Nathan's Part
Kyle : Just another boring update. Mamaya putukan na, sigurado akong magiging masaya ito. Hahahaha. Umaandar na namna ang katukmolan ko, anyways enjoy!
Clarrise's POV
Time Check - 6 : 57 AM
Sabay-sabay kaming magkaklase na naglakad papunta sa parking lot ng hostel. Binilisan namin ang pagkain kahit mainit pa ng konti ang bulalo. Nakakahiya sa driver, sigurado akong naiinip na iyon sa kakahintay sa'min.
Nakita namin ang drayber ng bus na nakikipagusap. Pinta sa kanyang mukha na nagkakamabutihan sila. Nang magtama ang paningin namin, nag-paalam siya sa kanyang kausap at lumapit sa'min.
"Oh, may laman na ba ang mga tiyan niyo?" Tanong niya.
' Uhmmm. Opo, matagal na pong may laman ang tiyan ko, meron large intestines, atay , gall bladder at marami pang iba. Hay naku, Pilosopo! '
Matipid na tinanguan namin ang drayber. Kumawala sa kanyang labi ang isang ngiti. "Mabuti sige, mga iho't iha, pasok na kayo sa bus." Iminuwestra niya ang kanyang kaliwang kamay sa bus na sasakyan namin, sinundan naman namin ito.
Nang makapasok ako sa loob ng bus, agad akong pumuwesto kung saan ko gusto. Linagay ko ang backpack ko sa ilalim ng inuupuan ko. Nang bumalik ako sa upuan ko, nagtama ang mga mata namin ni Nathan.
"Can i sit here?" Tinutukoy niya ang bakanteng upuan sa tabi ko. Tinanguan ko siya at ginantihan ako ng malapad na ngiti.
Sumandal ako sa upuan. Kinuha ko ang aking earphones sa bulsa ng jeans ko at sinalpok ito sa tainga ko. I close my eyes and listen to the soothing sound in my ears. Even in a short period of time, i must relax my mind and stop focusing on things and situations that stresses me up.
_..._~•~•~•~ _..._
Nagising ang diwa ko pero nanatili pa rin akong nakapikit, dahan-dahan kong pinahina ang tunog ng musika na nakapikit, naramdaman ko kasi na may humahaplos sa buhok ko. Parang malapit siya sa mukha ko dahil nanaramdaman ko ang hiniga niya sa leeg ko. It gives shiver down to my spine.
"Clarrise, kung ako na lang sana, mamahalin kita hanggang kaya ko." Anito. "P-Pero anong magagawa ko, tinanggihan ako ng babaeng mahal ko." Malungkot niyang sambit.
"Well i-it's alright, hindi naman k-kita pipilitin na mahalin ako." He said while caressing my hair. "I understand, you just need to make room to love y-yourself first before loving anyone else." Makahulugan niyang sambit. "I'm not sure if we can ever rewrite our stars. Hindi kasi nakikisama si Tadhana sa plano ko, mukhang h-hindi talaga tayo para sa isa't-isa." He said almost broke. I can sense that he was about to cry.
"I hope you can find the one that you love and i will start to move on and try to accept your offer. I will start all over again." He sincerely said, even though it's too painful to say those words.
The timing was great because the driver announced that we had arrived on Nathan's residence. "Sige, hanggang dito na lang, Goodbye Clarrise. Be safe." He said and kissed my forehead.
Nang maramdaman ko na wala na ang presensya niya kahit nakapikit ako, binukas ko na ang aking mata. Nakita ko siya sa labas ng bus at kumakaway sa iba kong kaklase.
Pinikit ko ang aking mata para makita niya na tulog ako. Pagkalipas ng ilang segundo, binukas ko ulit ang aking mga mata at inisip ang mga salitang iniwan ni Nathan.
Hindi ko talaga inakala na malaki ang epekto sa kanya. Hindi pa siguro siya nakakaget-over kagabi. It really hurts in his side, kasalanan rin nitong magandang mukha ko at nakapang-akit ng chinito, Hahaha.
Pero seryoso, nagiging affected na rin ako. I think this is the first time he's been rejected by a girl, and sometimes the first times can be very traumatizing and inevitable. Kahit tinanggihan ko siya, naintindihan naman niya ang sitwasyon ko. Kailangan ko munang hanapin ang aking sarili bago mahalin ang isang tao.
Sinubukan ko rin naman mahalin si Nathan pero hindi talaga magbabago ang pagtingin ko sa kanya. Na-touch rin ako sa mga salita ni Nathan na hindi dapat natin pinipilit ang ating sarili na mahalin ang isang tao. I will always remind that to myself.
Sa ngayon, dapat ko muna alalahanin ang iba pang palaisipang misteryo na bumabagabag sa sistema ko, letse kasi itong puso ko, ang rami pang kailangan lutasin.
I was stopped by my train of thoughts when the bus stopped and announced that we had already arrived at the Rosewood Residence which is where half of my heart lived.
Kinuha ko ang aking bagahe sa ilalim ng upuan at tumayo sa pagkakaupo. Nagpaalam ako sa mga kaklase ko bago bumaba, akmang bibigay ako ng pasahe sa drayber nang sinenyasan ako na tumigil. "Binayaran na'to ng Dean iha, huwag ka nang bumayad. I hope you enjoy the ride." Magalang niyang sambit sa'kin. Ginantihan ko na lang siya ng matamis na ngiti at nag-thank you.
Bumaba na'ko sa bus at naglakad patungo sa terrace. Binuksan ko ang pinto at dinala ang aking bagahe sa taas. Walang buhay na linapag sa sahig ang backpack ko. Marahas ko rin na binagsak ang aking buong katawan sa kama ko.
Akmang pipikit na san ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko. "Hi, baby girl." Masigla nitong sambit sa'kin.
Umupo ako sa kama. "Ohh, bakit kuya?" Walang buhay kong sambit dahil na rin ito sa pagod at nararamdaman kong mabigat ang aking katawan ngayon, ewan ko kung bakit.
Umupo siya sa kama at inakbayan ako. "Kumain ka muna." Malambing niyang alok sa'kin. Nginitian ko siya. "Mamaya na lang kuya, pagod na pagod kasi ako ngayon. Gisingin niyo na lang ako mamaya."
Ginantihan niya rin ako ng isang malapad na ngiti tapos ginulo niya ang buhok ko. "Ok sige, baby girl. magpahinga ka muna diyan, halata kasi na pagod ka. Hindi mo lang napansin na nalaglag na pa la ang ilang panty sa backpack mo." Biro niya.
Kinuha ko ang pinakamalapit na unan at mabilis na binato sa kanya. "Yahhhh, alis ka nga diyan, lalo mong pinasasakit ang ulo ko." Nakaramdam na rin ako ng relief nang marinig kong sinira ni Kuya Andrei ang pinto.
Napagisipan ko na rin na puntahan si Lucas mamaya, gusto ko nga ngayon pero hindi ako hinahayaan ng sistema ko, parang may sinasabi siya na magpahinga muna'ko bago gawin ang gusto kong gawin ngayon.
At dahil masunurin akong bata, kinuha ko ang aking unan at pinikit ang aking mata, pinipilit ang aking sarili na matulog hanggang sa mahanap ko na ang daan patungo sa cloud nine.
Itutuloy...
Kyle : Happy New Year, mga mahal kong mambabasa. Sana naman po i-todo niyo na nag pagiging active sa 2019. Hahahaha. Lol.
++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share. ++
BINABASA MO ANG
Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019
Teen FictionWARNING: THIS IS THE WRITER'S FIRST STORY. I WROTE THIS WHEN I WAS 13, SO EXPECT MANY GRAMMATICAL ERRORS AND WHATSOEVER ERRORS! (Tres Maria's Series #1) Clarisse Jean De Guzman Started: September, 06. 2018 Finished: May, 2. 2019 Language : Tagalog...