Chapter 31 : They Are Concerned

108 3 0
                                    

Clarisse's POV

"Master, meron pong naghahanap sa inyo," wika ng Butler ni Lucas.

"O sige, pupunta ako diyan" tumayo siya. "Wait, gusto kong sumama." Umiling si Lucas. "Hindi pwede, magpahinga ka na lang dito." Suhestiyon niya.

Mukhang hindi ito madadaan sa salita lang, nagpuppy-eyes ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Please." Bumuntong-hininga siya at sumambit ng 'fine'. Parang may sariling isip ang labi ko at hinalikan siya sa pisngi pero peck lang.

Nakita kong namula ng konti si Lucas at naramdaman ko rin nag-init ang mga pisngi ko sa 'kin nagawa. Ano bang pumasok sa kokote ko at naisipan ko yun?

Tumayo na 'ko at mukhang naiinip na si Butler sa 'min. Kahiya! Sumunod ako sa kanila. Nagtataka kasi ako kung sino ang naghahanap kay Lucas. Nararamdaman ko na may masamang mangyayari.

Sinundan namin ang Butler ni Lucas sa sala. Siguro nandon ang naghahanap kay Lucas.

Natigilan ako ng makita ko si Kuya sa couch na nakakrus ang dalawang braso sa kanyang dibdib at mukhang naiinip na siya sa kakahintay.

"H-Hi Andrei." Nag-aalangan na bati ni Lucas sa kapatid ko.

"Sige, iwan ko muna kayo." Butler ni Lucas.

Walang nagtagkang bumasag ng katahimikan. Tiningnan ko si Kuya Andrei, bakas sa mukha niya ang galit at ang mag mata niya ay nagsasabi na 'you have a lot of things to explain later'.

Pinasalamatan ni Kuya Andrei si Lucas na inuwi niya kong ligtas. Hindi nagtagal, naisipan rin ni Kuya na umuwi kasama ako.

'Maghahanda ako mamaya sa mahabang sandata--este mahabang sermon ni Kuya.'

Kinuha ni Butler ang mga damit ko na amoy-alak. Matipid na 'thank you' ang sinaad ko sa kaniya at tinugunan niya ako ng ngiti.

"Bye Lucas, thank you for letting me stay at your house," sambit ko.

Ngumiti siya. "You're welcome bestfriend." Ani Lucas tapos ginulo niya ang buhok ko.

Natapos lang ang gawi ni Lucas nang marinig namin tumikhim si Kuya. I waved at him and he waved at me as well. 

Pagpasok namin ni kuya sa bahay, agad akong sinalubong ng mga magulang ko.

"Anak, san ka galing?" tanong ni Mama. Akmang magsasalita na sana ako nang magsalita si Papa. "Clarisse, nag-alala kami sa'yo."

"Mabuti na lang, ligtas ka kung hindi na namin mahahalikan ang ginawa naming bunso." Malungkot na sabi ni Mama.

'Nak'ng, pinapatay ba'ko nila Mama?'

"Ma, buhay pa po ako, para mo na'kong pinapatay."

"Psh. Basta ang mahalaga, ligtas ka," singhal ni Mama. Nagkibit-balikat na lang ako.

Umupo kaming tatlo ni Mama at Papa sa sala. It's sermon time. Narinig kong bumuntong-hininga si Mama. "Anak, sa susunod, huwag ka nang iinom. Panghuling abiso ko na it sa'yo Clarrise. Oo alam ko na sinusulit mo ang mga teenage days mo pero anak, huwag mo naman masyadong pahalagahan ang mga ikasasaya mo..." huminto muna siya at nagpatuloy ulit.

"...Hindi naman sa sinasabi ko na hindi ka magpakasaya. Concern lang ako sa inyo. Napapanahon na rin kasi na maraming mga kabataan ngayon na nabibiktima ng mga kung-ano ano pa iyan na inuulat sa telebisyon." Hinawakan ni Mama ang dalawang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Clarisse, ituon mo ang isip mo sa pag-aaral...Papayagan kita lumabas ng bahay...Kapag ito ay mahalaga o may kaugnayan sa pag-aaral niyo." Walang bakas na galit o yamot sa boses ni Mama.  "Anak, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa'yo?" mahinanon niyang tanong.

Tinanguan ko si Mama. "Opo, Mama. Di na rin po ito mauulit." Ani ko. Yinakap ako ng mahigpit ni Mama at hinaplos ang buhok ko. "Mmm. That's our baby girl." asar niya sa'kin. Mahina akong natawa. Nakita ko rin si Papa na nakangiti sa 'min na mag-ina. 

Kumalas si Mama sa pagkakayakap sa'kin. "Anak, napagisipan na rin namin ng Papa mo na ipabantay kita sa dalawa mong kuya." Namilog ang mata ko sa'kin narinig.

"M-Ma, kailangan pa ba iyon?"

"Aish. Huwag ka nang rumeklamo diyan, that's final Clarrise." Saad ni Mama.

Liningon ko ang dalawa kong kuya na nasa likod. Nagtama ang aming mga paningin at nakita kong nakataas ang sulok ng kanilang mga labi.

Binalik ko ang aking atensyon kina Mama at Papa. "As what your mother said, babantayan ka ng mga kuya mo." Pag-uulit ni Papa.

Naiintindihan ko rin ang punto ng mga magulang ko. They are just concern of my safety. Masaya ako dahil nag mamalasakit sila sa'kin.

Nagpapasalamat rin ako sa magulang ko na hindi sila galit sa mga ginagawa ko pero minsan, mag-ingat rin ako dahil matindi rin magalit sina Mama.

Minsan sumasama rin ang loob ng binata't, dalaga ngayon dahil nadadala ang kainitan ang ulo sa pagdidisiplina ng kanilang mga magulang. Minsan nga sumasagot rin sila sa kanilang mga magulang dahilan para uminit lalo ng sakit sa ulo.

Mas mabuti na pinakikiusapan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng mahinahon at walang bakas na galit. Sa paraan na iyan, magiging maayos at maunawan ng maigi ang usapan ng magulang at anak.

Nadala ang aming usapan sa youth event. Proud ang mga parents sa 'min dahil pinagbubutihan na rin namin ang aming pag-aaral.

"Ang galing talaga ng mga anak ko." Puri ni Mama. "Manang-mana sa Mama." Birong dagdag ni Mama.

"Hay naku, syempre yung dalawang binata ko, mana sa kagwapuhan ng Papa." Pakikisama ni Papa sa biro ni Mama at nag-pogi sign pa.

"Aish. Tama na nga yan, Juanito. Mga anak, pagbutihin niyo ang iyong pag-aaral. Make us proud. Ok ba iyon mga anak?"

"Opo, Ma!" sabay-sabay naming tugon.

Ngumiti sina Mama at Papa sa'min. "O siya, iwan ko muna kayo mga anak, may gagawin pa kami ng Mama niyo." nakangising sambit ni Papa. Nakita kong namula ang pisngi ni Mama. Alam ko na ang ibig sabihin ni Papa. Halos araw-araw nila iyon ginagawa.

I decided to go to upstairs to get some rest. I used the stairs and opened the door of my room. I closed the door and lazily dropped my body on the bed. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pa la ako.


++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share. ++

---

Lil_Kylie 

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon