Chapter 57: She's Mine and Mine Alone!

134 3 0
                                    

Clarisse's POV

"Tch! Pinatulan ka lang ni Lucas dahil may boobs ka." What the fvck?!

Inirapan ko na lang siya.

"Oo. Meron akong boobs. Hindi tulad ng iba diyan." Tumaas ang sulok ng mga labi ko. "Chopping board ang katawan."

Mapait siyang natawa sa sinabi ko. "Funny."

Mukhang na-trigger ang loka. Hindi na umimik. Phew!

Don't you ever mess around with Clarisse.

Kapagkuwan ay bumalik si Irish sa pagsusulat.

Bagot na bagot na ako dito! Wala akong magawa. Sinapian kasi ako ngayon ng kasipagan kaya natapos ko agad ang mga gawain ko.

Kung nandito lang sana si boyfie...

Wala sa sariling tumingin ako sa mga pastries sa cafe.

Naramdaman kong nanubig ang aking bibig at kuminang ang aking mga mata.

Shit! I want some. I'm craving for it!

Kinuha ko ang atensyon ni Irish. "Best," tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" nakatuon ang kanyang paningin sa kanyang sinusulat.

"Punta lang ako sa counter. Meron lang akong i-oorder."

"Ok." Matipid niyang tugon.

"May gusto ka bang kainin ngayon? Ako na lang ang oorder para sa iyo."

"Wala naman. I'm good. Thank you." Aniya.

Tumayo ako at tumungo sa mga pastries na nasa loob ng isang salamin. Para makita ng customer yung gusto nilang pastry.

This is what i called heaven on earth. Pastries and cakes are the best!

Oh my god! Parang tutulo na ang laway ko.

"Miss," tawag ng isang nakangiting crew member na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Uhmm. Magkano po ba sila?" Tinutukoy ko ang vanilla cream puffs.

"150 pesos po."

"Miss, is there anything you want?" Tanong niya.

Dumako ang paningin ko sa assorted na macarons.  "Ahh, miss, ito pa po."

"Ilan po?" Magalang niyang tanong.

"Lima lang." Tugon ko. 

Binigyan ko siya ng 300 peso bill. Gusto ko sana bumili ng isang dozen pero hindi ko na lang pinush ang ideyang iyon. Mahal yung isang macaron. Umaabot sa 8 hanggang 10. Sayang ang pera ko. 

"Thank you, Ma'am. Hope you enjoy your pastries." Aniya na nakangiti at binigay sa akin ang sukli.

Ginantihan ko na rin ang babae ng ngiti.

Parang may sariling isip ang aking mata at tumingin uli sa mga pastry sa loob ng salamin. At sa hindi inaasahan pagkakataon, namilog ang mata ko nang makita ko ang isang singkit na binata.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. Nang magtama ang paningin namin, kumawala sa kanyang labi ang isang matamis na ngiti, sabay na rin naglabasan ang mga dimples niya. 

At hindi ko rin maiwasan tumingin sa kanyang mga mata. Ewan ko dito sa chinitong nasa harapan ko kung nakapikit ba siya o ano.

Iyan ang problema ko sa mga singkit...

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon