Hinatid ko na agad si Mama at nagpaalam na dahil papasok pa ako sa trabaho. Bago ko marating ang sasakyan ko sa tapat ng bahay, tumunog ang cellphone ko.
"Dex!"
"Updates? Reports? How's it going?"
"That Baguio thing?"
"Yes, may istorya na?"
"Tatawagan kita kapag meron na, papasok na ko sa trabaho. Bye. I'll make it before the deadline Dex, don't worry."
"Okay. Bye. You take care of yourself."
Tinapos ko na rin akaagad ang tawag. Sa totoo lang, sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung pa'no ko isisingit ang pagpunta sa Baguio. Inisip ko na lang, ito naman ang gusto kong trabaho e, bakit ako magrereklamo?
Sabado ng umaga, may dumating na naman na mga rosas. Nasanay na yata ako sa mga misteryosong rosas dahil hindi na ako nag-aabalang bumili.
"Have a nice weekend." Ang sabi sa note. Habang tumatagal nakakatakot pero kabaligtaran ang nararamdaman ko, habang tumatagal nawawala ang takot ko.
Nagmadali na akong umalis ng bahay dahil dadaan pa akong resto, pagtapos pupunta ako kina Mama, at sa hapon may coverage ako. 'Yong deadline naman sa istorya sa Baguio sa suunod na linggo na. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin kaya wala sa sarili ko na lang na dinampot ang camera ko.
"Mama, punta tayong Baguio," sinubukan kong yayain si Mama.
"Baguio? Bakit?"
"E istorya. Hindi ko nga alam kung pa'no ko isisingit e."
"Hindi mo pa pala alam, at saka hindi ako pwede anak marami akong inaayos."
"Hindi pa ba kayo magreresign sa trabaho ninyo?"
"Hindi pa, Jill. Kaya ko pang magtrabaho 'no."
"Kaya ko rin namang magtrabaho para sa inyo."
"Hay naku, ito na naman tayo Jillian. E 'yang pagpunta mo nga sa Baguio nahihirapan ka na."
"Ma, hindi ako nahihirapan, kinukulang lang ako sa oras."
"Oras, exactly anak. Bitawan mo na kasi ang isa sa mga trabaho mo para makapagboyfriend ka na."
"Naku Mama, aalis na ko. Salamat sa lunch may coverage pa ako. Kapag hindi na ako nakadaan mamaya baka nasa Baguio na ako," pabiro kong paalam kay Mama habang dinadampot ang bag ko at nagmamadaling paalis para iwasan ang usaping pagbo-boyfriend.
Maagang natapos ang game dahil tambakan, pagkasulat at pagkasend ko ng unang istorya, dumating si Raffy, iniwan ko na siya. Siya na lang ang bahala. Nagpaalam na ako at walang kaplanu-plano kong pinuntahan ang sasakyan ko.
Bago pa ako magsimulang magmaneho ay tumunog ang cellphone ko.
"Jill," banggit ng kabilang linya.
"Yes."
"Nasa'n ka?"
"Paalis."
"Saan ka pupunta?"
"I'm not sure, sa Baguio siguro."
"Baguio? Ngayon na?"
"Oo, sana. Bakit ba?"
"Sama ako."
"Ha? Bakit?"
"May kailangan akong gamitin do'n. Tara?"
'Yong dating ng tanong ni Paul parang sa Cubao lang nag-aaya.
"Ano? Teka nga, nasa'n ka ba?"
"Okay, listen, bumalik ka ng bahay ninyo, sa bahay ninyo ha para safe 'yang sasakyan mo. Iwan mo sasakyan mo do'n, I'll pick you up there," tila pinal na niyang plano.
"Ano?"
"Do as I said."
"Okay," hindi ko alam kung bakit ako pumayag.
--
"Teka nga, bakit bigla bigla kang nagyayaya pa Baguio?"
"Weekend getaway," seryoso niyang sagot.
"Ha?"
"Ganito 'yan, I heard that you're having a hard time scheduling your Baguio trip, kilala kita hangga't walang nag-iinitiate sa'yo na gawin na ang isang bagay hahayaan mo lang sa lagay na 'bahala na'."
"Oh?"
"And the worse kung hindi ako nagyaya isasantabi mo na naman."
"Excuse me, pupunta talaga ako."
"Pero hindi ka pa sure."
"E ikaw bakit biglaan kang nagyayaya sa Baguio?"
"That's not a very good question."
"Really?"
"I'm going to spend a pledge prize that I haven't used for years."
"Pledge prize?"
"You'll see."
--
Guys, share me your thoughts please. :)
Keep reading, voting, leaving comments, sharing and loving this. Thank you :)
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...