Chapter 38

74 3 0
                                    

When He Was Gone...

Clarrise's POV

"Aray! Ang sakit!" Nathan hissed in pain.

"Huwag ka ngang malikot, gusto mo bang maimpeksyon ito?"

Umiling siya. "Mabuti." Binalingan ko ng atensyon ang kanyang sugat sa labi. 

Iba rin kasi itong makasuntok si Lucas...at natapos na rin ang pagtlinis ng sugat niya sa labi, baka kasi maimpeksiyon...wala na siyang mahahalikan. 

At biglang pumasok sa utak ko ang nangyari kanina, tiningnan ko si Nathan at mabilis na pinisil ang kaniyang tainga.

"ARAY!" 

"Tukmol ka rin noh, bakit mo ko hinalikan kanina?"

Hinawakan niya ang kamay na nasa tainga ko at tinanggal ito. "Nag-enjoy ka naman." Sambit niya at kinindatan ako.

"Tch. Sabik ka lang sa labi ko." Pagbibiro ko.

Lumapit siya sa'kin. "Oo. Sabik na sabik sa'yo." He said in his husky voice.

Sinuntok ko siya ng mahina sa tiyan niya. "Ouch! Para saan iyon?"

"Para yan sa kalandian mo, letse ka." 

Minasahe ko ang sentido ko. Nasaan na pala si Lucas? Hay naku.

"Psst, Nathan, hanapin natin si Lucas." Tinanguan niya'ko. '

"Pero nasaan siya?" Si Nathan na hindi ginagamit ang ulo.

Binatukan ko siya. "Ulol ka ba? Diba sabi ko, hahanapin natin si Lucas." Walang magawa si Nathan kundi mapakamot sa sariling buhok.

Pumunta kami sa camping site kung saan nagtipon-tipon ang iba pa namin na kaklase. Nang makarating kami, linibot ng aking mga mata ang buong paligid pero hindi ko makita ni anino ni Lucas. 

"Guys, nakita niyo ba si Lucas?" Tanong ni Nathan.

"Nope."

"Wala eh."

Napakamot ako sa sariling buhok. "Ganun ba, sige salamat. Enjoy the night." Sinenyasan ko si Nathan na lumapit sa'kin. Sabay kaming dalawa na bumalik sa tinutuluyan naming kuwarto. 

Parang walang buhay na binaon ko sa kama ang katawan ko. Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang noo ko, hindi pa rin tumitigil sa kakaisip kung nasaan ang kumag kong bestfriend. 

Ano kaya ang rason kung bakit siya nag-walk out at hindi na nagparamdam? Hindi talaga ako titigil kapag hindi namin maayos ito, sanay kasi kami na kapag may maliit na tampuhan, agad kami magbabati. Pero ngayon naging anxious ako sa mga sunod na mga mangyayari...

Napafacepalm ako dahil  nag-ooverthink na naman ako. Anong nangyayaarin sa'kin? Why am i behaving like this? Bakit ang laman ng mga iniisip ko ay si Lucas palagi? Is this what we called the mysterious feeling? The mysterious feeling that has already entered my treacherous heart and chaotic mind?

"Hey Clarrise, ok ka lang?" Tanong ni Nathan. 

I flashed an assuring smile and said. "Mmm. Ok lang ako."

"Bukas na lang natin ipagpatuloy ang paghanap kay Lucas. I'm sure he's alright." Pagpapagaan ng loob ni Nathan sa'kin. 

"Yeah. I'm just worried about him." I anxiously said.

Narinig kong bumuntong-hininga si Nathan. "Ganyan ba talaga kayo ka-close sa isa't-isa?"

Tumingala ako sa kanya at tumango. "Yes. We are very close to each other since we were toddlers."

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon