Clarisse's POV
Nagising ang sistema ko nang marinig kong nagriring ang phone ko. Walang gana akong bumangon sa kama at kinuha ang cellphone ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
Umasa pa la ako na meron tatawag sa 'kin pero hindi pa la, isa pa la itong alarm sound. Nak'ng, gusto ko sanang ihampas itong cellphone ko pero umiling ako, wala na'kong gagamitin pa.
May puwersa na pinindot ko ang stop button ng alarm at padabog na umupo sa kama ko. Humikab ako tapos tumingin ulit sa cellphone ko kung anong oras na.
Holy shit! Alas 6 na pa la ng gabi. Naku naman, walang hiya tong kuya ko, hindi ako ginising!
Marahas kong ginulo ang aking buhok. Naiinis ako! Nag-martsa ako palabas ng kuwarto ko hanggang sa makita ko si Kuya Andrei na abala sa panonood ng TV kasama si Kuya Jerome, Wala akong sere-seremonyang hinampas ang tiyan ni Kuya.
Napahawak siya sa kanyang tiyan at namimilipit sa sakit. "Shit! Ano ba Clarrise?!" Iritado niyang sambit.
"Bakit hindi mo'ko ginising?" Iritado ko ring sambit.
"Tss, ang sarap-sarap ng tulog mo eh, para ka na ngang pinag-rape ng labing-dalawang adik---Aray!" Hindi na niya nalagyan ng period ang sasabihin niya dahil tinapakan ko ang paa niya.
Nagpanggap akong inosente. "Oops." Linagay ko ang isang kamay ko sa bibig ko, tapos nagsalita ulit ako na hindi nakalagay ang kamay ko sa bibig ko. "I'm so sorry." Nakangisi kong sambit at may halong sarkasmo ang boses ko.
"Tumigil nga kayong dalawa, para kayong mga bata." Si Kuya Jerome na nakapokus nag atensyon sa kaniyang pinapanood.
"Tch. Killjoy." Pabulong kong sambit. Nagtama ang tingin namin ni Kuya Andrei at kita ko sa kanyang mga mata na nananakot ito. Inirapan ko lang siya at bin alingan ang isang tukmol.
"Marami akong beses na bumalik sa kuwarto mo para gisingin ka pero ang sambit mo. 'Mamaya na lang, hindi pa sumisikat ang araw.'" He said, imitating my voice and the sarcasm is also noted in his tone.
Bumaga ako sa hangin at umupo sa bakanteng espasyo sa sofa na inuupuan ng dalawa kong kuya. "Sorry dahil hindi kita binigyan ng oras para magpaliwanag." Wika ko.
Marahan na natawa si Kuya Andrei at ginulo ang buhok kong magulo na. "It's ok, Clarrise." Aniya at sinimulan kidilin ang leeg ko. "Hahaha. K-Kuya, ano ba?" At ako naman kinikiliti, nagpapakiliti.
"Now, there's our baby girl." Anito. Ang sweet ni kuya sa'kin. "Nahiya na ang langgam sa inyong dalawa, dinaig niyo pa ang mag-jowa." Puno ng sarkasmo at bakas sa boses ni Kuya Jerome na mapait ang boses niya.
'Bitter lang, ganun?'
Inirapan ko lang si kuya. Tapos ngayon ko lang naalala ang pakay ko sa kanila. "Kuya, lalabas muna'ko." Pagpaalam ko sa'kanya.
Ang masayang mukha ni Kuya ay biglang napalitan ng isang nagtatanong na mukha. Tumaas ang isang kilay niya. "Gabi na Clarrise, bakit, anong gagawin mo sa labas?" Tanong niya.
"Pupuntahan ko si Lucas sa kanila, may sasabihin lang ako--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inunahan niya ako.
"Hindi ba iyan puwede sa cellphone mo na lang sabihin?" He said almost in a monotone voice.
Narinig ko siyang bumuga sa hangin. "Clarrise naman, palagi na lang ba ikaw ang nag-aadjust sa sitwasyon."
"Kuya, gusto ko siyang makausap ng personal, meron lang kaming pag-uusapan, hindi kami bati simula pa kagabi."
Hinilot niya ang kanyang sentido at tumayo, tapos nagsalita. "Alam mo Clarrise, magsama kayo ng kaibigan mong si Lucas. Teka lang, parang hindi na nga magkaibigan ang pagtingin ko sa inyong dalawa, kung makaasta kayo, para na kayong mag-jowa eh." He said bitterly. Napailing-iling siya tapos naglakad papunta sa taas at marahas na sinira ang pinto ng kuwarto niya.
Mabuti na lang, wala pa dito sina Mama at Papa. Tinext niya'ko kanina nung nandon pa'ko sa bus. Sabi niya, meron daw silang pupuntahan ngayong gabi ni Papa.
Tinapik-tapik ni Kuya Jerome ang balikat ko. "Ok lang iyan, siguro stress lang si Kuya kaya ganun." Pagpapagaan niya ng loob sa'kin. "Don't worry, i will try to open a conversation with him." Anito tapos kumawala sa kanyang labi ang isang ngiti na nagsasaad na magiging maayos rin ito.
"I think, you should go to Lucas. Fix what you need to fix. At umuwi ka agad kapag tapos na ang pakay mo sa kanya." Tinanguan ko siya bilang pagsasang-ayon sa kanyang sinabi sa'kin. Hindi na'ko nagpaligoy-ligoy pa, inayos ko ang aking sarili at lumabas sa bahay tapos naglakad papunta sa bahay ni Lucas.
Nag-doorbell ako. Ilang segundo ang lumipas, bumukas ang pinto at linuwa iyon si Butler. "Magandang gabi po." Bati ko sa kaniya. Ginantihan niya ako ng ngiti. "Magandang gabi rin sa iyo, iha. Anong pakay mo iha?"
"Uhmmm, nasaan po si Lucas?"
"Ahh, si young master...wala po siya dito." Malungkot niyang sambit.
"Ho?"
"Simula nang dumating siya galing sa inyong field trip, nagbago ang awra niya, sa umaga, tinodo niya po ang pag-inom ng tequila tapos nang magising siya ngayong hapon, may pupuntahan daw siya. Hindi niya binanggit sa'kin." Parang binuod niya sa'kin ang nangyari ni Lucas nang nasa field trip pa'ko.
"Ganun po ba, sige salamat." Taposginantihan ko skiya ng ngiti. Ginantihan niya rin ako ng ngiti at sinara ang pinto.
Saan naman pupunta ang kumag na iyon? Napasabunot ako sa sariling buhok. May umilaw na bombilya sa utak ko at napagisipan kong pumunta sa convenience store ng village para bumili ng Chuckie.
Chuckie ang starter pack ko bago ako matutong uminom ng alak. Nakita ko kasi sa isang Facebook post ng isang bruhang memer. Ang starter pack raw sa mga gustong uminom ng beer o ano pa ay Yakult, Nestle Cream at Chuckie. At umandar ang katukmolan ko sa post na iyon, sinunod ko iyon at ang inumin na palagi kong binabalik-balikan ay Chuckie.
Tawagin niyo akong bata pero anong magagawa niyo? Chuckie! My chocolatey buddy! Pvcha! Ang sarap kong ilunod sa Pacific Ocean.
Tinahak ko ang daan patungo sa convenience store, malapit lang naman dito ang store. Siguro mga dalawang kanto lang.
...At nakarating na rin ako sa convenience store, pumasok ako at narinig ko ang tunog na nasa hospital at nagsabong 'welcome'. Pumunta ako sa beverage section kung saan nila linalagay ang mga inumin sa isang clear refrigerator. Hindi yung pambihirang refrigerator sa inyong mga tahanan. Hahaha.
Tapos nakita ko ang mga chuckie, kumuha ako agad ng apat na Chuckie. Itatago ko lang itong chuckie na'to baka kunin ng dalawa kong kumag na kuya. Akmang lalakad na ko papuntang counter nang may mabangga ako dahilan para mabitawan ko ang mga Chuckie na kinuha ko at mapaupo sa sahig.
"Aray." Napatingin ako sa mga chuckie na nasa sahig, thank God, hindi nag-spill o kung ano man.
"Oh shit, miss ok ka lang?"
Tiningnan ko ang pinangalingan ng boses. Namilog ang mga mata ko ng makita ang mukha niya. Nang makita niya rin ang pagmumukha ko, nagulat rin siya at nagsalita kami ng parehong tanong. "Anong ginagawa mo dito?!"
++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share. ++
- Lil_Kylie
BINABASA MO ANG
Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019
Teen FictionWARNING: THIS IS THE WRITER'S FIRST STORY. I WROTE THIS WHEN I WAS 13, SO EXPECT MANY GRAMMATICAL ERRORS AND WHATSOEVER ERRORS! (Tres Maria's Series #1) Clarisse Jean De Guzman Started: September, 06. 2018 Finished: May, 2. 2019 Language : Tagalog...