Chapter 41 : Hope

91 3 0
                                    


Clarisse's POV

"Oh shit, miss ok ka lang?"

Tiningnan ko ang pinangalingan ng boses. Namilog ang mga mata ko ng makita ang mukha niya. Nang makita niya ang pagmumukha ko, nagulat rin siya at nagsalita kami ng parehong tanong. "Anong ginagawa mo dito?!"

Napakamot siya sa sariling buhok habang ako naman ay umiwas sa tingin niya. This is awkward.

Binasag ko ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa, tumikhim ako at nagsalita. "Anong ginagawa mo dito?"

Binigyan niya ako ng ngiti. Sheytt ang gwapo! "Bibili kasi ako ng beer at chips dahil may inuman kami nina Adrian sa kanilang lugar." Aniya.

"Uhmmm. Lance, pwede ba magtanong?"

"What is it, beautiful?" Naramdaman kong namula ang pisngi ko sa huling salita na lumabas sa kanyang bibig. Inayos ko ang aking sarili at hindi binigyang-pansin ang sinabi ni Lance sa 'kin.

"Nakita mo ba si Lucas?" Namilog ang mga mata niya. "S-si Lucas?"

'Ayy, hindi si Lucian. Hindi pa ba uso sa'yo ang cotton buds?'

"Nasa bahay nina Adrian--"

Pinutol ko ang sunod na sasabihin niya. "Really?! Great! Sige, punta tayo kina Adrian." Sabi ko habang papalakad palapit sa pinto.

Wala akong naririnig na yabag kaya tumalikod ako at nakita kong kumakamot sa batok si Lance. "Uhmm, nakakalimutan mo na ang Chuckie mo?" Sambit niya.

"Oo nga pala." Bumalik ako sa kanya at tinulungan niya ko pulutin ang mga Chuckie na nasa sahig. "Salamat." Anito tapos nginitian ko siya. "You're welcome, just wait me at the counter...then, i'll take you to Lucas." He said and flashed a smile at me. Tinanguan ko lang siya at pumunta sa counter para bayarin ang apat na chuckie.

Lumipas ang ilang minuto at sabay kaming lumabas sa convenience store. Sumunod lang ako kay Lance hanggang sa huminto siya sa nakaparada na Cadillac sa parking lot ng convenience store.

"Wow! Nice car." I stated with amazement. He chuckled and mouthed. "Thanks."

Tapos binuksan niya ang pinto sa may katabi ng drayber. Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa binuksang pinto. "Hop in." Aniya.

I'm impressed, what a gentleman. "Thanks." At nang makaupo na 'ko, he closed the door and headed to the driver's seat.

Ini-start niya ang makina ng sasakyan at tinahak ang daan patungo sa destinasyon kung nasaan si Lucas.

_..._..._

Nakarating na rin kami sa bahay ni Adrian. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ni Lance at sumunod sa kanya patungo sa bahay. Nang makapasok kami sa loob, bumungad sa'min ang makalat na sala. Nagkakalat ang mga beer cans sa living room. There are also plastic wrappers and many more things that made the whole living room chaotic. Parang hindi na tao ang gumawa nito.

Lumingon silang lahat sa amin ni Lance dahilan para mamilog ang kanilang mga mata. Meron rin akong narinig na nahulog na beer in can sa sahig.

"C-Clarisse?" Nang marinig ko si Jake na magsalita, nabuhay ang utak ko kung ano ang pakay ko dito. Meron rin akong problemang aasikasuhin sa bahay at kailangan ko itong ayusin ngayon.

Tumikhim ako at tumingin kay Adrian. "Uhmm. Can i talk to Lucas...alone?" Nakita ko sa gilid ng aking mata na nagulat si Lucas sa aking sinabi pero agad niya itong binawi at tinungga ang isang beer in can.

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon