Chapter 58 : Racing Heart

116 5 0
                                    

3:25 PM

Clarisse's POV

"Babe, pansinin mo naman ako." Parang bata na nagmamakaawa si Lucas. Tss...manigas siya!

"Babe, ano ba ang nagawa ko?" Maamo ang boses niya, mahina. "Sabihin mo naman sa akin please." Bakas sa kanyang tono ang frustration.

God! Hindi talaga ako tatantanan nitong lalaking 'to! Litseng buhay 'to!

"Bakit mo iyon ginawa?" "Yung ano?" Nakakunot noo niyang tanong.

"Yung doon sa café?" Hindi ba siya nahihiya? May parte sa utak ko na nahihiya at parte rin na kinikilig. Dahil ang super corny niya. Doon na rin lumalabas ang pagiging possessive niya. Sheytt! Nakakaloka!

"Ginawa ko lang iyon para malaman ng buong campus na akin ka." Aniya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang laki ng epekto nitong lalaking 'to sa akin. Sa susunod, magpapacheck-up na talaga ako. Palagi na lang, kumakabog ang puso ko. Siguro, nasa kritikal na ang kondisyon ng puso ko. Nakakaloka!

Kasalukuyan kaming nasa sala. Sa aming mansion este bahay. Maybe, it's the right time. The right time to officially introduce my boyfriend to my parents.

May karapatan ang mga magulang na malaman nila ang kalagayan ng kanilang anak.

Tiyak na magugulat si Mama kapag malaman niya na kami na ni Lucas.

Syempre! Dahil palaging pinipilit ni Mama si Lucas na ligawan ako. Kung nandito lang ang mga magulang ni Lucas, agad ipapaarrange marriage.

Sayang wala dito ang ikaw ng tahanan namin, siguro maraming inaasikaso si Papa sa company's.

Ok lang naman sa akin 'yun. Ginagawa niya naman ang lahat ng kanyang makakaya para mapagaan at maging komportable ang buhay namin. Kaya hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanya.

Bumukas ang pinto at nakita namin si Mama. "Hi Ma!" Bati ko at nagmano sa kanya.

"Mmm. Napaaga ata ang uwi mo." Aniya.

Tumikhim ako. "Ma, si Lucas," Ani ko at hinila ko si Lucas sa tabi ko.

"B-boyfriend ko p-po." Sambit ko.

Natigilan si Mama. "Tama ba ang narinig ko? Boyfriend mo si Lucas?" Paulit-ulit po tayo dito Ma?!

"Opo. T-Tita." Pati rin si Lucas, nauutal.

Napakamot ako sa buhok nang makita ko si Mama na tumili na parang dalaga na kinindatan ng campus hearthrob sa campus.

"Hindi ako makapaniwala! I'm so happy for you two!" Masigla niyang sambit.

Lumapit siya kay Lucas. "Masaya ako na pinili mo ang dalaga ko. Alagaan mo siyang mabuti ha?"

"Opo. Tita." Nakangiti niyang tugon. "Hindi ko papabayaan si Clarisse." Aniya tapos pinagsalikop niya ang kamay namin at ngumiti sa akin.

Tumili uli si Mama. "Kinikilig na ako sa inyong dalawa!"

"Hindi ako makapaniwala na kayo na! Salamat! At pinakinggan ng Panginoon Hesus ang dasal ko!"

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon