Chapter 26

98 2 0
                                    

Adamson Youth Event (Day 3) Pt. 2

Clarrise's POV

After 123456789 hours of waiting...

Natapos na rin ang ginawa nina Kit at ang iba pang mga tagapagluto.

"Wow! mukhang masarap ang mga ginawa niyong putahe" puri ko at nginitian ko sila.

Napakamot ang iba sa kanilang mga batok habang ang iba naman ay ginantihan ako ng pilyong ngiti.

~~~~~~~

"Guys!!" pagkukuha ko sa kanilang atensyon "Kakain na tayo, halina kayo" paghihikayat ko sa kanila

"Wow! Sino ang nagluto? mukhang masarap ah!" masiglang sambit ni Nathan

"Ahh, sina Kit ang ang ibang tagapagluto ang gumawa ng mga pagkain" sagot ko sa tanong niya.

"Kit, ang galing mo talaga!" inakbayan ni Nathan si Kit at ginulo ang kanyang buhok "Mamayang gabi, ikaw na naman ang magluluto ha?" pabor ni Nathan

"Tch. Wala nang mamayang gabi dahil last day ng event" ani Kit "Aish. Uhmmm. Ahhh..." tumaas ang index finger ni Nathan "Alam ko na, gawin mo na lang kami ng Midnight Snack total hindi naman agad-agad matatapos ang event di ba Classmates?"

Matipid na tinanguan ng aking mga kaklase sumasang-ayon sa ideya na pumasok sa kokote niya.

"Hay naku Nathan, puro ka kalokohan. Kumain ka na nga, masarap pa naman ang linuto ni Kit." pagsisingit sa pag-uusap ng dalawa.

"Kitch ang sharap neman nichhoo, haw t bie you po?" biro ni Irish na puno ng pagkain ang bibig.

"Irish,huwag ka ngang magsalita na puno ang bibig mo, napagkamalan ka pang matakaw sa mga inaasta mo" sermon ko

"Masarap kasi ang pagkain, tikman mo kaya"

"Mamaya na lang ako kakain...teka nasaan pa la si Lucas?" tanong ko

"Di ko alam...Best" ani Irish

"Mmm. Pumunta ka kaya sa ihawan...baka nagpapahinga iyon" hula ni Kit

"Pwede rin Kit, bakas rin sa mukha ni Lucas na pagod siya" pagsasang-ayon ni Irish sa hula ni Kit.

"Sige, tingnan ko" tumango sila at pumunta na ako sa ihawan.

Nakita ko si Lucas nakahiga sa duyan. Mukhang malalim ang kanyang iniisip dahil malayo ng kanyang tinitingnan.

Akmang lalapit na ako sa kanya pero meron naunahan ako ng isang babae.

"Lucas, why are you alone?" tanong ng dalaga at umupo sa kandungan ni Lucas.

Nagbuntong-hininga si Lucas " It's nothing " walang ganang tugon ni Lucas

"Would you tell me what is wrong Lucas? You look--"

hindi na napigilan ni Lucas at napatayo siya at napaupo sa damo ang babae "I said it's nothing, it's none of your business!" inis na sigaw niya sa dalaga.

Mukhang natakot ang dalaga at tumungo na lang siya. Nagbuntong-hininga si Lucas at hinawakan ang balikat ng dalaga.

"Hey Lily, look at m--" Hindi natapos ang sasabihin ni Lucas dahil sinampal siya sa mukha.

"Fvck, what was that for? Ang sakit tang*na" ani Lucas hawak ang kanyang
pisngi na namumula. Mukhang napalakas ang sampal.

"We just met last night and you don't remember my name, it's Emily...not Lily.
You asshole. I hate you" nagmartsa ang babae palayo at pinta sa kanyang mukha na inis rin siya dahil hindi tama ang pagkasabi ni Lucas.

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon