Chapter 33 : Bonding Time With Nathan

87 3 0
                                    

Clarisse's POV

Katatapos pa lang namin sumakay sa rollercoaster. Ang saya!

Papunta kami ngayon sa mga food stalls. Nakaramdam kasi ako ng gutom dahil sa kakasigaw na parang kukunin na ang pagkabirhen ko.

Dinala kami ng aming mga paa sa waffle stall. Si kuya Jerome ang umorder habang kaming dalawa naman ni kuya Andrei ang naghanap ng bakanteng lamesa.

Tumungo ako sa isang bakanteng four-seat table. Sinenyasan ko si kuya Andrei na patuloy pa rin ang paghanap ng mauupuan.

Hindi nagtagal, nakita namin si kuya Jerome na may dalang tray.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na kinuha ko ang waffles. Linagyan ko agad ng maraming chocolate syrup. Halos kahati ng syrup bottle ang nilagay ko sa  waffles.

"Clarisse, dahan-dahan lang." Kuya Jerome.

Hindi ko pinansin ang kanilang mga piangsasabi. Pasok sa panlasa ko ang waffles na ito. Gahd! It's so mesherep!

"Kuya...umorder ka pa ng isa." Utos ko kay kuya Jerome.

Inirapan lang ako ni Kuya Jerome. Bakla ba to?!

"Tch. Ikaw ang umorder." Ani kuya tapos binigyan niya ako ng pera.

"Haist, sige na nga." Kinuha ko ang pera at padabog akong pumunta sa counter stall ng mga waffles.

Hindi naman masyadong mahaba ang pila. Nang malapit na ako sa counter, nakaramdam ako ng presensya sa likod ko.

"Clarisse?"

The voice sounds familiar. Tumalikod ako...

"N-Nathan?"

'Wow! What a coincidence!'

His lips formed into a smile. "I knew it was you." He said confidently.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ahh,wala kasi akong magawa sa bahay at parang wala naman pasok...kaya napagisipan kong pumunta dito." he replied. Matipid na tinanguan ko si Nathan. Hindi ko na lang namalayan na kasunod ko na pala ang babae na bumibili rin ng waffles.

"Mahilig ka rin sa waffles?" tanong niya.

"Mmm. Masarap kasi ang waffles dito."

Inubos ko ang 100 peso bill na binigay ni kuya sa'kin. Hahahaha loka-loka talaga ako.

Nagpaalam ako kay Nathan at matipid na tinanguan niya ako pabalik. Hinanap ng aking paningin ang pwesto na inuupuan namin.

My vision caught kuya Andrei. He is like flirting with a girl. Kahit kailan talaga, ang landi talaga ng kuya ko.

Nang makarating ako sa table na inuupuan namin. Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon.

"Well, see u later. Call me if you're free." Sambit ni Kuya Andrei at kinindatan ang babae. Nakita ko si kuya Jerome na nandidiri sa kanilang dalawa.

'Ngayon ko lang napansin na chopping board pa la ang nilandi ng kuya ko. Mas malaki kaya ang sa 'kin keysa sa kanya.'

Nang makaalis ang babae, linagay ko sa mesa ang aking inorder tapos linapitan ko si kuya at marahas na kinurot ang tainga. "Kahit kailan, babaero ka talaga..."

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon