Chapter 42 : Usapang Babae

92 2 0
                                    

Clarisse's POV

I'm sitting at the couch, touching my lips as i remember a traumatizing moment that changed my whole world. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari iyon...

May kumakatok sa pinto, tumayo ako at tumungo sa pintuan, binuksan ko ang pinto at bumungad sa 'kin ang pagmumukha nina Irish at Mariah.

"Hi! Best!" they greeted me. I flashed a smile at them. "Hello!" and i waved my hand. I opened the door widely and motioned them to enter.

Tinext ako ni Mariah kagabi na walang pasok raw ngayon dahil karamihan sa mga guro ay may pupuntahan na seminar. Umupo sila sa couch, pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang pitsel na naglalaman ng lemongrass extract tea at isang plato ng biskwit.

"Oh bakit napadaan kayo dito?" Pagsisimula ko.

"Bakit? Hindi ba kami welcome dito?" Ngumuso si Irish na parang bata na ninakawan ng kendi.

Marahan akong natawa sa inaasta ni Irish. "Tukmol ka, hindi iyan ang ibig sabihin ko. Hahaha."

"Actually, boring kasi dun sa'min kaya pumunta na lang kami dito sa inyo." Ani Mariah at kumuha ng isang biskwit.

"Ayy...siyangapala, nandito ba ang mga kuya mo?" Si Irish na nakataas ang sulok ng kanyang labi.

Napiling-iling ako. Iba rin kasi tong babae na'to, palaging hinahanap ang kuya Andrei kong kumag. Siyangapala, nagbati na kami ni Kuya Andrei kagabi, pinagtapat niya sa 'kin na siya ay nagseselos kay Lucas.

Dahil parati na lang daw si Lucas ang lumalabas sa bibig ko, palagi siya ang inaalala ko, dahil halos lahat ay siya ang iniisip ko, napapabayaan ko na ang mga kapatid ko. Hindi naman sa napapabayaan, parang gusto ni Kuya makuha ang atensyon ko.

Kuya Andrei is craving for my attention. Siguro tanga ako dahil hindi ko 'yon napansin. Ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya, hindi ko minsan naiiwasan na mapangiti dahil sa kanyang mga ginagawa sa 'kin. Tinalo na nga niya ang mag-jowa diyan sa paaralan!

Sinuklian ko kagabi ng isang mainit na yakap si Kuya Andrei at hinalikan ang noo niya na bihira niyang ginagawa sa'kin. Hindi ko rin nakalimutan ang pagpapasalamat sa kanya. In my case, i always value the people who are very close to me.

I would never forget the milestones that my brother and I have reached together, the moments we spent and many more. Having a brother is one of the most priceless gift you've ever get and i obtained two of them.

I came back to my senses and focused on our conversation. "Uhmmm...Lumabas si Kuya." May umilaw na bombilya sa isip ko, palihim akong napangiti ng madilim sa naisip ko. "Kasama ang girlfriend niya. Siguro may date sila ngayon." Dagdag ko, bumagsak ang balikat ni Irish at nawala ang ngiti sa mga labi niya.

Siguro hindi naman masama mag-open ng topic sa kanila. Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. "Mga Best, may sasabihin ako sa inyo." Ani ko.

Mas mabilis pa sa kidlat na lumapit si irish sa 'kin. With matching doe eyes pa. "Best, buntis ka?!" Kapagkuwan nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya.

 "Sino ang ama ng dinadala mo?! Ha?! Sagutin mo 'ko?! Puputulin ko ang junju---Aray!" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil marahas siyang tinampal sa mukha ni Mariah dahilan para mahulog ang balanse niya at mapasubsob ang mukha niya sa carpet.

"Boyset ka China!" Anang Irish at binigyan ng middle finger. Hindi niya ito pinansin at nanatiling umupo sa carpet. "Sige, ano yon?"

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon