Chapter 51 : End Of Our Friendship?!

122 2 0
                                    

Clarisse's POV

"And...we're here." Paalala ni Nathan sa'kin at hininto ang kotse.

Tumingin ako sa bintana at hindi ko napansin na nakarating na kami sa bahay.

I released a heavy breath before stepping out on the car. Lumabas rin si Nathan sa kotse na may ngiti na nakaukit sa kanyang labi.

Sana...maging tulad ako ni Nathan. May ngiti pa rin sa labi kahit nasaktan na.

Even though it hurts in the inside, you can still find a way to hide all your emotions in the outside...so that they can't see the pain that you have been feeling.

'Shit! Iba talaga kapag rineject ka ng bestfriend mo....'

Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Thank you for driving me home." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"You're welcome." Tugon niya.

Parang may sariling isip ang aking mga paa at lumapit ako kay Nathan tapos siniil ko sa isang mainit na yakap. Yinakap niya rin ako pabalik.

"Haist, kung ikaw na lang sana ang pinana ni Kupido...hindi na'ko masasaktan pa ng ganito." Ani ko sa kanyang polo pero alam kong narinig niya iyon.

Marahan siyang natawa sa aking sinabi. "Hmm, sana nga..." Aniya.

"Pero m-mahirap," Iwasan mong mautal! Damn it! "M-mahirap alisin ang pana sa puso ko, nagpa-EO siguro si Kupido dahil perpekto ang pagkakapana sa puso ko..."

Kumalas ako sa pagkakayakap at bumuga ng malalim na buntong-hininga. "At mahirap tanggalin ang pana dito sa puso ko," kinagat ko ang ibabang labi ko. "Punyeta k-kasi," Mura ko tapos lumabas ang mga luha sa mata ko.

Yinakap ako ni Nathan at agad ko rin siyang yinakapan ng mahigpit. Kailangan ko'to. Kailangan 'to ng puso ko.

"Kung kaya ko lang mapawi sa isang yakap lang ang sakit na nararamdaman mo, sana masaya ka na ngayon."

"Sana ikaw na lang ang pinana ni Kupido...Sana ikaw na lang ang minahal ko para hindi na'ko nasasaktan ng g-ganito." Nang mailuwa ko ang huling kataga, nabasag ang boses ko. Hindi ko na lang namalayan na basang-basa na ang polo ni Nathan.

"There, there." Anang Nathan habang hinahagod ang likod ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Ok ka na?" Tanong ni Nathan. Pilit akong ngumiti. "M-medyo."

"You know what..hindi dapat minamadali ang pag-ibig," tama si Nathan, "tandaan mo iyan, dadating ang taong nagmamahal sa'yo, dadating siya sa tamang panahon."

He look into my eyes. "Good things will come into the right time." He reminded me.

"Mas maganda ka tingnan kapag may nakaukit na ngiti sa labi mo." Aniya. "Sige na, smile ka na," anang Nathan na parang bata na pinipilit ang kanyang ina na bumili ng kendi.

Dahil good girl ako, ngumiti ako ng matamis. Ngumiti rin siya at muling lumabas ang mga dimples sa kanyang pisngi.

"Umuwi ka na sa inyo." I said politely.

"Pinagtataboy mo ba'ko?" Anang Nathan na parang bata na ninakawan ng laruan.

"Hindi, loko." Ani ko. "Gabi na, baka hinahanap ka na ng magulang mo."

"Ok lang. Nagpaalam naman ako sa kanila."

Kapagkuwan ay humikab ako, hudyat na malapit na'kong dalawin ng antok. "Gosh!"

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon