Chapter 9 : Ang Nakaraan...

255 4 1
                                    

Clarisse's POV

<0_0>

"I love her..."

Those words, it can't be...

Lucas is in love with me...

"Yes, I love her because she's my best friend and i will always be in her side, no matter what happens."

WTF?!

<=_=>

Nagassume na naman ako. Sa bagay, hindi naman akong kayang mahalin ni Lucas na bilang isang BABAE kasi ang turi niya sa akin ay BESTFRIEND.

"Hahahaha." Jake.

"Anong nakakatawa Dre?" ani Lucas.

"Kasi. Hahaha, si Lucas.. nadapa lang umiiyak na hahaha--"

"Gago, bata pa ko non..."

"Hahahaha."

Naghaharutan silang tatlo. Hindi kasama don si Adrian kasi napansin kong malamig siya. you know parang aircon ang kanyang peg.

Kasi hindi niya minsan nakikisama sa mga kalokohan ng kanyang kapwa ulupong at napansin ko rin na habang nagkukuwento ako, minsan nagtatama ang aming mga mata pero nauuna siyang umiiwas.

He's a mysterious guy.

"Oy! mahiya nga kayo, may babae dito" seryosong sabi ni Adrian.

"Tch. Ang killjoy mo brad," sabi ni Lance

"Tss..." Adrian hissed like a snake.

Hay naku, itong si Adrian mukha siyang gangster, based on my instincts Napansin ko ang porma niya na black eyeliner, black leather jacket na covered ng black graphic t-shirt, skinny ripped pants, black shoes at black cap.

Eh kung underwear kaya niya black rin?

Umayos sila ng upo ng dumating na ang order namin. Bongga! parang tataba ako dahil sa mga order nila. Ang rami, parang hindi pa sapat ang nakain ko kanina. Ang order nila ay pork steak, 1 platter of rice, chopsuey, salad and more.

Napansin ko rin na ang takaw nila at may kasama pang tawanan at asaran habang kaming dalawa naman ni Adrian ay  kumakain lang ng tahimik.

"Hoy, kumain nga kayo ng maayos."
Malamig na sabi ni Adrian kina Lance.

Hindi nagtagal, nagtanong si Lance sa akin

"Clarisse, may boyfriend ka na ba?"

Nabilaukan ako sa tanong ni Lance.

Kumuha si Lucas at Adrian ng tubig, akmang ibibigay nila sa'kin ang baso pero tinanggihan ko. Sa halip, kinuha ko ang cucumber juice para bongga!

Hindi ko kinibo ang dalawang binata at sinagot ang tanong ni Lance.
"Wala pa--" hindi ako pinatapos ni Lance kasi inunahan na niya ako. "Yes!! pwede bang manli--" hindi na natapos ang sasabihin ni Lance dahil inunahan naman siya ng kapwa-tukmol niya.

"Walang hiya ka, Lance." galit ang tono ni Lucas.

"Anu bang problema mo, Lucas?" Lance.

"Kasi hindi kita pwedeng mapagkatiwalaan kay Clarrise, masasaktan na naman siya at baka ibalik ko sa'yo ang karma sa pagbibiyak ng puso niya," seryosong sambit ni Lucas.

"Kaya kung ako sa'yo, maghanap ka na lang ng iba huwag lang si Clarrisse..."

"Per--"

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon