Una [Karugtong ng Huli]

570 19 8
                                    

"Stop it Dex, I'm not your girlfriend. Call her, you called the wrong person."

Lasing na siya. Iba na kasi ang mga sinasabi niya. Madalas niyang gawin 'to. Tatawag sa'kin. Kakausapin ako na parang ako 'yong girlfriend. Pero sa ganitong mga salita din matatapos ang usapan namin. Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng tiyagang kausapin o asikasuhin ang isang taong lasing. Iisa lang ang kaya ng pasensiya ko, si Papa.

Ako si Jillian Pineda. Isang journalist. Limang taon na akong nagtatrabaho sa isang online newspaper, dalawang taon na rin bilang isang photographer ng magazine na pag-aari rin ng kumpanyang pinagsusulatan ko.

Maliban dito, contributor din ako sa magazine ni Dex, isang lifestyle magazine. Papasukin ko na rin ang businessdahil nagkasundo kami ni Dex sa pagpapatayo ng isang resto.

Si Dex, isa sa mga masasabi kong kaibigan na naging instant kuya, tatay,driver, at madalas tagapagtanggol ko.

Kasing tanda ko lang din siya, 26 pero kung umasta parang bente lang, minsan naman akala mo kung sinong matanda na. Hindi ko siya bestfriend. May nakakuha na kasi ng titulong 'yon. Hindi naman na mahalaga 'yong lebel at label ng pagkakaibigan basta ang importante alam mong maaasahan mo sila sa panahong kailangan mo man sila o hindi.

Isa rin siya sa mga taong parte ng budget ko kapag sweldo na, isa siya sa mga kasalo sa maingay na salu-salo sa bahay ng isa sa barkada, isa siya sa mga bibihirang tao na magyayayang manood ng sine sa madaling araw, higit sa lahat, isa siya sa mga taong pinagkakautangan ko ng lakas ng loob.

Matangkad, gwapo, at bahagyang matipuno, may biloy kapag ngumiti, maginoo, seryoso pero kengkoy si Dex.

May talento rin siya sa pagkanta. Siya 'yong perpektong lalaki na kababaliwan ng mga babae kaya nga nakuha niya si Cass e.


GambleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon