Kasama ni Dan ang boyfriend niya, si Gabby. Huling taon na ni Dan sa kolehiyo, HRM ang kinukuha. Mabait naman siyang bata at matalino katulad ng kuya niya, hindi nagpapabaya sa pag-aaral kaya pinayagan na makipagboyfriend.
"Ate Jill!" patakbo siyang lumapit sa'kin at niyakap ako nang mahigpit.
"Wow, buti nandito ka, kaya ka pala tumawag!" Parang napakatagal naming hindi nagkita sa inasal niya.
"Dan, be gentle, di ako makahinga," sabi ko.
"Oh, sorry. Na-miss lang kita, parang ang tagal na nating hindi nagkikita, ate!" depensa niya.
Ako naman, ngumingiti na lang. Itinuring ko nang nakababatang kapatid si Dan. Na-miss ko rin naman siya pero hindi katuald kung paano siya sa'kin.
"Hi Gabby!" bati ko sa nobyo niya.
"Hi ate Jill, kumusta?"aniya.
"Ito, naghahanap ng makakausap," hindi na ako nakapagsinungaling. Kapag nagkikita kami nitong mga 'to, wala silang ibang ginagawa kundi makinig lang nang makinig sa mga kuwento ko.
"Sakto," ani Gabby. "Kuya!" pagkakuwan ay baling niya kay Paul.
"Oy, di pa tayo close!" palag naman ni Paul bago lapitan si Dan para yakapin.
May mga dalang pagkain at inumin pa ang dalawa. Huwag naman sana lasingan ang kahantungan nito.
"Kuya! Wine?" alok ni Dan.
"Sure," sang-ayon ni Paul.
"Di ba allergic ka sa diyan?" tanong ko.
"Kaya nga may tag line na drink moderately 'di ba?" katwiran niya.
Tinanguan ko na lang iyon.
"Pero hindi dapat ako malasing dahil nasa bahay ko kayo, baka kung ano pang mangyari ilang araw pa lang 'to," saad niya.
"Kuya hindi naman kami wild, 'tsaka malinis ang record niyan ni ate Jill," paliwanag ni Dan.
"Ha? Teka bakit ako? Kayo na lang uminom. May coverage ako bukas," pag-iwas ko.
"Wag kj ate Jill!" gatong pa ni Gabby. Nakangiti lang si Paul.
"Ha? Bakit ako? Kayo na lang," hindi pa ako nakakainom, paulit-ulit na 'ko.
Habang sinisisi ko ang sarili ko sa pagpunta rito, nakalapag na ang alak sa mesa may kasama pang mga ubas.
"Seryoso kayo diyan sa grapes? Ano 'to redundancy?" paano ba naman kasi may fermented grapes na nga may prutas pa.
Umupo ako sa dulo ng sopa na siyang kinauupuan din ni Paul. Naukopahan na kasi ni Gabby at Dan 'yong magkabilang upuan. Kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na hindi ako malalasing.
"Kuya ilipat mo! May game ang Purefoods ngayon. Kuya PBA tayo, dali na!" tila supling na pagmamakaawa ni Dan sa kuya niya. Si Dan nga pala ang mahilig manood ng PBA, pareho kami.
"Ayoko!" Australian Open na lang tayo," tanggi ni Paul.
"Kuya please."
"Oh sige, ililipat ko pero magbreak muna kayo ni Gabby," ani paul. Paranag nahulog sa upuan si Gabby sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na napigilang tumawa. Hinampas ni Dan si Paul na tumatawa na rin.
Bumaling sa'kin si Dan at bigla akong kinabahan.
"Ate Jill, pilitin mo nga 'tong si kuya. Gusto mo rin namang manood 'di ba?" pagsusumamo niya.
"Oo, pero, wag na lang, Dan," pagtiklop ko.
"Ha? Bakit? Wala naman na kayo 'di ba? Tsaka matagal na yun 'di ba?" Taklesa, sa isip isip ko.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...