Chapter 64 : Everything Is Going To Be Alright

137 1 0
                                    

Hi! Sorry if this is chapter is lame. Nag-enjoy kasi ako sa wild vacation namin sa isla. I also want you to know that this chapter is not edited so you will encounter many errors. I'm so tired and i need a break. Sana maintindihan niyo. Babawi na lang po ako sa susunod. Thank you and happy reading! :)


_..._..._

Clarisse's POV

📍 At My House

"Babe," Tawag ko kay Lucas. "Hmmm?" Humimig lang siya biglang tugon habang ang mga mata niya ay nakatuon sa screen ng cellphone niya.

"Saan mo nilagay ang mga donuts na inorder natin sa Krispy Kreme?" Tanong ko sa maamong boses. Yung sweet.

"Nasa refrigerator." Tugon niya na abala sa pagkakalikot ng kanyang cellphone.

Tumaas ang isang kilay ko. Hindi na man niya lang ako tinapunan ng tingin.

Huminga ako ng malalim at tumungo sa refrigerator para kunin ang inorder na donuts.

Mas mabuti pa 'to, tataba pa 'ko.

Huwag kayo, chubby is the new sexy.

Nagbalik-tanaw ang utak ko sa nangyari doon sa mall. I felt bad for myself. Dapat hindi ko na iyon ginawa kay Claire.

Ok lang kung mag-uusap kami ng mahina hon. Haist, nadala lang sigurado ako sa selos.

Bumuga ako ng marahas na buntong-hininga. Nang pumasok sa isip ko ang nangyari, nawalan ako ng ganang kumain.

Bumalik na lang ako sa sala. Hindi ako makapaniwala na kaharap niya uli ang cellphone niya. At napasinghap ko na seryoso siyang nakatingin.

Na-curious ako. Ano kaya ang dahilan kung bakit nakatingin siya ng matiim sa screen ng cellphone niya?

May hinala ako. Baka nanunood siya ng porn!

Napailing ako sa aking iniisip. Umaandar na naman ang katukmolan ko. Tinawag ko ulit siya sa aming tawagan. "Babe,"

"Yes Babe?" Masigla niyang tugon pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Ano bang meron diyan sa phone mo?" Usisa ko.

May dumaan muna ng angel bago niya sinagot ang tanong ko. "Nothing important." Matipid niyang tugon.

Lihim akong umirap sa hangin. Parang may tinatago ang boyfriend ko sa 'kin.

'Di bale, pagoobserbahan ko lang siya ng mabuti. I'm just going to enjoy the little things as time pass by.

~>~>~>~>

Nababagot na 'ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na 'kong nakatitig sa gwapong mukha ng boyfriend ko.

Hindi na siya nakakaramdam ng sakit sa ulo o anuman kapag nakatitig siya sa phone niya.

Napasin ko na ngumingiti siya at minsan may pahampas-hampas pa sa balikat. Napapaismid ako sa inaasal niya.

Minsan, tumatawa siya ng malakas. At ginugulo niya pa 'ko. Ok lang ba siya?

Akmang sisitahin ko si Lucas ng tumunog ang kanyang cellphone. Nagbago ang ekspresyon ng ka lang mukha. Naging seryoso na.

Tumayo siya. Tiningnan niya ako. Salamat at binalingan mo rin ang isang dyosa! Ani ko sa aking isip.

"Babe, sasagutin ko lang ang tawag na 'to. Mabilis lang."

Matipid ko siyang tinanguan at tuluyan na siyang lumabas sa bahay namin.

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon