Chapter 35 : Educational Field Trip (Day 1)

81 3 0
                                    

Clarisse's POV

Mukhang nakisama ang oras at naging mabilis ang ikot nito. Sa wakas, martes na naman ulit at alam niyo na iyon...Today is the field trip!

Gosh! I'm so eggzooiteed! Kasalukuyan akong nasa terrace. Sabi raw ng head teacher namin na may bus service kami. Tiningnan ko ang aking dalang bagahe kung may nakakalimutan ako total wala pa naman ang service namin.

Naging mabilis ang mga kilos ko. Nang matapos kung mag-tsek ng aking bagahe, nakita ko sa hindi kalayuan ang bus. Huminto ito sa tapat ng bahay ni Lucas.

Nakita ko si Lucas na may dalang dalawang backpack. Ang backpack na nakasabit sa kaliwang balikat niya ay karaniwang ginagamit niya sa mga paligsahan habang ang isang backpack na nasa kanan balikat niya ay hindi pa pamilyar sa mga ginagamit niya, mukhang bago.

'Oo nga, bagong-bago pa, meron pa kasing price tag. Wow! Binili pa la niya sa Surplus! Ang yemen!'

I came back to my senses. Hindi ko namalayan na nasa tapat na ng bahay namin ang bus. Sinabit ko sa kaliwang balikat ang aking backpack.

Sinenyasan ko ang driver na hintayin muna ako. Matipid na tinanguan niya ako. Hinalikan ko sa pisngi si Mama at yinakap si Kuya Jerome.

Bago ako pumasok sa transportasyon na sasakyan namin, kumaway ako kina Mama at kuya. Pagkapasok ko sa bus, binati agad ako ng mga kaklase ko.

"Hi Clarisse!" bati ni Jiselle.

"Morning, Clarisse!" si Cavill.

"Hi, Best!!" masiglang bati ni Irish.

"Hey, Clarisse," ani Lucas. Ewan pero parang may sariling isip ang labi ko at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

He deeply chuckled where i find it so manly. Agad naman siyang nakabawi at ginantihan niya rin ako ng ngiti.

Inokupa ko ang bakanteng upuan sa may bintana sapagkat diyan ang paborito kong upuan kapag sumasakay ako ng bus. Nagbigay ng espasyo si Lucas para ako makaupo sa unahan.

Since this is going to be a very long trip, i leaned at my seat and get my earplugs in my backpack. I put it on my ears and listen to the soothing music as i track my way to cloud nine.

_..._~•~•~•_..._

I was awakened when i feel that someone is caressing my hair in a gentle way. I opened my eyes and the first one i saw is Lucas. He flashed a smile at me. "Nandito na tayo." He said.

Nag-inat muna ako bago ko kinuha ang aking bagahe. Pagkababa ko ng bus, sumalubong sa 'kin ang malamig na simoy ng hangin.

The cool breeze that sends shiver into my skin. My long hair was blown by the wind and i feel like the wind is murmuring in my ears.

"Guys! Kain muna tayo!" panghihikayat ni Andrew sa 'min. Lahat kami sumang-ayon sa suhestiyon ni Andrew.

Gumawa kami ng apat na pangkat. Bawat pangkat ay bumubuo ng limang miyembro. Ang mga kasama ko ay sina Cavill, Irish, Nathan at Lucas. Ito na rin ang permanenteng pangkat kapag meron group activity o ano pa.

Masakit sa bangs kapag palaging may pangkatang-gawain at palaging bago ang mga miyembro ng pangkat mo. 

Naghanap kami ng bakanteng lamesa na sakto sa aming lima. Cavill and Nathan insisted to get our orders. Sinabi ko sa kanila ang aking gusto. Hindi naman marami ang tao kaya mabilis lang nila makuha ang pagkain.

_..._~•~•~•_..._

Nandito kaming lahat ngayon sa Goodbye Virgin Hostel. The place where we going to rest for the next days.

Kaming lima ang matutulog sa iisang kuwarto. Nagsponsor kasi si Dean at head teacher ng unibersidad namin ang room. Isa daw rin itong munting regalo ni Dean para sa'min dahil sa aming nasungkit na parangal sa nangyaring youth event kamakailan.

Mag-eenjoy rin ako dito dahil marami kang pwedeng gawin dito. Una sa lahat, malaki ang espasyo ng mga kwarto. Just like the most finest suites. Pangalawa, meron dito resto bar. Pangatlo, may bakanteng espasyo para sa mga outdoor activities at panghuli, malapit lang ang hostel sa dagat.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jeans ko. I captured many pictures as i can in different angles.

"Guys, picture tayo!" panghihikayat ko sa apat na kasama ko. Nakisama sila sa'kin.

I changed my phone into selfie mode and landscape it for wide area so that all of us will be captured.

"Ok...1...2...3..."

*CLICK*

Marami akong kinuha na mga groupie pics. I browsed the photos and i saw many stolen pictures that made me laugh. Good pictures that can made me smile because it shows how beautiful and handsome we are.

"Best, kayo naman ni Lucas." Si Irish. Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil inagaw niya ang phone ko.

Bumuntong-hininga ako. Tiningnan ko si Lucas. Mukha siyang timang dahil todo ang ngiti niya sa 'kin simula ng dumating kami dito.

'Ano kaya ang nakain nitong kumag na'to?'

Nakisama ako sa trip ni Irish. Lumapit ako kay Lucas. Marami ang kinuha ni Irish na pictures namin dalawa. Sa kalagitnaan ng pagkuha niya ng aming litrato, hindi ko inaasahan na aakbayin ako ni Lucas.

Mariin akong napangiti at eksaktong saktong lang na nakuha ni Irish ang anggulo na iyon. Agad lumapit si Lucas at kinuha ang phone ko na hinahawakan ni Irish.

Nang makita niya ang mga litrato sa cellphone ko. Gumuhit sa kanyang labi ang isang matamis na ngiti, kasama niya rin pinakita ang mga dimples na dumadagdag sa kagwapuhan niya.

Pang may sariling isip ang labi ko at gumuhit rin ito ng isang ngiti. There is also something in my system that is giving me unknown feelings which i can't explain...

Hindi ko na lang binigyang pansin ang kakaibang nararamdaman ko. Hindi nagtagal, naging malamig ang simoy ng hangin.

Kinombinsi ko silang apat na bumalik sa Hostel. Sumang-ayon silang apat sa'kin, sabay-sabay kaming lima na naglakad pabalik sa tinutuluyan namin.


++ Thank you for reading this chapter. Don't forget to vote, comment and share. ++

---

Lil_Kylie

Tres Maria's #1: The Time I've Loved You (COMPLETED) #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon