Chapter 61 : One Sweet Day

97 2 0
                                    

Clarisse's POV

"Babe, ang raming nag-like sa photo natin." Hindi ako makapaniwala!

"Syempre famous at gwapo ang boyfriend mo." Nakangisi niyang sambit.

Inirapan ko siya. "Ang yabang at ang hangin mo." Sinuklian lang niya ako ng isang matamis na ngiti.

Napailing-iling ako sa boyfriend kong ipo-ipo.

"Babe," tawag ni Lucas. Sa totoo lang, hindi ko bet yung babe niya. Cliché na nga yung love story namin, cliché pa ang tawagan namin.

"Ano?" May halong iritasyon ang boses ko.

Mabilis niyang hinablot ang cellphone ko at nilagay ito sa pocket ng kanyang denim jacket.

"Nagustuhan mo ba ang performance namin kahapon?" Tanong niya.

"Oo. Ang galing niyo nga." Puri ko.

Pagkatapos ng photoshoot kahapon, saktong nagtext si Kuya Jerome sa 'kin ng 'Umuwi ka na baby.'

Ihahatid sana ako ni Lucas pero napagisipan ko na lang na mag-commute. Pero narinig ko si Adrian na may gig pa raw sila sa isang club.

Ayokong maging sagabal sa kanila. I don't want to be a burden to Lucas.  Nakakahiya! Kaya 'yun, hindi kami nakapagusap. The timing is not accurate...

Kaaalukuyan kaming nasa Brewer's Best, tumatambay. Mabilis tumakbo ang oras at hindi kami makapaniwala na malapit ng matapos ang pasukan. Malapit na rin matapos ang 1st semester namin sa BSBA. Approximately, 4 weeks na lang.

Bumalik ako sa kasalukuyan. "Hindi ko maikakaila na magandang tumugtog si Adrian, the way he moves. It's so--" Tumigil ako sa pagsasalita dahil nakatiim ang bagang ni Lucas at matalim ang paningin sa akin.

"Clarisse. I don't like it."

Nagsalubong ang kilay ko. "Don't like what?"

"Don't you ever mention another man in my sight." Malamig niyang sambit.

Ngumisi ako. "Anong gagawin mo kung hindi ako sumunod sa'yo?"

Ngumisi rin siya. But this time, it's a devilish smirk. Ang ngisi na bihira ko lang makita. "Or else, I'll take you here." He said in a seductive voice.

Lumunok ako sa sinabi niya. Hindi na 'ko umimik pa, baka ano pa ang gawin nitong lalaking 'to sa 'kin.

Hindi nagtagal, bumalik ulit ang ngiti sa labi niya. "Babe, kunin ko lang ang order natin." Anang Lucas na nakatingin sa 'kin habang ang hintuturo niya ay nakaturo sa counter.

Matipid kong tinanguan ang nobyo ko. Bumalik siya si Lucas na may dalang dalawang Oreo Cheesecake, dalawang milkshakes and a Chocolate Fudge Cake.

Can this day get any sweeter?

"Woah, Clarisse, be careful with the sugar." Panunukso ni Lucas na may ngisi sa labi.

Ngayon ko lang napansin na nanunubig ang bibig ko. Too much sweet can make my mouth water. That's for sure.

Sinunggaban ko agad ang Oreo Cheesecake. Unang kagat ko pa lang ng keyk ay napadaing na 'ko ng "Mmm. Ang sarap."

Mataman akong tiningnan si Lucas. "Really?" Tapos tumaas ang sulok ng mga labi niya. "Mas masarap pa ba keysa sa sandata ko?" Biro niyang tanong.

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon