Si Cass, ibang-iba na siya ngayon kumpara roon sa babaeng nakilala ko halos isang dekada na ang nakalipas.
Nanatili siyang maganda at mabuting tao. Nilagpasan niya pa nga ang mga inaasahan namin sa kanya.
Matalino, maabilidad at siya na siguro ang pinakamahinhin na babaeng nakilala ko.
Nag-iisa lang ang minaha niya buong buhay niya at si Dex iyon.
"Si Dex?" tanong ng kasama ko, si Paul. Tumango ako sa harapan ng nagtataka niyang titig.
"Bakit? What's wrong?"
"Wala, he just dated another bottle of alcohol again."
"And?"
Nabitawan ko 'yong mga karga karga kong kahon na hindi ko malaman kung ano, nasa harapan kami ng isang shop dis oras ng gabi para daanan ang mga materyales na kakailanganin para sa pagbubukas ng resto sa susunod na buwan.
Dahil mabuting arkitekto itong si Paulo Enriquez, sinamahan niya ako hanggang dito para sa mga materyales na 'to, mga kubyertos yata at mga pinggan. Napakalayo pa nito sa bahay. Bakit ba naman kasi malapit sa Antipolo pa umorder 'tong si Dex. Sakit sa ulo talaga.
"Sorry," sabi ko habang sinusubukang buhatin ulit 'yong mga kahon.
"Ako na," pigil ni Paul.
"I swear to God, Dexter Gumabao, you'll cry to death while you try to vommit on your toilet and die one more time with your hang-over tomorrow morning!"
"I'm too exhausted, too sleepy but here I am stuck in this place," reklamo ko.
"Hey, you curse too much," sulpot ni Paul. Naisakay niya na pala lahat 'yong mga kahon.
"So that you can put all of them just when I finish cursing him," paliwanag ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan ni Paul.
"Mean," sabi niya habang ngumingiti. Sa loob, loob ko natawa na lang ako sa sarili ko. 'Yong ngiti niya hindi natanggal hanggang sa pagpasok niya at pag-upo niya sa harapan ng manibela.
"Why are you smiling like a dog?" tanong ko.
"Just wandering how much you cursed me few years back," sinasabi niya ng nakangiti pa rin at nakatingin sa'kin.
"I didn't, if that's what you wanted to know," seryoso kong sagot.
"Wow, thank you."
"I just dreamed of you being slaugthere to death with my own bare hands."
"I'm glad you turned not to be a killer but a total witch."
"Ha-ha! I might be sleeping for the next hour, good luck to you."
"Okay, then let's fly now."
Pinaandar niya ang sasakyan pero sandaling tumigil. Inunat niya ang kamay niya, papunta sa direksiyon ng kanang balikat ko, nagmistula akong blankong papel sa ginagawa niya, hinila niya ang seatbelt ko saka ko napansing hindi ko pala iyon naikabit.
"I don't need this," sabi ko habang hawak-hawak 'yong belt na nasa harapan ko, "I'm a witch anyway, I can fly without this." Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Katulad ng dati.
--
Dating gawi guys, please vote, comment, and share. Thank you so much :)
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...