Chapter 22 : Adamson Youth Event (Day 1) Pt.2

138 3 4
                                    

Clarisse's POV

Natapos na rin ang aking shift. Hindi ako nakaramdam ng pagod at napansin ko na parang ang energetic ko ngayong araw.

Siguro sinapian ako ng kasipagan...

Pumunta ako sa labas at nakita ko sina Lucas na nag-iihaw ng mga pagkaing-dagat. Napagisipan ko na suriin ang ibang stalls namin since wala naman akong ginagawa.

Una kong pinuntahan ang stall ni Ryza. Marami rin ang kanilang mga customers.

"Hi Ryza!" bati ko.

"Hello, Clarisse" tugon niya.

"Keep up the good work." Ani ko at binigyan siya ng thumbs up, sinuklian niya ako ng matamis na ngiti.

Nagmasid ako ng mga iba pang stall at nahagip ng aking mga mata si Seth at Terrence na nagbabantay ng kanilang souvenir shop.

Pumunta ako sa kanilang stall at binati sila. "Hi Terrence, Hi Seth."

"Hi Clarisse!" masiglang tugon nila

"Wow! Ang gaganda." Tinutukoy ko ang mga t-shirts at mga iba pang mga subenir na  naka-display.

Napakamot sa batok si Terrence at parang namula ang kanyang mukha habang si Seth naman ay ngumiti sa 'kin.

"Ginawa niyo ba ito o umorder lang kayo?" usisa ko.

"Uhmm.. Nagpatulong kami sa mga professionals at naisipan namin na gumawa rin ng aming designs dahil gusto namin masubukan ang mga ganitong bagay." Paliwanag ni Seth.

"Ohhh" pumunta ako sa mga couple t-shirt section. "Sinong nag-imprint ng mga ito?" turo ko sa mga couple shirts na nakasabit sa taas bilang display.

"Kami ang gumawa ng mga iyan.." si Terrence.

"Napagisipan kasi namin na gumawa ng mga iyan dahil ito ay uso at karaniwang sinusuot ng mga millennials ngayon" sagot ni Seth.

"Mmm. Ang gaganda naman ng mga ginawa niyo, gusto kong bumli..."

"...Kaso walang naman akong partner," tapos sumimangot ako

"You have Lucas or Nathan or us.."

Tumaas ang isang kilay ko. "H-Ha?"

Tumawa si Seth. "Haha, i mean, pwede kang pumili sa aming dalawa and you can get the couple shirt you like in a low price." Aniya at ngumiti siya sa 'kin.

"Clarisse, piliin mo na lang ako kasi kapag pinili mo ako, hindi lang mababang presyo ang makukuha mo, pwede mo na rin kunin ito." Tinuro niya ang kanyang puso. "Dahil itong puso ko ay tapat at mamahalin ka hanggang kaya pa ng sistema ko na alagaan ka"

Shemay! ano kaya ang nakain ni Terrence at ano na lang kaechosan ang lumalabas sa bunganga niya.

"Hahahaha" mga loko talaga sila. May saltik ang mga ulo.

"Kayong dalawa talaga, magsama kayo sa langit," biro ko.

Tumawa lang sila at ginulo ang aking buhok hanggang...

"C-Clarisse?"

Liningon ko kung saan nanggaling ang boses.

Nagulat ako sa aking nakita ngayon. Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit ang isang taong gusto ko ng ilunod sa dagat hanggang hindi pa ako nakukuntento dahil gusto ko iparamdam sa kanya ang mas masakit na binigay niya sa 'kin.

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon