"Okay, kuya, truth or dare?" masiglang tanong ni Dan sa kuya niya.
"What do you want baby sister? You choose for me," masuyong pahayag ni Paul sa kapatid.
"That's not the rule kuya! Pero sige, truth."
Hindi naman ako kinakabahan. Wala naman nang dapat ikakaba, ayoko lang sa tensyon na binibigay ng larong 'to.
"What kind of girl is your dream girl?" tanong kay Paul.
"Sa high school ni hindi nga 'yan tinatanong sa mga ganito namin dati e," tumawa si Paul. Umirap naman si Dan. "Simple lang, 'yong kaya kong protektahan. Someone that will choose to cry on me rather than to other people."
"Ha? Pa'no kung hindi lang naman ikaw 'yong kaya niyang pagsabihan ng nararamdaman niya?" nagfollow-up pa si Dan.
"Than she's not the one," prenteng sagot ni Paul.
"Ang possessive mo!" kumento ni Dan.
"My point here, Danica, is when you love someone, you love someone, no do's and don'ts, your question in the first place shouldn't be ask. You'll never know whom you fall for, 'di ba?" lumalabas na naman ang pagkadebator nitong lalaking 'to.
"Okay! Sana kasi hindi mo na lang sinagot kuya, ang labo mo din minsan e," reklamo ni Dan ngunit walang anu-ano, inikot na ni Paul ang bote at tumapat kay Gabby.
"Dare," pili ni Gabby.
"Kiss my sister in front of me and you'll regret your life," mabilis na utos ni Paul na tinawanan ko na.
"Hindi naman 'yan dare Paul, tinatakot mo e," kumento ko.
"Exactly," mariin niyang sagot sa'kin.
"Gabby, ano na?" baling ni Paul sa tinapatan ng bote.
"I refuse," nakangiting sagot ni Gabby.
"So may consequence 'di ba?" ani Paul.
"Yes," sabi ni Dan.
"Inom," pagmamando ni Paul.
"Yes sir!" ininom ni Gabby ang sinalin na alak ni Paul sa baso na ikinapula ng bata. Siguro dahil sa hiya. Tumawa rin si Dan nang makita ang pamumula ng mukha ni Gabby.
Sa akin tumapat ang bote agad kong pinili ang truth, ayoko kasi sa dare noon pa.
"Kiss kuya Paul," matulin niyang bitaw. Binato siya ng throw pillow ni Paul at hindi niya napigilang tumawa habang sorry nang sorry kay Paul.
"Well I'm just gonna drink if that's the case," bitaw ko.
"Hindi, seryoso na. Bakit ayaw mong maglaro nito? May nangyari na ba dahil sa larong 'to?" tanong niya.
"You don't know?" gulat kong tanong, akala ko kasi alam niya. Umiling siya.
"You're Dan's boyfriend, hindi ako naniniwalang hindi mo alam," dagdag ko pa.
"Just answer the question ate!" pagmamadali niya sa'kin.
Nagkamot ako ng ulo at bumuntong hininga. "It's not that I don't want to play this, it's just that this game's not for me."
"Bakit?" usisa ng mokong.
"Few years back, no'ng hindi pa alam ni Paul na inlove ako sa kanya – "
"Inlove ka sa kanya?" putol niya sa sinasabi ko.
"Seriously Gabby? Dan can you get this asshole out of my face?"
"Okay, sorry, sorry, joke lang," tinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko.
"I found it out through this game, Gabby," pagpapatuloy ni Paul sa sinasabi ko kanina.
BINABASA MO ANG
Gamble
General Fiction"Even in the cheapest way, I am willing to gamble." Natuto na si Jill. Mas pinatibay na siya ng lahat ng sakit sa na naranasan niya sa nakalipas na mga taon at hindi naging madali ang lahat -- kinailangan niya pa munang maiwang mag-isa sa lakbay ng...