Chapter 44 : The Art Of Pretending

87 3 2
                                    

Clarisse's POV

It's been a month. Isang buwan na ang lumipas simula nang kinompirma ko na mahal ko si Lucas.

Pero habang lumilipas ang panahon, nagiging malungkot ako. Nang makita ko siya na may kasamang babae, hindi ko minsan napipigilan na maging malungkot. Parang tinutusok-tusok ng maraming karayom ang puso ko.

Sa totoo lang, hindi ko kayang ibaon sa limot ang nararamdaman ko sa kanya. I don't know but i think it was forbidden to me. Kahit sinubukan ko nang kalimutan, bumabalik pa rin.

Siguro, hindi naging matagumapay ang plano kong pagtago ng feelings. Pero maayos naman ang pagpapanggap ko na hindi ako masyadong attached kay Lucas.

Yung parang magkapatid lang ang turing namin sa isa't-isa.

Bumalik ako sa tamang huwisyo nang umupo si Irish sa harap ko. Kasalukuyan akong nasa cafe ng unibersidad. At ang naupuan ko ay may bakanteng upuan sa harap.

"Hey Best." Bati niya na nakangiti.

I smiled. "Hey, Best."

"So...kumusta na ang plano mo?" Tinutukoy niya ang plano kong pagpapanggap at pagtatago ko ng feelings.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "The art of pretending went well..." Huminto ako. "But...hiding my feelings is very difficult." Pag-aamin ko.

"Dahil kapag nabura ko na sa isipan ko si Lucas. Hindi na sana ako magkakaganito." Ani ko tapos tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko.

Agad lumapit si Irish sa'kin at pinunas ang luha sa pisngi ko at yinakap ako. "Hayss...Ok lang iyan, nandito naman kami ni China, tutulungan ka namin na mawala ang mga feelings mo kay Lucas." She sound assuring. Then, she caressed my hair. Those words melted my heart. I smiled and mouthed. "Thank you."

"You're always welcome." She replied.

Bumalik siya sa bakanteng upuan sa harap. Sumimsim siya ng chocolate shake at nagkuwento sa mga bagay-bagay. 

Sa kalagitnaan ng aming pagkukuwentuhan, may narinig kaming baritonong boses ."What are you two doing here?" Tanong niya.

Tumingala ako at bumati sa kanya. "H-hi Lucas."

Gumuhit sa kanyang mga labi ang isang malapad na ngiti. "Hey Clarisse." Tugon niya. 

Akmang magsasalita na 'ko nang unahan ako ni Irish. "Sinong kasama mo?" Tanong niya. Kinamot ni Lucas ang sariling buhok at mapait na ngumiti sa'min.  Magsasalita na siya nang may marinig kaming matinis na boses. 

"Baabeeee!" 

Tumigil ang dalaga at hinalikan ang kaliwang pisngi ni Lucas tapos pinagsiklop nila ang kanilang mga kamay. "Babe, sino sila?" Parang may halong pait ang boses ng dalaga. "Andrea. This is my best friend Clarisse and this is her friend Irish." 

Nakakainggit silang dalawa. At nakakasakit rin. Una, ang salitang bestfriend  na iyon na nagbibigay ng sakit sa 'kin.

At pangalawa,  alam kong bagong laruan na naman ni Lucas itong babaeng to pero kahit  pansamantala lang siya sa piling ni Lucas, hindi ko pa rin maiiwasan na masaktan dahil may iba na naman siyang kasamang babae. s

Tumaas ang isang kilay ni Andrea nang magatama ang mga mata namin. Nakita ko rin sa gilid ng aking mata na nagtatagis ang bagang ni Irish.

Kapagkuwan ay nagpaalam ang chikababes ni Lucas dahil meron daw urgent meeting sa kanila. 

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon