Habang hinahanap ko ang daan palabas sa kuwarto, unti-unting bumabalik ang mga nangyari kagabi. Nawala sa'kin ang shoot sa Japan, pumunta ako sa bahay ni Paul, bingo! Nasa bahay ako ni Paul tapos kumain kami, uminom at nalasing ako?
Pababa na ako ng hagdan nang mapansin kong iba ang suot kong damit, hindi na iyong suot ko kagabi. Mas lalo akong kinabahan. Maluwang at mahabang puti na t-shirt ang suot ko at may nakaimprenta na linya sa isang sikat na sports clothing line. Pinakiramdaman ko ang sarili at wala naman akong naramdaman na kakaiba kaya nagpatuloy ako at sa kusina ko nadatnan si Paul.
"Good morning," nakangiti niyang bati. Bigla na naman akong kinabahan. 'Yung ngiting 'yon kasi at sinamahan pa ng pang opisina niyang bihis-- ang linis, ang bango, ang ayos kahit na may suot pa siyang apron. Hindi katulad ng pustura ko ngayon.
Tila may mahika, iyong pabango niya ba o pustura, lumapit ako sa kinatatayuan niya.
"Did something happen? I mean—," nauutal ko pang tanong dahil hindi ko naman napaghandaan ang ikinilos ko.
"Yes something happened," seryoso niyang sagot.
"Ha?" nanghina ako bigla.
"You got drunk, vomited, got your shirt dirty. It was your first," paliwanag niya.
"Yeah, sorry," pero napaisip ako, "wait ikaw nagbihis sa'kin?"
"Oo, do I have a choice?" mas tunog depensa iyon kaysa pagkumpirma.
"Di nga?"
"Wag kang mag-alala binilisan ko 'yon para hindi ko makita lahat," natatawa niya pang sabi, tunog nang-aasar kaysa nang-aalo.
"Ha?" hinampas ko na.
"Joke lang! Nakatalikod ka nun, okay na?" bawi niya.
"Dapat pinauwi mo na lang ako."
"Kung umuwi ka, e, di walang nag-asikaso sa'yo," katwiran niya.
"Sorry," wala sa sarili kong nasabi.
"Stop saying sorry. Just don't get drunk again," mas tunog pabor kaysa sermon iyon. "Hindi ka puwedeng malasing sa ibang lugar. Dito lang dapat at ako lang dapat ang kasama."
Hindi ako nakaimik. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Promise me," siya ulit.
"Ha?" wala pa rin ako sa sarili. Siguro dahil sa pabango niya.
"Just promiseme," matigas ang pagkakasabi niya roon. Hindi iyon tunog boyish kundi tunog na may kasamang finality.
"Pro—mise.".
"Nga pala, kagabi I saw something on your –"
"Kamusta na Paul?" Biglang may sumulpot na lalaki sa bahay niya. Pamilyar at kamukha ni Paul.
Bago pa man iyon makalapit ay mabilis na tinanggal ni Paul ang suot niyang apron at mas mabilis niyang inilipat iyon sa akin, mabilis niyang naitali ito sa baywang ko. Saka ko lang napansin na maikli pala ang suot ko. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kinailangan niya pang ilipat sa akin iyon.
"Kuya, kailan ka dumating?" tanong niya sa lalaki at saka ko naalala na kuya niya nga pala iyon -- si Kuya Ian.
"Kanina lang, may kasama ka pala. Hi, Jillian?" baling niya sa'kin.
"Hello kuya!" ganti ko. Nakilala ko na siya dati, high school pa lang kami noon at iilang beses lang kaming nagkita kaya nakakatuwa na naaalala niya pa ako.
"Is she –?" tanong niya ngunit naagapan iyon ni Paul nang yayain niya ito sa labas.
"Kuya let's talk outside," mando niya.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...