang makipagaway at mahilig niyang pagtripan kahit sinong tao na kaya ng kaniyang mga kamao kaya ang resulta, palaging napupunta sa guidance office at sa tuwing uuwi siya sa bahay nila. Palaging may pasa, sugat o mga palatandaan na nabugbug siya ng kaniyang mga ginulpi.
📍 Lucas' House
Nakatiim ang bagang, nag-uusok ang galit at pinta sa kaniyang mukha niya ang madilim na parte ng kaniyang pagkatao.
"Master, ano po ba ang problema?"
sabi ng butler ni Lucas."Wala ka nang pakialam don!" sigaw ni Lucas sa butler niya.
Pumasok siya sa kuwarto niya at malakas na sinara ang pinto. Ilang araw na hindi nakikinig sa klase si Lucas at malamig ang pagtratrato niya sa mga kaklase niya kasama na don si Clarisse.
Habang gabi naman, tumatakas siya sa bahay nila at palaging umiinom sa mga bar at minsan mga bandang-alas tres na o di kaya malapit na sumikat ang araw na siya umuuwi at umaaligid ang amoy ng alak sa kaniyang damit.
Nahihirapan na rin ang kanyang butler at sa mga ilang kasam-bahay sa mga ginagawa ni Lucas. Minsan kumakalma rin ang sistema ng binata kapag kasama niya ang mga kaibigan niya.
Isang araw, bumalik siya sa paaralan at mukhang nakaramdam rin ang binata ng guilt. Inaasahan siya ng kaniyang mga magulang, siguro binuhos siya ng malamig na tubig at napag-isipan rin niyang pumasok.
"Class, i have a little announcement"
Hindi pinansin ng binata ang pinagsasabi ng head teacher nila.
"I would like to announce to all of you that you have a new classmate." aniya.
"Halika, Iha pasok ka"
Liningon ng binata ang pinto ng classroom at natigilan siya sa nakita niya.
Parang nakakita siya ng isang anghel na ubod ng ganda. Maamo ang mukha niya, makinis ang balat, pinkish ang lips, hindi siya mukhang chopping board at magandang tingnan ang kanyang pares na kulay kastanyong mata na nakakapangakit.
"Iha, magpakilala ka sa mga classmates mo" utos ng guro.
"Hi!" sabi niya habang winawagay ang kaniyang kamay sa kaniyang mga kaklase.
"Ako nga pa la si- Claire Fatima Dela Cruz, 16 years old at nagaaral ako sa America pero meron naman inaasikaso no Daddy dito sa Pilipinas. Dito muna ako mag-aaral." sambit niya at binigyan ng kaniyang mga kaklase ng napakatamis na ngiti.
" Thank you Miss Dela Cruz for introducing yourself, now class, Miss Dela Cruz will be your new classmate and she will be a part also of our journey as we go along. Pls. respect and treat her like a part of our family. Do we understand each other?"
"Yes! Ma'am" sabay-sabay nilang pagsasang-ayon.
"Good, now Miss De Guzman pumili ka ng iyong mauupuan"
Umupo ang dalaga sa kasunod ni Irish at kasunod naman ni Irish ay si Clarisse.
Hindi naiwasan ng binata na tingnan ang dalaga, parang wala siyang naintindihan sa kanilang tinalakay. Nakapako ang kaniyang paningin sa dalaga dahil sa mayuming ganda nito.
Discuss...
Discuss...
*RECESS*
Laging sinusundan ni Lucas ang mga galaw ng dalaga at simula pa lang ng klase niya ay meron na siyang kaibigan.
Sina Irish at Clarisse ang naging tour guide nila sa school. Sinamahan rin nila ang dalaga sa pagpunta sa library, cafeteria, at kahit saan pa.
Habang lumilipas ang mga araw, hindi na namamalayan ni Lucas na nahulog na siya sa dalaga.
Parang hindi na sa tamang huwisyo ang kaniyang pag-iisip kapag nakikita niya ang dalaga. Kailangan na rin niyang magpakonsulta sa doktor dahil ramdam niya na parang sasabig na ang kaniyang puso dahil nasa kritikal na kondisyon na ito.
Kapag nagpapaturo siya tungkol sa mga mahihirap na mga talakayin kay Claire. Mas naiintindihan niya ng mabuti kapag ang dalaga ang tumuturo sa kaniya
'Sana siya na lang ang teacher ko para agad kong makuha ang mga tinatalakay namin'
Hindi na rin nagpakipot pa si Lucas. Ginagawa niya dapat ang tungkulin ng isang lalaki na gumugulo sa kaniyang puso at utak.
Time Check:
3:00 pmTinawagan ni Lucas si Claire na pumunta sa open field kasi meron raw ipapabigay sa Physical Education teacher nila.
"Hello" ani Claire sa phone
"Claire, pinapatawag ka ni teacher dito sa open grounds, narito ang ibamg classmates natin, ikaw na lang ang hinihintay namin" seryosong sambit ni Lucas.
"Oo sige, papunta na ako diyan"
Lakad-takbo ang ginawa niya mapunta lang sa open field dahil strikto pa naman ang teacher nila. Ang pinagtataka lang ni Claire ay 3rd period nila ang P.E at wala ng ibang subject kundi Oral Communication at Precalculus Mathematics lang ang klase nila.
Napailing-iling siya dahil sigurado siyang pagagalitan ng kaniyang guro. Mas maimportante ang makarating siya sa field.
After several minutes.....
Narating ni Claire ang field at kitang-kita marami ang nagtitipon-tipon na mga estudyante. May estudyanteng nakapansin kay Claire at sumigaw ng "nandito na si Claire" at liningon ng mga nagtitipon-tipon ng estudyante at nagbigay ng espasyo para makadaan si Claire
Nangunot ang noo ni Claire "Ano 'to?" walang kaalam-alam na tanong ng dalaga sa kaniyang mga kaklase.
Ang masaklap don ay hindi siya kinibo ng kaniyang mga kaklase. Wala siyang magagawa at parang may sariling isip ang kaniyang mga paa at naglakad siya sa binigay na espasyo at nagulat na lang ang dalaga sa nakita niya...
<0_0>
<0_0>
To be continued...
++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share ++
---
Lil_Kylie
BINABASA MO ANG
Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019
Teen FictionWARNING: THIS IS THE WRITER'S FIRST STORY. I WROTE THIS WHEN I WAS 13, SO EXPECT MANY GRAMMATICAL ERRORS AND WHATSOEVER ERRORS! (Tres Maria's Series #1) Clarisse Jean De Guzman Started: September, 06. 2018 Finished: May, 2. 2019 Language : Tagalog...